Epekto ng Pandemiya sa Aking Personal na Buhay.
Shane Aira Mei G. Pajarillo
BSPHT 2-B
Southwestern University PHINMA
Noong kasagsagan ng pandemiya ay akala natin matatapos na lahat, lahat tayo ay naapektohan nito mula sa mga trabaho hanggang sa pag-aaral.
Ako rin ay lubos na naapektohan nito lalo na sa aking pag-aaral. Ako ay naging tamad at nawalan ng motibasyon at tila nawala lahat ng aking mga interes.
Ako ay naglalaro ng games at nanunood ng mga teleserye magdamag at di kinalimutan na ang pag-aaral kaya ngayon medyo nahihirapan pa ako mag-adjust lalo na sa paaralan.
Ngayon, ako ay unti-unting bumabawi sa aking pag-aaral at nag susumikap na makakuha ng mataas na marka sa klase, ako din ay nangako na ako ay di na magpapadala sa mga temptasyon na makakasagabal sa aking pag-aaral.








