Good news te, tinext kaming magkakasama ng mcdo nung monday (tho 1 lang talaga tinext pero included kami) na may On Job Evaluation sa thursday. Late ko na 'to na blog, so ibig sabihin tapos na. Pinili ko yung time slot kung saan makakagalaw ako ng malaya bago yung time na yun, yung 3pm pinili ko, si Karyl yung kasama ko sa OJE kasi pwede namang dalawahan, wag lang sabay sabay lahat. Umayaw yung dalawa naming kasama kasi reasons..
Nung OJE na namin, before 3 nandun na kami, nakakahiya kasi yung socks ko white, dapat pala black, 'di naman kasi sinabi sa text na ganun dapat. Kamusta yung OJE? NAKAKAPAGOD, mas gugustuhin ko na nakaharap ako sa laptop buong araw kesa naman gumalaw buong maghapon. Nung una nahihiya pa ako sa crew dun at manager kasi wala naman kaming kilala dun, tapos lahat sila tinanong ako kung bakit white socks ang gamit ko. Ang gwapo nung manager na natapat sa time slot ni Dexter, huhuhu. Anyway, ang objective namin ay yung sa CR at lobby. Yung babaeng manager yung nag-explain ng mga gamit nung basahan etc etc. Nung unang 2 hours sa lobby ako na-assign. Nag ligpit ako ng nagligpit ng pinagkainan ng customers. Nung una na-enjoy ko kaso nung may dumating na isang crew, kinausap niya ako, sabi niya, dapat daw bilisan ko pa, tumakbo daw ako, tangina, race pala napasukan ko. Sabi niya dapat daw makita ako ng manager na tumatakbo para matanggap ako. Bwiset, edi sinunod ko. Bawat linis ko ng lamesa tumatakbo ako tapos pag kelangan ng assistance sa counter, tumatakbo din ako, nakakahingal, naisip ko sana mag-shift na kami ni Karyl ng oras kasi hindi ko na kaya sa lobby. Nung nagshift na kami, nagma-mop ako ng cr ng boys at girls. Akala ko dun lang ako, tas biglang sabi ng isang crew dapat daw kahit dun ako nakatoka, tumulong pa din ako sa lobby. Bwisit non-stop ako, ang sakit sakit na ng paa ko. Ewan ko kung ikasasaya ko na matanggap o hindi kasi sobrang pamatay, 5 hrs pa lang yun, pano kung dun na ako nagtatrabaho? Nagbreak kami ni Karyl, pero ako nauna, sabi bibigyan daw kami ng pagkain dun, sabi ko wala akong pera, yun pala libre. 1 pc chicken, 2 rice and drink. Nagpahinga talaga ako habang kumakain, pero pressured pa din kasi kelangan bilisan ko para makakain si Karyl. Nung si Karyl na nagbreak, ako na ulit yung kumilos, sabi nung kuyang crew na mabait (hindi yung nagsabi ng tumakbo ako) sa tables na lang daw ako, siya sa sa CR at sa mga trays. Nag out na kami pagkatapos ni Karyl, naka 5 to 6 hrs kami, eh usapan 4 hrs lang. Tatawag na lang daw sila samin. Para kaming lantang gulay nung umuwi, lutang yung isip namin ni Karyl, sobrang nakakapagod. Natulog na ako pag-uwi ko. Sabi ni mama ginusto ko daw 'to, pinahihirapan ko daw sarili ko, samantalang dito sa bahay hindi ako nagma-mop at napapagod. Huhu sana matanggap kami