Nakatulong ba si dagdag pasahe
Taxi Fare: P40.00 minimum. P3.50 patak ng metro
Isa ko sa masasabing palasakay ng taxi ngayon. Hinde dahil mapera ko pero dahil tamad akong tao lalo na kung nagmamadali na. Sa daldal ko at sa pagiging mapagmasid isang bagay ang napansin ko sa mga taxi driver na nasakyan ko sa nagdaang mga linggo. Nagtanong kasi ko kung nakatulong ba ang dagdag na pasahe, ito ang ilang sagot nila:
Tama lang, kasi ganun din naman tataas din naman presyo ng lpg/krudo
Hinde, kasi ang pasahero mas sakto na magbigay, dati may tip pa kasi mura ngayon namimili na rin sila.
Hinde, kase ang operator namin mas gahaman pa ata sa gahaman, nagtaas nga ng pasahe, nagtaas din sila ng boundary.
Sa huling parte, tama, nagtaas nga ng pasahe e nagtaas din ng boundary. E di ganun din naman, sa operator lang napupunta yung dapat na kita ng mga driver. Sa ilang kaso, parang ganito din ang problema ng mga driver ng jeep.