Today, Pampanga wore my favorite color — of all time. Pink will never ever be the same. Now, with a very timely, deeper, and radical meaning than any other year within my 3 decades of existence. 💗 Bonus, I got to do it with my dearest friends. Rakenrol guys!! 220k and countinggg. 💕🙏🏼🤘🏼
"Ang takot ang pumapatay sa pag-ibig ngunit ang pag-ibig ay paglaban."
Ilan lang 'yan sa libu-libong narinig ko nang dumayo pa kami sa Pampanga upang um-attend ng rally ni VP Leni. Isang araw na puno ng karanasan na mas lalong nagpatindig sa akin para ipaglaban kung ano ang tama para sa bayan.
Tanghali pa lang ay mahaba na ang pila papunta sa venue. Lahat ay nakasuot ng iba't-ibang shade ng pink at dala ang kani-kanilang expression through placards—maraming satirical at mayroon rin namang talagang may ipinaglalaban.
Bubungaran ka ng isang arch design na alam mong pinaghandaan nila. Bilang isang alagad ng sining, mas na-appreciate ko kung paano nila i-welcome ang lahat. Ang sabi nga ni VP Leni na kung siya ay mauupo, magiging presidente siya ng lahat ng kulay. Na-realize ko sa puntong iyon na 'yon ang totoong ibig sabihin ng 'radikal na pagmamahal'—walang iiwanan sa laban dahil sama-samang aangat ang buhay ng LAHAT.
Mula sa mga libreng pagkain na hindi ka talaga mahihiyang kumuha dahil sila mismo ang nagbibigay (dahil sa Gobyernong Tapat, MABUBUSOG ANG LAHAT!) hanggang sa mga biglaan sigaw ng "Leni-Kiko!" chant sa iba't-ibang parte ng Robinson Starmills ay mararamdaman mo ang espiritu na nagkakaisa at sabik sa totoong pagbabago ng bansa.
1PM pa lang ay nakisiksik na kami sa 'di mahulugang karayom na tao para naman may mas maganda kaming pwesto. Buti na lang ay napunta kami sa saktong tanaw ang stage. Hindi mapagkakailang mainit dahil wala kang natatanaw sa mga nagsasalita sa stage kung hindi ang mga payong. Pero kapag may interesting part, marami ang sumisigaw ng "payong! payong!" o kaya naman "ibaba ang payong!" para lamang matanaw kung ano na ang nangyayari pero kahit ang totoo na wala ka pa rin namang makikita.
At sinubukan ko rin palang i-message 'yung mga kakilala kong um-attend rin ng rally ngunit mukhang hanggang "see you!" na lang sa messenger ang magagawa ako (nawalan pa ng signal). Actually, totoo nga. Natapos ang rally nang hindi ko sila nakikita.
*1PM nang makarating kami sa venue
*Almost 1 hour after, ganito na kapuno
Masasabi mong hindi talaga papatalo ang mga kapampangan, dahil hindi lamang drone ang mayroon sila kung hindi helicopter pa! Medyo flop nga lang kasi buo-buo 'yung mga confetti (na-manage naman nu'ng kalaunan) lol. Mayroon din palang pa-saranggola na sa lahat ng grand rallies ay Pampanga lang raw ang mero'n.
Hindi rin mawawala ang famous chant ng mga kakampinks sa lahat ng rallies, ang "MEDIC! MEDIC!". Kada may bagong aakyat sa stage ay mayroon rin kalakip ng pagsigaw nito. Mas marami pa ata akong nasigaw na ganoon kay sa Leni-Kiko chant. But on a serious note, masasabi mo talagang mayroong pagkakaisa at pagtutulungan.
At syempre, ang mga celebrities at OPM Bands (nakaka-disappoint 'yung ibang fave ko ay nasa kabila hehe) na mas pumiling tumindig kaysa pansinin ang mga bashers na dapat ay huwag na raw silang maki-alam. 'Yung narrative naman ng iba ay dahil para lang raw sa franchise renewal ng ABS-CBN. Nakakatawa lang isipin at sa isang banda ay nakabilib na alam mong mas progresibo na ang mga tao dahil everything is political.
*as much as I want to post a video clip, I don't know what is happening but it's having an error posting it so I'll just serve you a sunset view from the rally :>
Isa rin sa mga highlights ng event ay ang senatoriables. Sadly, Atty. Neri Colmenares was not part of it. But salamat rin dahil nabigyan siya ng pagpakakataon upang makapagsalita sa pre-program. #WeWantNeri
Furthermore, present ang lahat ng senatorial slate ng Leni-Kiko Tandem! At syempre ang pinakahihintay ng lahat si Atty. "Lolo" Chel Diokno.
