Nag conduct kami ng physical fitness test para sa mga faculty and staff. Okay naman siya dahil team work kami ng co-interns ko. Nakita ko na dito, tulong-tulong kami at seryoso talaga kami sa aming mga ginagawa. Friendly ang mga faculty and staff doon at nakakatuwa naman sila kausap. Masasabi ko na kumpara sa Ateneo, mas komportable ako dito kumilos dahil kilala ko ang karamihan ng faculty. Noong huling araw ko nga at nasa clinic kami, at hindi makapunta sa HS building ang nurse dahil may binabantayan siyang may lagnat sa elem, ako ang nag-asikaso sa bata. Humingi naman ako ng permiso sa department head dahil nakita ko din na busy at madaming ginagawa ang dating teacher kong ito. Pumayag naman siya at nagpasalamat, yung "Salamat Gika" na yun ay tumatak sa utak ko. Kahit maliit na bagay ang ginawa ko, natutuwa padin ako. Kung noon, kasama ako sa mga estudyanteng pinagseserbisyuhan, ngayon naman ay kasama na ako sa nagseserbisyo para sa mga students.