At #CFC #NorthA4 Lagro-SHV #CLP with my parents.. #RepentanceAndFaith #service #serBISYO (at Greater Lagro Subdivision)

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from China
seen from China
seen from Bulgaria
seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from China

seen from Netherlands
seen from United States

seen from Canada
seen from United Kingdom
seen from United States
At #CFC #NorthA4 Lagro-SHV #CLP with my parents.. #RepentanceAndFaith #service #serBISYO (at Greater Lagro Subdivision)
September 13, 2015
The photos below show the monthly meeting of retired teachers held at Ibaan Parish Formation Center, September 13. This is the time when everyone get to share anything under the sun the concern their welfare. The meeting also tacked the Teachers Day Celebration 2015 and plans for December.
The retired teachers hope to go to Showtime, an ABS-CBN noon time program.
Ibaan Retired Teachers Meeting September 13, 2015 The photos below show the monthly meeting of retired teachers held at Ibaan Parish Formation Center, September 13.
Ang serbisyo ay hindi pang isang tao o organisasyon lamang
Nag-aaral ako sa Unibersidad ng Pilipinas dito sa Cebu. Isa akong aktibong aktibista dito sa aming paaralan. Oo, masasabi kong isa akong aktibista hindi dahil pumupunta ako sa kalsada at tumutuligsa sa mga lider ng ating nayon, kundi dahil alam ko, sa aking sariling paraan, nakakatulong ako sa pagbabago ng ating bayan. Ang pagiging aktibista at lider-estudyante ay hindi lamang nasusukat sa kung ilang rallies na ang nadaluhan mo, sa ilang mga polisiya ang naipaglaban and nalabanan mo. Para sa akin, ang pagiging aktibista ay higit pa sa paglalatag ng ating hinanaing sa kalsada, kundi sa pag gawa ng kung ano ang nalalaman mong makakatulong sa iba, at sa kung ano ang para sa iyo ang makakasagot sa problema. Ang serbisyo ay hindi lamang sa iisang organisasyon. May iba-iba tayong paraan sa pakikibaka para sa tunay na serbisyo. Hindi lang isa ang paraan ng pagseserbisyo. Hindi ako makakapayag na may sumira ng pangalan ng isang organisasyon na ang layon ay ang makatulong sa kapwa dahil hindi ito katulad ng paraan na nais niyo, na nakagisnan niyo. Ang serbisyo ay hindi lamang para sa isang tao. Taas kamao akong nagpupugay sa kagaya ko, isang lider-estudyante na hindi lamang naglilimita sa sarili sa militanteng pakikibaka kung hindi naghahanap rin ng ibang paraan upang makatulong sa kapwa.
P.S I love you
Initiative. Interest. Involvement.
Para kanino ka bumabangon? SINO ka? Buo na ba ang pagkatao mo? EH yung ideology,principles,goals, etc. ng partidong kinabibilangan mo, nakukuha mo? Bakit ka tumakbo? Para sikat o para may mapatunayan sa sarili at sa mga taong nasa paligid mo? KUNG oo ang sagot mo sa huling tanong na nahagip ng utak mo habang ikaw ay nakikinig sa kung ano mang tunog sa paligid mo, pre, mali ata ang tinatahak mo.
In-i-ti-a-tive
an introductory act or step; readiness and ability in initiating action.
Simple lang ang meaning, sa tagalog PAGKUKUSA. Kung gusto mo maging leader malamang kailangan mo magkaroon ng pagkukusa. Pagkukusa sa paggawa ng aksyon sa mga bagay na alam mo na hindi tama, sa mga bagay na alam mong kailangan ng pagbabago.
In-te-rest
something that concerns, involves, draws the attention of,or arouses the curiosity of a person:
Interest. Hindi ito yung pansariling hangarin mo lamang, hindi ka maituturing na student leader kung yun ang nasa isip mo. If you want to be a good leader, students' interest will always be your top priority.
Politics is concerned with the interests of society as a whole; from this point of view, it is the highest form of charity, it is charity towards the city.
-POPE PIUS XI
Let's minimize the scope of Pope Pius' idea about Politics. Punta lang tayo sa ating pamantasan. Politics is charity towards the student community.
In-vol-ve-ment
to include as a necessary circumstance, condition, or consequence;
INCLUDE yourself, isama, ipagsiksikan ang sarili sa serbisyo para sa buong student body. Don't look at yourself superior over your fellow students, make yourself involved by hearing their voices. Ang pagbibigay ng isang lideratong mamahalin ng kapwa mo magaaral ay ang pamamahalang may pusong makisama. You are still a student, nilagyan mo lang ng LEADER sa tabi, kaya ikaw ang nakakaalam sa mga gusto ng kapwa mo estudyante.
KUNG NATUTUMBOK mo ang nais kong iparating, kung ikaw ay yung tipo ng estudyanteng pumupunta sa CCSS laboratories tuwing halalan para sa UESC, isa ka sa magaaral na nagbabasa ng pamphlets ng mga partido ng iyong kolehiyo, alam ko na alam mo kung sinong partido ang may ganitong prinsipyo.
Huwag muna masilaw sa platapormang bigatin, huwag maggoyo sa mga ingles na nahalungkat sa kaibuturan ni pareng Webster, huwag malinlang sa ganda o gwapo ng isang kandidato, DOON tayo sa may PRINSIPYO.
Mga Prinsipyo na ang tanging hinahangad ay ang magbigay serbisyo at maghatid ng pagbabago.
P.S I LOVE YOU.
Nagkaengkwentro nanaman sa area ko. walang malubhang nasugatan. pero marami ang naapektuhan. Pagkatapos ng ilang araw ay bumalik din ang pamilya sa kanilang tahanan. Galos o mga gasgas lang ang natamo ng buong mag-anak ni Lumad. Ang kanyang 2 taong gulang na anak, ay naihagis sa bintana para lang makatakas. GUmapang sa gubat sa gitna ng dilim at hindi iniinda ang mga tinik na bumabaon sa knilang mga balat. Isang bwan. Isang bwan nanamang maglilibot at mga "tagapagtanggol" ng bansang ito sa itaas. Lalo nanamang madadagdagan ang takot na nakatanim sa isipan ng mga batang katutubo na syang higit na naapektuhan sa mga sitwaysong tulad nito.
Sa tunggalian ng mga armadong "nagpapalaya" ng bayan at ng mga sundalong "nagtatanggol" sa bayan, mayroong mga naiiipit sa gitna na kung susuriin ay siyang pinakaapi sa lahat ng sektor ng lipunan. Sila ang pinakasalat sa mga serbisyong mula sa gobyerno dahil sa kinaroroonan ng mga rebeldeng grupo.-melencio,2011