Pananamit
1.) Ang letrato sa itaas ay ang isang tribo ng mga Negrito, ninuno ng mga negrito ang pangkat ng Aeta. Simple lang ang kanilang pananamit, mayroon lamang silang saplot na itinatali sa kanilang bewang upang takpan ang kanlang ari.
2.) Sa ikalawang letrato , ipinapakita nito ang mga Indios na ang ninuno'y ang lahi ng mga Austronesian. Ang mga Indios na ito ay nagsusuot ng maraming alahas, mga kwintas at bracelet na makakapal.Tradisyon din ng grupo na ito magmula sa isang henerasyon patungo sa isa na maglagay ng mga tatoo sa kanilang katawan.
3.) Principalia - Ang principalia ay ang mga nakatataas na mga pamilya noong panahon ng kastila. Bahagi sila ng clase media o pangitnang uri. Ang pananamit nila ay halos gaya din sa mestizo.
4.) Inquilino - bahagi din ng clase media o panggitnang-uri. Mga nagpaparent o nangangalakal. Naka camisa de chino din, at may kapa.
3.) Mestizo de Sanglay( Chinese-Malay), Mestizo de Espanol(Spanish-Malay), Tornatras(Chinese-Spanish-Malay)
- Ang "mixed class" , ay halos pare-pareho ang pananamit. Sila ang mga may halong Tsino, Kastila o kombinasyon ng dalawa ang dugo. Ang kanilang pananmit ay gaya ng baro't saya. Na may desenyo na nakaukit sa dulo ng mga kwelyas.Ang mga lalaki naman ay naka camisa de chino.
4.) Insulares - Ang insulares ay purong Kastila ang dugo ngunit pinanganak sa Pilipinas. Ang kanilang pananamiy ay gaya lang sa mga Mestizo, ngunit mas madaming laso ang kanilang mga damit
5.) Peninsulares - Ang mga peninsulares ay purong Kastila ang dugo at ipinanganak sa Spanya. Ang mga lalaki ay nagsusuot ng uniporme, na chainmail sa ilalim dahil karaniwa'y sila'y bahagi ng sandatahan ng Kastila. Ang mga kababaihan naman ay nagsusuot ng mga magagarang damit








