Sino nga ba?
Dahil napakadaldal nung kaibigan ko, tinanong niya ako kung sino daw ba pipiliin ko, kung yung mahal ko o yung mahal ako. Hindi na ko gaano nag isip kasi alam ko na sa sarili ko na ayaw kong pinipilit yung taong yun na mahalin ako pabalik eh. Alam ko na mas sasaya siya sa iba, pero katulad sa ibang telenovela, sa huli ikaw ba ang pipiliin niya? Hindi natin alam eh. Sinagot ko yung kaibigan ko, sabi ko yung mahal ako. Bakit? Sa dinamidami ng mga nararanasan kong pag aassume, pag hintay na magustuhan niya ko at pag asa, napagod ako eh. Malay ko, baka nahaharangan lang ng nararamdaman ko yung mga bagay na dapat kong makita. Malay ko, yun na pala yung hindi ko lang binibigyan gaano ng pansin. Pero siyempre, nagbabago din naman lahat ng ito. Depende na siguro sa kinabukasan kung anong maaring mangyari. Kaya nagdalawang isip din ako, hindi na ako gaano naging sigurado. Hahahaha Ikaw ba, sino pipiliin mo?
