Narito ang list ng piniling suportahang senatorial slate ng Leni-Kiko Tandem (in no particular order):
De Lima, Leila
Baguilat, Teddy
Diokno, Chel
Gordon, Dick
Lascon, Kuya Alex
Hontiveros, Risa
Trillianes, Antonio
Matula, Sonny
Binay, Jojo
Escudero, Chiz
Villanueva, Joel
Zubiri, Migz
The names that were mentioned above were the tandem chose to be their senatoriable slate. Note that we have the freedom to choose who are we going to vote. We should not vote straight but wisely.
*Atty. Chel Diokno expressed his gratitude to his 'CHELdren' [left], re-electionist Sen. Risa Hontiveros campaigned her platforms while the crowd clamored 'rISA pa!' [right]
At syempre hindi mawawala ang grand entrance ng mga rallies ni VP Leni. Nakakatuwang isipin na naipapakita ang mga kultura ng bawat probinsya sa mga rally na ito. May mga nabasa rin ako na hindi katulad sa iba na sa Pampanga ay sabay na nag-entrance si VP Leni at Sen. Kiko—isang simbolo na dapat ay sabay natin silang suportahan. #ShabayShabay
Sabi nga ng iba na hindi na ito ang typical na political rally katulad ng dati. Dahil ngayon, mas bukas na ang isip ng tao hindi dahil sa perang kanilang maaaring matanggap. Lumalabas ang kagandahan ng bawat probinsyang binibista nila. Mas nakakadagdag ng saya at espiritu ng bayanihan.
*Cultural Dance performed as the grand entrance of Leni-Kiko tandem [left], VP Leni & Sen. Kiko on th stage after the performance [right]
Hindi ko makakalimutan ang part ng event na ito. Ang mga magsasaka ng Pampanga ay sinorpresa si Sen. Kiko upang suportahan sila. It was eye-tearing para sa lahat ng naka-witness. Sobrang saya sa puso na makita na tumitindig ang mga ito para sa kanilang mga karapatan.
Walang binayaran upang gawin ang sinasabing drama-drama raw ang nangyaring ito. Patunay na matagal nang ipinaglalaban ni Sen. Kiko ang mga magsasaka at mangingisda mula sa tunay na resibo.
Para sa kanila, hindi important ang pagtaas ng kamay ng mga nakaluklok sa bawat probinsya kung hindi mas mahalaga ang suporta ng mga ordinaryong tao na mas makikinabang sa maayos na pamamahala.
*Photo grabbed from Rappler
Katulad ni Sen. Kiko, sila ang dahilan kung bakit mas namulat ang aking isipan upang maging mapanuri sa mga ginagawa ng mga public servants. Kung bakit maraming naiinis sa akin sa twitter. At kung bakit pinili kong suportahan ang Leni-Kiko Tandem dahil tunay na tao ang kanilang ipinaglalaban mula nang simula silang magserbisyo sa tao.
Para sa mga magsasaka, mangingisda, marginalized people, Indigenous People at Lumad ang aking boto. Ang boto na pinipili ang Pilipinas. Piliin natin kung sino ang karapatdapat mula sa tamang pamamahala at kung ano ba talaga ang kanilang nai-ambag mula noon.
Isa ako sa 220,000 na taong tumindig at patuloy na tumitindig para sa totoong pagbabago. Sa atin magsimula ang paglinis na politikang rinungisan ng mga trapo noon pa man.
Sama-sama tayong kumalap ng suporta para sa iba. Tandaan natin na hindi lamang para sa atin ito. Para rin sa iba—sa ating minamahal. Sa hindi natin katulad ng prinsipyo. Sa ating minsang nakaaway dahil disinformation. Para sa kanila ito.
ive been mia for these past few days. just wanted to share that we went here sa pampanga people's rally last april 9 and all i can say is it was a surreal exprience. my first and once in a lifetime exprience that i will keep forever. we went here ng wala akong tulog, sinasabihan ko na kapatid na gusto ko na pa medic kasi nahihilo na 'ko, ilang oras kami nakatayo tapos sobrang init pero lahat ng pagod at effort are all worth it. we beat the record of pasig-laban. they are not ready that we are the most mayabang province in the ph, pampanga!!! i am proud to say that i am one of the 220K people that night and hindi kami bayad!!!! #ipapanalona10to💖🌸🎀
Proud to be part of the 220,000! #manalakaran #pampangaispink #kabalenikiko #leninapampanga (at Robinsons Starmills Pampanga) https://www.instagram.com/p/CcMSL3yP2he/?igshid=NGJjMDIxMWI=
MANYAMARN, YARN?! Braso pa lang, ulam na, I cannot. Found MR. SARAP who is present in many Pink Rallies. So nice to finally see you, X. Sa gobyernong tapat, sherep buhay ang lahat, in many ways! 💖 | #PampangaPeoplesRally #KabaLeniKiko #Manalakáran #PampangaIsPink #GobyernongTapat #AngatBuhayLahat #KulayRosasAngBukas (at Robinsons Starmills Pampanga) https://www.instagram.com/p/CcImp0pv_zN/?igshid=NGJjMDIxMWI=