363 more days without you.
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Australia
seen from Canada

seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from Japan
seen from Israel
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from South Korea

seen from T1
seen from United States

seen from United States
363 more days without you.
ANG LALAKING GUSTO KONG MAKASAMA HABANG BUHAY... Yung wala kang gagawin kundi ngumiti at maging masaya sa araw araw. Yung umaga pa lang siya na ang dahilan ng pagkasaya at pagkabibo mo. Yung mga ngiti niya ang sasalubong sayo saba'y sa simpleng bati niya ng 'good morning' ay makakapagbigay na ng tuwa sayo. O kahit na malayo kayo sa isa't isa ay mananatili pa rin ang ganung kinaugalian sa umaga. Minsan pa nga'y hihintayin mo pa ang kanyang bati pagkagising mo sa umaga. Parang ayaw na ayaw mo bumangon hangga't hindi siya nagtetext sayo. Matapos mong bumangon at maligo, titignan mo ang cellphone mo at makikita mong may text siya sayo at sasabihing 'goodmorning mahal. Sorry kakagisng ko lang. Kain ka na mahal ko :)' Di mo na lang malalaman sa sarili na napapangiti ka na lang at tila nawala lahat ng badvibes mo. Gusto kong makasama yung taong sa lahat ng kalokohan mo ay sasakyan ka dahil hindi mo lang siya tinuturing bilang partner mo pero tinuturing mo rin siyang bestfriend mo. Kahit minsan walang kwenta at sense ang pinaguusapan nyo ay hindi ka pa rin mabobore dahil merong isa sa inyo ay bigla na lang magbibigay ngiti at kulay sa pinaguusapan nyo. Gusto ko yung tao na kahit sa text lang kayo naguusap ay pinaparamdam niya pa rin na mahal na mahal ka pa rin niya. Sa simpleng pagsabihan ka niya ay ramdam mong inaalagaan at pinoprotektahan ka pa rin niya. Na kahit na nagtatampo ka ay naiintindihan mo pa rin siya at yun ay dahil mahal mo siya. Gusto kong makasama habang buhay yung taong nandyan parati sa tabi mo. Sa oras na malungkot ka, kahit na madrama ka, sa kasiyahan, nandyan pa rin siya at hindi ipaparamdam sayong isa kang pabigat. Na kahit magkaproblema kayo ay sabay nyong aayusin yun sa lalong madaling panahon. Parehas kayong hihingi ng tawad sa isa't isa at laging ipapaalala na mahal na mahal ka niya. Gusto ko yung taong gagawing kang parte sa mga pangarap niya. Yung tipong hawak hawak pa niya ang iyong mga kamay at sasabihin ang mga pangarap na gusto niya para sainyo, para sa kinabukasan nyo. Yung pinapangarap nyong bahay, trabaho, ang makatulong sa pamilya at inyong magiging pamilya. Pakiramdam niyo, na kahit hindi pa dumarating ang panahon na yun, ang saya-saya mangarap. Iniisip niyo yung mga magagandang bagay na pwedeng mangyari. Sabay niyo bubuoin yung mga pangarap na yon. Gusto kong makasama yung taong kaya kang panindigan. Kayang hawakan ang mga kamay mo at kailanman hinding hindi bibitawan. Kayang isigaw sa buong mundo na mahal na mahal ka niya. Hinding hindi magsasawang unawain ka, pasayahin ka, patawanin ka. Ang sarap sarap sa pakiramdam na may nangangarap na makasama ka habang buhay. Ang sarap sa pakiramdam na may handang isakripisyo ang mga bagay bagay para sayo. Ang sarap sa pakiramdam na may taong nagmamahal sayo ng buo. At nang dumating ka sa buhay ko, sayo ko lahat nakita ang katangiang to. Ilang buwan na rin ang nakalipas, sa pagtatalo ng puso at isip ko, naranasan kong manghina dahil sa mga taong wala namang naging dulot na maganda, sa galit na naramdaman, wala pa rin akong masabi kundi.. Mahal na mahal na mahal pa rin kita. Ikaw pa rin yung taong nagpapasaya sakin. Ikaw pa rin yun taong naiisip ko sa oras na masaya ko at humihiling na sana ikaw yung taong kasama ko. Ikaw pa rin yung taong gusto ko makasama sa mga oras na masaya ko. Ikaw pa rin yung taong gusto kong kwentuhan ng mga magagandang bagay. Ikaw pa rin yung taong nakikita ko na makakasama ko sa oras na down ako. At ikaw pa rin yung lalaking gusto kong makasama habang buhay. Ngayon, wala ng iba pang paraan kundi magintay. Magintay kung pagbibigyan pa ba tayo ng tadhana. Magintay kung mapapasakin ka pa. Magintay hanggat sa makasama kita. Magintay hanggat sa maramdaman ko ulit ang yakap mo. Magintay hanggat sa hawakan mo ulit ang mga kamay ko at sabihing mahal na mahal mo ko. At magintay hanggat sa magpatuloy ang naudlot nating pangmamahalan. Marami mang hadlang ngayon, pero sana sa tamang panahon, Mabigyan tayo ng pagkakataon. Ulitin ang mga bawat masasayang nangyari noon, at buong pusong handa ng ibalik ang mga alaalang nabaon na ng kahapon.
Hindi ako. Hindi ako.
Ako yung tipo ng babaeng madali magkacrush sa gwapo at kahanga-hangang lalaki. Define kahanga-hanga. Well, yung matalino. Yung talented. Basta yung alam kong mas magaling at mas may ibubuga kaysa sa'kin. Marami na kong lalaking nakita na ganon. Gwapo. Matalino. Crush ng bayan. Gusto ko sila. Napapangiti ako pag nakakasalubong ko sila sa CAS. Makita ko lang sila, buo na ang araw ko. Para silang bakal tapos ako yung magnet. Naaattract ako. Napapalingon. Namumula na namumutla. Napapatili. Napapatalon. Lahat na yata.
