this is it pansit.
ito na. first day na ng trabaho. or mas okay sabihin na first night na ng trabaho. haha. so, un na nga, may trabaho na ako sa isang BPO company. wag niyo na itanong kung ano ung bpo kasi hindi ko rin siya maexplain. haha. ilang beses na ako natanong ng isang tao tungkol dyan at hindi pa rin niya magets. hindi ko alam kung hindi okay ung pag eexplain ko o hindi niya lang talaga gets ung sinasabi ko o nakakalimutan niya lang na naitanong na niya yan sakin. haha. anyway, ang trabaho ko ay more on sa general accounting. based sa sinabi sakin, mostly, reconciliation ung gagawin, pero, hindi ko lang sure. hindi ko naman talaga alam kung anong ginagawa dun. haha. basta, un na un. sana iexplain sa orientation kung ano talaga ung gagawin. detail by detail. haha. at sana madali lang ung gagawin. ung alam kong gawin ung gagawin. haha. nakakastress. anyway, kinakabahan na ako habang tinatype ko to. syempre, hindi ko to ngayon tinatype. tinype ko to kahapon ng madaling araw. kasunod ng post ko kahapon. haha. so, un nga, kinakabahan nga ako. ayoko kasi mapahiya. un ang greatest fear ko siguro. ang mapahiya kahit sa harap lang ng isang tao. lahat naman siguro ng tao ganun. sana di ako mapahiya. at sana, hindi rin ako ipahiya. anyway, bahala na si Lord. di naman niya ako papabayaan e. normal lang tong kaba na to. at ang dami ko na ulit nasabi. at ang gulo lang nito. hahaha. nonsense naman. haha. tama na nga. sige sige.













