nung patty-atom na ako bago pa sila maging sila. 2006 itong draft na ito, siguro mga 2007 o 2008 sila naging sila?
Si Patty at Atom, bakit ko sila gusto? Una, gusto ko talaga si Patty. Si Atom di ko masyadong gusto pero sobrang gusto ko na ngayon. Somewhere in between ng dalawang pagkakagustong ito, naisipan kong ipair sila. Di bagay si Patty kay Atom kasi Atom to me is perfect pero wala akong ma-pair kay Atom at si Patty lang ang girl na gusto ko sa show, aside sa may asawa nang si Ria. Si Patty naman, noon pa ayaw ko na sa boyfriend niyang si Pat (ex na niya ngayon). Remember Eddie (Edward Mendez) ng MTV? Gusto ko talaga ng ibang boyfriend para kay Patty. Noong una nga si Ryan Agoncillo sana ang gusto ko.
(I have a worry ngayon kasi from Ryan to Atom, 2 main co-hosts; pero si Bam, the main man, ang mas close kay Patty, kaya baka Bam-Patty pa ang matuloy).
Kaya ngayon gagawa ako ng fanfiction…
“Alam mo, di mo naman kailangan mag-gym para maging healthy eh. Actually, mas maganda kung mag-sports ka. Aayos na ang katawan mo, enjoy pa.”
“Parang pwede pang-invite yan sa Basta Sports ah.”
“Oo nga ano, punta kaya ako sa mga gym at manghikayat ng isang malawakang palarong pambansa, tapos ang official tv show ay Basta Sports.”
“Hehe. Pero mas okay talaga sa akin ang paglalaro ng sports kasi atleast may matututunan pa ako, e sa gym ano ang matututunan ko dun? Mag-operate ng treadmill? Kaya di talaga ako maaya nina Wacky eh. Wag mo sabihin sa kanya ito ha.”
“Lagot ka, hehe. Eh ayun naman pala , bakit di ka mag-sports?”
“Wala akong kasama eh. Yung mom ko tinatamad din.”
“Pakikilala kita sa mga friends ko, tapos sama ka sa amin.”
“Nakaka-intimidate naman. Feeling ko mga champion lahat ng kakilala mo eh ako lampa.”
“Sa ano, baka naman isabak mo ako sa trialthon training, mamamatay ako.”
“Kung gusto mo non-competitive para di ka ma-pressure. Pero yung fun kasi ng sport nasa competition eh.”
“Okay lang yun. Ano? Badminton na joke joke lang o di kaya frisby, di ba tapon tapon lang yun.”
“Di ko pa na-try mag-frisby eh, yung laro talaga. Pero ang iniisip ko kasi, mag-mountain trekking kami next weekend. Kung gusto mo sumama.”
“Naku, eh baka sa bagal ko iwan nyo ako sa bundok.’
“Di naman kami tatakbo dun noh, at tsaka maganda ang trekking kasi nag-exercise ka pero parang site seeing lang. Halos walang pagod.”
“Eh, sus, napapagod ka ba naman? Pero alam mo parang gusto ko, kaya lang pakiramdam ko experienced climbers kayo lahat tsaka wala akong gamit.”
“Wala tayong dala, di naman tayo aakyat sa Mount Everest, kung ano ang gusto mo dalhin bahala ka. Tsaka matagal na ako di nag-trek, sabay na lang tayo, at may mga baguhan rin na dadalhin sina ate.”
“Kasama sister mo. O sige, saan ba yan. Malapit lang ba, baka naman sa Mindanao?”
“Malapit. Sa Bundok Buntis dyan lang sa Cavite, south ka naman di ba? Di pa naming naaakyat iyon eh, bagong develop lang kasi ng tracks.May tracks pa yan ha. Dun yung bundok kung saan binaril si Andres Bonifacio.”
“Naku, eh baka naman dirediretso na kayo sa pag-NPA nyan.”
“Joke lang, dalhin kaya natin si Bam?”
“Oo nga ano, para di lang ako ang kulelat.”
“Di ka makukulelat dun. Kung gusto mo, prepare ka na. Jog ka lang in place hanggang kaya mo para medyo matagal ka hingalin.”
“At saka nasa proper stretching lang din yan pagdating natin sa bundok.”
Di nakasama si Bam at iba pang kabarkada at taong inimbita nila. Sobrang bihis si Patty sa pag-trek, si Atom, naka-shorts lang. Pakilala-pakilalala. Nakakasabay si Patty nung una, pero nung huli, sobrang bagal na. Nahihiya nga siya kay Atom at sa isa pang taong sinasabayan siya. Pero di sa kabagalan niya nainis si Atom kundi sa kaingayan ni Patty. Actually, boses pa lang naiinis na siya. Pero okay din, nakakatawa din si Patty minsan. Sobrang bonding na nga sila ni Carla, yung isang kasabay nila na baguhan din.
Si Carla frisby person, kaya sama si Patty sa kanya. Convince nila si Atom na di gaanong interesado pero sumama na rin. Si Bam at si Juddha nakigulo rin. Masaya kaya ang sport ni Patty ngayon ay frisby na.
Sa free time, sa gilid gilid ng Sunken Garden sa UP ang frisby, halos every day. Dito sumasama si Patty kasi kasabay niyang pumupunta si Atom na nag-football naman sa gitna. Ganito hanggang bago mag June.
April 29, 2006 Saturday 9:21 pm
Kagabi ko isinulat yung kwento diba, tapos kanina sa sports tv feature ang mountain climbing (trekking). Trail pala ang tawag sa daan, hindi tracks, at sobrang nakakapagod pala.
