Sapagkat ang laksa ay pinakbet na kaiba
Katung balang gatpanapun mamarap ya king parobậ
seen from Chile
seen from Austria
seen from China
seen from Germany
seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Malaysia
seen from United States
seen from United Kingdom
seen from United Kingdom
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Russia

seen from United States
Sapagkat ang laksa ay pinakbet na kaiba
Katung balang gatpanapun mamarap ya king parobậ
Mahal kita
Ikaw ang buhay ko
Ikaw ang bawat ngiti
Ikaw ang bahaghari sa ulap matapos ang bawat ulan
Mahal kita
Hindi ko man alam kung hanggang saan o hanggang kailan kita mamahalin
Nandito ako
Maghihintay hangga’t kaya ko
Hanggang maikot ko ang buong mundo
Nandito ako
Hanggang malimutan ko na ang pangalan ko
Hanggang ‘di ko na maiapak ang aking bawat paa
Ikaw lang
Ikaw pa rin
Abutin man ako ng sandaang taon sa mundong ito
Abutin man ako ng pagkawala ng bawat bagay na nalalaman ko
Abutin man ako ng pagbalik ng Diyos sa mundo
Alam mong wala ng iba
Ikaila mo man ang ‘yong nararamdaman
Alam kong nandiyan pa rin sa puso mo
Ang bawat alaala
Ang walang tigil na tuwa sa tuwing tayo’y magkasama
Naglalakad pa tayo noon sa Moa
At namamasyal sa Luneta
Pumupunta tayo ng mall pero wala namang binibili
Walang humpay ang yakap at panonood ng sine
Bakit ka sumuko?
Bakit tayo sumuko?
Hindi pa ba sapat ang pag-ibig?
Hindi pa ba sapat ang ikaw at ako?
Bakit tayo makikinig sa mundo?
Bakit ka nakinig sa isang gagong tulad ko?
Sana inayos natin
Sana ‘di tayo nagmadaling tapusin
Mahirap mabuhay ng wala sa piling mo.