sa pagsapit ng dilim.
naalala mo ba, ng minsang di sinasadyang tayo ay magkita, alaala ng kahapon, sa'kin sa tuwina'y gumugunita. ang araw na iyon, hindi na maalis sa king sistema, sapagkat akala ko sa ating dalawa magkakaroon ng “A Second Chance” pa. ngunit tadhana sadyang madaya, napadaan ka lang pala kasi may kailangan ka, isang kaibigan na pwede mong iyakan, isang kasama na pwede kang pakisamahan, at isang kapatid na pwede kang damayan..
pagkat ng muli mong binuksan ang puso kong kahit kailan hindi mo naman nasuklian, heto nanaman ulit ako, kumakapit sa “ating” nakaraan..
tulad ng una mong kabiguan, iniwan ka niya kasi parang may kulang, sa tagal ng inyong samahan, hindi ka pa din sapat dahil wala sa katangian mo ang kanyang hanap. tulad ko na kailan man hindi sasapat sa pamantayan mong sobrang napakataas..
oo, tama ka, baka napagod lang siya, sana mapagod ka din sa kahihintay sa kanya, kasi ako, hindi sa nanghuhusga, malapit ka na sa imahe ng pagiging isang tanga.
napaka tipikal ng mahal mo siya, pero may mahal siyang iba, pero sa ating dalawa, applicable talaga, hindi ka naman chinito para di mo mapansin, isang katulad kong hindi naman nakakapuwing.
oh siya, sige na, maging masaya na lang tayo para sa isa’t isa, ikaw kapiling ng boteng kanina mo pa tinutungga, at ako naman sa alaala nating dalawa..












