Pagsamo - Arthur Nery
bilang isang tao na nag-mahal lang naman ng totoo at naiwan sa ere, isa na yata 'to sa pinakamasakit na kanta na napakinggan ko. isang buwan pa lang halos ang dumaan kaya hinahayaan ko lamang ang sarili ko na mag-hilom. nakakatakot. takot na takot nanaman ako. natatakot na akong magmahal ulit ng buo, sa mundo ba naman natin na parang laro lamang ang pag-ibig sa karamihan. sa panahon ngayon na hindi mo na alam kung ano ang totoo. akala ko kasi parehas kaming sumugal sa isa't-isa. akala ko lang pala, akala ko lang pala talaga. ako lang pala talaga ang sumugal ng buo.
kung sakali man magkaroon ng pagkakataon na makita mo ito, sana wag bumalik sa'yo lahat ng sakit na pinaramdam mo sa-akin. salamat sa lahat, kahit di ko na alam kung alin ang totoo sa mga nangyari. siguro nga'y mas mahal mo ang sarili mo kaya mas pinili mo humanap ng saya sa ibang tao. mas madali nga naman makalimot kung ganun di'ba? haha 'di ko na talaga alam. 'di ko naman alam kung totoo bang minahal mo ako o hindi.
ngunit ang tanging hiling ko na lamang ay sana maalala mo ako bilang isa sa mga taong nagmahal sa'yo ng totoo. gusto ko lang malaman mo na hinangad ko talaga na sana ikaw na yung huli. katawa-tawa 'di ba? sa dami ba naman ng mga babae na dumaan sa buhay mo, dagdag lang naman ako dun 'di ba? masakit pero yun na ang katotohanan ngayon. 'di ko alam, sigurado naman ako na minahal ka rin ng mga taong dumaan sa buhay mo. sadyang siguro 'di mo lang alam kung paano tumanggap at mabilis ka lang matakot sa mga bagay. naalala mo ba nung mga panahon na kinukwestiyon mo ang mga salitang sinabi ko? dahil pakiramdam mo hindi totoo? kung alam mo lang kung gaano kita gusto yakapin 'nun para lamang maramdaman mo na totoo lahat ng naramdaman ko ng mga panahong 'yun. na kahit alam kong madami kang nagawang mali, alam kong karapat-dapat ka pa ring mahalin.
halong pagmamahal at galit ang nararamdaman ko ngayon. nakakapagod sa totoo lang. gustong-gusto ko na tumigil kaso 'di ko magawa. sana pala hindi na lang din ako umasa. naniwala rin kasi ako sa mga salita mo na gustong-gusto mo magbago. pero hindi nga naman madali magbago. pinipilit ko pa ring intindihin dahil alam ko namang mabuting tao ka. nakita ko naman yun. pero sana sa susunod, matuto ka ring rumespeto sa nararamdaman ng ibang tao. lalo na sa mga taong alam mo namang minahal kang totoo. sana naman itinago mo na lang muna siya sa'akin.
pero okay lang. kakayanin ko. kung saan ka sasaya, dun na lang ako. patawad rin sa mga salitang binitawan ko nung huli tayong nag-usap. di kaya ng konsensya ko ang ganito kabigat na pakiramdam. sana ikaw rin, nawa'y sakanya matuto kang magpakumbaba. nawa'y pag nag-away kayo o nagkaron ng di pagkakaunawaan, matuto kang mag-sorry sa kanya. dahil naalala ko na isang beses ka lang humingi sa-akin ng tawad nung tayo pa. laging ako ang humihingi ng sorry sa-yo kahit alam ko sa sarili ko na hindi ako dapat mag-sorry sa mga naramdaman ko na ikaw naman ang sanhi.
ipinagdarasal pa rin kita kahit alam kong wala ka namang pinaniniwalaang diyos. sa sarili ko na lang 'yun. 'yun na yung isa sa mga bagay na nakapagpatanto sa-akin na talagang minahal kita. dahil ako rin naman, di ako relihiyosong tao pero di ko alam bakit nagawa kong lumapit sa diyos ng dahil sa'yo. halos magmaka-awa pa ako sakanya nung mga panahong ayaw mo ako kausapin ng maayos. dahil takot na takot ako na mawala ka.
kaso mukhang hanggang dun na lang talaga..
sa babaeng pumalit sa-akin, ingatan mo siya. sana ikaw na ang huli niya.












