COVID-19 VIRUS: ANG MODERNONG PANDEMIYA
Sa pagpasok ng pandemiya sa ating bansa, marami ang naapektuhan lalo na nang ito ay unti-unti itong kumalat sa iba’t-ibang parte ng bansa. Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng nahawaan ng COVID-19 Virus, nagdeklara ng iba’t ibang uri ng pamamaraan kung paano malalabanan ang pandemiyang ito. Ilan sa mga ito ay ang community quarantine, social distancing, at ang isolation (DOH, 2020). Hindi man nito direktang mawawakasan ang pandemiya, ginagawa ang mga ito bilang hakbang sa pag-iwas sa posibilidad na makahawa ang isang taong mayroong COVID Virus.
KAWALAN NG TRABAHO SA GITNA NG PANDEMIYA
Sa kasamaang palad, ang mga hakbang na ito na may layuning bawasan ang mga taong maaaring maapektuan, ay mas napagigting nito ang dami ng nawalan ng trabaho at mga taong may negosyo. Dulot ng pandemiya, maraming employado ang kinailangang bawasan sapagkat hindi na mapupunan ang mga sweldo nito dahil na rin sa pagbaba ng ekonomiya. Maraming negosyo ang napilitang magsara. Ang ilan naman ay napilitang pumunta sa malayong lugar upang makapagtrabaho.
Ito si Dante De Chavez, isa sa aking mga kapitbahay na naapektuhan ang trabaho dulot ng pandemiya. Noong mga panahong hindi pa mahigpit ang pag punta sa mga malalayong lugar, siya ay sa Batangas nagtrabaho. Ngunit ang pinapasukan nitong kumpanya sa Batangas ay nagsara na. Dahil dito, kinailangan niyang pumunta sa Samar upang magtrabaho sa parmasiya ng kanyang ina.
Bago siya makarating sa Samar, mayroong ilang proseso muna siyang napagdaanan.
Una, kumuha muna siya ng permit upang siya ay payagang makaalis sa aming siyudad.
2. Pangalawa, nang makarating siya sa Samar, isinailalim sa inspeksyon at paglilinis ang kanyang mga gamit.
At panghuli, pinagbawalan siyang lumabas sa kaniyang tinuluyan sa loob ng labing-apat na araw.
Aniya, hindi naging madali ang kaniyang paglipat sa kanilang probinsya. Kahit pa hindi nagsara ang kanilang pagmamay-ari na botika, madalang pa rin makabili ang mga tao dito dahil karamihan ay walang pera pambili sa kanilang gamot gawa ng kawalan ng trabaho.
Marami na ang pinagdaanang pagsubok na hinarap ng mga Pilipino. Ang pandemiya na ito ay isang malaking dagok sa daan ngunit kayang-kaya itong lampasan. Hindi man sa lalong madaling panahon, pagdating ng tamang oras, makakamtan din ang dulo nito. Dahil ang mga Pilipino ay laging matatag at walang laban na inuurungan.