Achievement Unlocked
02072020
At dahil nga asa new year's resolution ko ang maging more active at risk taker 😅, nilista ko yung mga bagay na sobrang takot akong gawin. Isa na sa mga cross out ko sa list eh yung swimming!🙌 at eto n nga ang isa pa! Nakasakay nako sa wakas sa Angkas!
Lingid sa kaalaman ng karamihan, sobrang takot ako sumakay sa mga 2 wheels. Siguro na trauma ko nung bata ko, sumabit kasi ung paa ko sa gulong ng bike tapos umikot talaga sya. Ilang araw ako hindi nakalakad non. Simula non takot nako kahit umangkas lang ng bike or motor.
Eh kanina late na naman ako. Hindi ko na naman naabutan yung shuttle namin. Tapos di ba nga sinumpa ko na yung MRT at ayoko nmn mag grab o taxi kasi 4pm na mattraffic lang ako sa EDSA. So naisip ko yung Angkas! Naginstall ako ng Angkas at Joyride tas nagbook kung sino mauna.
So eto na, dumating na si kuya! Nagdadalwang isip ako kung papasok pa ko o uuwi na lng! Gusto kong mag backout. Inabot n ni kuya ung helmet (literal na nanginginig ako nung kinakabit ko) mula Mckinley hanggang Quezon City ang book ko. Sa isip isip ko napaka layo non, kakayanin ko kaya?
Buong byahe wala tlga kong galaw. Sobrang higpit ng kapit ko dun sa may handle sa likod. Kahit natulo na ung pawis ko sa muka di ko magawang punasan. Pero habang nasa byahe naeenjoy ko nmn sya pa kahit walang mask at feeling ko nalanghap ko lahat ng polusyon sa EDSA. Di ko mapaliwanag ung feeling. Haha para sakin na sobrang takot sa motor or bike, napaka laking achievement na non! More achievements to unlock!














