Kuya nakapagboarding house po ba kayo?? ano pong pakiramdam ng nasa boarding house?? ung una tsaka kapag tumatagal na? thanks :D
hi. salamat sa tanong na to. napasaya mo ako. hahaha. bihira lang kasi may magtanong sakin kaya iba sa feeling. anyway, ito na ang sagot ko sa iyong katanungan.
sa una, parang 'i'm feeling sexy and free'. haha. okay, free lang talaga, hindi sexy. hahaha. lalo na kung sobrang tagal mo nang gusto matry maging independent. sa mga unang months mo kasi, parang gusto mong itry ung lahat ng bago sa paligid mo. walang magbabawal sayo na gumala buong maghapon. tapos, pwede ka rin umuwi ng late kung walang curfew ung boarding house niyo. mafifeel mo talaga na malaya ka.
pero, pag tagal, normal na lang din ung pakiramdam. naexperience mo na kasi maging independent. parang nasa bahay mo lang din ikaw. ang iba lang, iba ung kasama mo. mamimiss mo din kumain nung mga niluluto sa bahay niyo. kahit siguro marunong ka magluto, iba pa rin ung luto nung mga nakasanayan mo na sa bahay niyo. magsasawa ka rin sa luto mo o sa luto sa karinderya o fast food.
un lang. hehe. di gumagana utak ko e. di ko maisip ung mga nafifeel talaga kasi tulog lang ako lagi. hahahaha. night shift kasi ako sa work kaya tulog lang buong maghapon. hehe. kung may tanong ka pa, tanong ka lang. medyo matagal lang ung sagot kasi sa bahay lang ako nakakapagnet. every weekends lang ako umuuwi. hehe. sana nasagot ko ung tanong mo. sige sige. ingat ka lagi. :)