Marami akong hinahangaang lalaki. Karamihan don gwapo at matalino. Meron din namang matalino at talented pero hindi kagwapuhan. Ayos lang. Type ko pa rin. Meron naman gentleman at brainy. Meron ding pasado sa tatlong categories. Sila yung mga tipo ng lalaking trip talaga ng mga babae. Well, ayon yan sa opinyon ko. Malamang, crush ko sila eh.
Mabilis akong magkacrush. Pakitaan lang ako ng pagiging gentleman, natuturn on na ko. Pero never akong nagkaroon ng boyfriend. Marami akong theories kung bakit. Pero none was ever proven. Ayos lang. Hindi naman ako sabik sa love life. Masaya naman ako sa pagiging single. Ang sarap kaya maging malaya. Yung wala kang responsibilidad sa isang lalaki. Yung hindi mo kailangang magtext sa kanya everyday. Yung hindi mo kailangang magpaalam sa kanya pag gagala ka. Yung walang magagalit o magseselos pag nakikipagkaibigan ka sa ibang lalaki. Ang saya. Nagagawa ko lahat ng gusto ko ng walang pipigil o makikialam. Aking-akin ang oras ko. Mabuhay ang kalayaan.
Kadalasan, napapagkamalan akong may boyfie. Ewan ko ba kung bakit. Tipong ayaw maniwala na wala naman talaga akong boylet at never naman nagkaroon ng something official. Iniisip nila nagsisinungaling ako. Ba't ko naman idedeny kung meron di ba? Aba, ipagmamalaki ko naman pag nagkaroon. Lakas lang talaga ng trip ng mga tao. Ipilit ba na merong sense ang love life ko kahit wala.
Hindi ako nagsinungaling nung sinabi kong mahal ko ang kalayaan ko. Pero tingin mo, ayun nga lang ba ang dahilan kung bakit ang isang magandang katulad ko (WEHHH?) ay never pang nagkaroon ng opisyal na relasyon?
Sabi ko kanina, madami akong crush at talaga namang the best of men sila. Pero alamo, may kulang e. May kulang. Kasi kahit pagsama-samahin pa ang daan-daan kong crushes, may hindi sila mapapantayan eh. Meron. Oo, meron.
Hindi ko alam kung bakit. Matangkad siya. Maputi. May pagka-payat. Hindi siya UPCAT passer. Hindi siya actor, singer, o dancer. Kumakanta siya pero ayos lang ang boses. Hindi yung mala-Adam Levine. Naggigitara siya pero hindi yung masasabi mo talaga na magaling. Corny siya magjoke. Sakitin. Weak nung Summer Training Activities. There's really nothing special about him. Ikumpara mo ba naman dun sa crush kong hari ng dance floor. O kaya dun sa partner ng Microsoft at 17. Pwede din dun sa UPCAT passer na College Scholar sa UPLB ngayon. At yung katawan non na matabang payat? Shit! Walang wala dun sa crush kong may 6-pack abs. Pero nung sinabi ko na wala talagang special sa kanya. Nagsinungaling ako. Kasi meron. Oo, meron.
Tatanungin mo pa kung anong meron? PUNYETA. Mahal ko yun e. Naintindihan mo?! Mahal ko! May kadate ako nung Feb. 14. Masaya naman ako. Pero naisip ko pa rin na kung siya yon, abot langit ang saya! May mukhang ewan na lalaking pilit sinasabi sakin na ang cute ko daw at ako ang weakness niya. Pero siyet, walang epekto. Walang epekto dahil hindi sa lalaking pinagpapantasyahan ko nanggaling. Kung siya ang mambobola sakin, handa akong maniwala. Papatusin ko mga pickup lines niya kahit pa hindi ako kabilang sa mga babaeng kinikilig sa pickup lines. Pag siya yung araw-araw magtetext sakin, tae, magrereply ako kahit busy ako. Magpapaload agad ako pag naubusan ako ng load. Kahit ano basta makausap siya. Kahit ano.
Kaso nga lang ang lungkot. Sabi nga nila, "We want the people we can't have." Malas ko lang at nag-apply sakin ang kasabihang yon. Saket no? </3 Kaso ganon talaga e. Hindi pwedeng lahat ng gusto mo makukuha mo sa iisang panahon. Wala eh. Ganon talaga.
Marami akong ibang gustong mga lalaki. Marami. Mas gwapo. Mas matalino. Mas talented. Mas pinapansin ako. Pero kahit ano pa yan, hindi nila kayang pantayan ang pagkagusto ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Wala akong explanation. Wala akong magandang statement para suportahan ang argumento ko. Wala. Wala.
Alam kong kahit kailan, hindi niya ako matitipuhan. Kahit kailan, hindi niya ililike ang picture ko sa Facebook o ifafavorite ang tweet ko sa Twitter. Kahit kailan, hindi siya magiging interisado sa paborito kong kulay, sa mga pinapanood ko, sa kulay ng damit ko ngayong araw, sa kinahantungan ng paper ko sa COMA 101. Kahit kailan hindi niya ko isstalk. Ni hindi niya malalaman ang bagong cover ko sa Facebook Timeline. Kahit kailan walang notification na manggagaling sa kanya. Walang mention sa Twitter. Walang message. Walang invitation sa Skype. Kahit kailan, wala kaming magiging connection sa isa't isa bukod sa pagiging batchmates nung STA. Kahit kailan, wala. Dahil kahit kailan hindi niya ako magugustuhan. Iba ang type niya. Hindi yung tipo ko. Hindi ako. Hindi ako.