May message sa akin si patty sa blog niya. Sa net talaga nako-connect lahat ng tao ano. Tanga ni Atom kanina sa basta sports at sa knn naman niya feature ang capiz. Kinuwento pa nga si kapitan gido eh, parehong pareho sa kwento ni mama.
Ang galing ng pagkakataon ano. Atleast may idea na ako kung ano ang maountain climbing. Kailangan ko na lang ng info sa frisby. Hay, ano kaya ang maisulat ngayon?
May 4, 2006 Thursday 8:19 PM
Towards the start of June, nag-dinner ang mga tao sa chocolate kiss. After, naglakad lakad sina Atom at Patty papunta sa may sunken garden. Tumigil muna sila at umupo sa grass sa tapat ng Ba bago mag-antay ng taxi para kay Patty. Itinuro ni Atom ang Big Dipper at Small Dipper.
“Ang galing, kita rin sa bahay naming iyan eh,” enthusiastic na sagot ni Patty.
“Siyempre, ang layo nyan eh, kaya makikita talaga yan mula ditto hanggang doon sa inyo,” seryoso naming sabat ni Atom.
“Alam ko naman iyon noh, ikaw talaga.”
“Hehe, eh kasi, wala.” Medyo na-guilty so atom, bakit ba hindi niya mapigilang mang-correct ng mga tao. Sabagay, sa mga close lang naman niya, nakakapagpigil naman siya pag di nya gaaonong kakilala. Kaya lang, di niya sigurado kung lubos na naiintindihan ng mga kaibigan niya na hindi naman niya gusto mamahiya. Ayaw lang niyang ipaagpatuloy nila ang mga mali nilang paniniwala. Kaya lang pakiramdam niya nakaka-offend pa rin siya.
“Memorize mo ba ang pangalan ng lahat ng mga constellation?” Tanong ni patty na nakatingala sa langit.
Bumalik si atom sa mundo mula sa kanyang pagmumuni-muni. Tumingin siya kay patty bago tumingala uli sa kalangitan. “Dati nakahiligan ko ang constellations, useful yan kung gusto mo malaman ang position mo, pero di naman talaga kailangan I-memorize.”
“Grabe, pero naalalala ko nag-mememorize ako dati ng dinosaurs, pero parang nakalimutan ko na ngayon.” Sabi ni patty habang sinundan ng tingin ang humiga nang si Atom na unan-unan ang backpack. “Magdala tayo dito ng tent, masaya mag-overnight.”
“Bawal na ngayon, may curfew na eh. Pero kapag UP Fair may mga nagka-camp dito. Higa ka.”
“Parang kama mo ito kung mang-aya ka ah. Alam mo natatakot ako sa posisyon mo. Baka naman may sumulpot dito tapos saksakin ka bigla. Diba maraming holdapper dito.”
“Maaga pa naman, tignan mo ang dami pang tao, delikado lang sa campus yung mga madidilim at di mataong lugar, sa mga lusutan dito sa loob ng acad oval. Pero dito sa paligid ng oval, bihira.”
“Ang ganda ng gabi, parang ayaw ko nang umuwi.” Nagsisimula ng manakit ang leeg ni patty sa pagtingala.
“Late na nga eh, nakakatakot nang umuwi. Di pa kasi ako sumabay kay Carla. ”
“Sabagay, mag-taxi ka ba? Hatid na lang kita.” Umupo si Atom.
“Naku, huwag na. Ang lapit lapit mo na dito. Hay, kailan kaya ako makakabili ng matinong kotse? Nakakainis, laging sira.”
“Ako, kailan kaya ako bibili ng kotse?”
“Ayokong mag-contribute sa traffic…at saka di ko pa alam kung anong tipo ang gusto ko.”
“Hay, ang pili mo kasi eh, hali ka na nga.” Tumayo na si Patty.
“Parang ihahatid na lang kita.” Naglalakad na sila papuntang kalye.
“Huwag na no. Oh, ayan meron agad.” Pumara si patty ng taxi.
“Manong, pwede ba kayo dumiretso ng alabang.” Kinausap ni Atom ang driver.
“Ang layo ho sir, hanggang cubao lang ho ako.”
“Makati ho,” kulit ni Atom.
“Okay na ako hanggang cubao.” Sabat ni Patty.
“Pwede ho sir,” Sagot ni mamang taxi.
“Ihatid na lang kita,” isinara ni atom ang front door at bubuksan na ang pinto sa likod.
“Naku, wag na atom, andito lang ang bahay mo.” Pag-ayaw ni patty pero umupo na si atom sa loob.
“Sige na, parang gusto ko ring maglakwatsa eh.”…
Kwento kwento sa taxi, pagdating ng makati, kinulit na naman ni atom si manong taxi na dumiretso nang alabang. Sinabi nito na siya naman ang pasahero pabalik, pero ayaw talaga ni manong, pagod na raw ang matanda at kailangan gumarahe ng alas-9. Napunta tuloy sa pang-aapi ng operators ang usapan hanggang bumaba sila sa magallanes. Nag-agawan pa ng bayad, si Patty ang nanalo.
“Dito ka na lang,” pilit ni Patty kay Atom.
“Tuloy na lang ako, malapit na lang naman din. Baka kung anong mang yari sa iyo, kung ano pa sabihin ng parents mo. Di mo nga ata alam kung saan sasakay dito.”
“Naku, di na nga ako sasama uli sa iyo. Parang ang bigat pa nang backpack mo.”
“Hindi. Mag-bus tayo, gusto mo?”
“Naku, ang hirap sumakay dun sa may alabang ng ganitong oras. Mag-taxi na lang para tuloy tuloy na.” Sadya namang may nakita agad si patty na taxi at pinara ito.