OKAERI
Hey, look guys. I (somehow) made it. It started 4 years ago nung naisip ko na need ko ng magkaroon ng sariling bahay. Masyado na kasing malala ang high tide sa lugar namin. Kaya nangarap ako na one day makakaalis din ako dito na someday magkakaroon kami ng maayos na bahay.
Hindi naging madali process para makaipon ng pera pampagawa ng bahay. Hindi rin kasi biro ang gastos. Kala ko nga nung una joke lang. Haha. May ipon ako pero di sapat kaya napilitan akong magloan. Hindi pa rin sumapat pera ko buti na lang nanjan ang sister at mother ko to help me financially. Emotionally draining din siya. Dami ko ring breakdowns through the process ng planning at during the time building the house. Nagka anxiety pa nga ako. Pero atleast isang breakthrough na gawa na siya. Breakdowns, breakthrough, break out, break up na lang di ko nararanasan.
May bahay na ko, maybahay na lang wala.
Hindi pwedeng walang hugot post na to. May isang tao talaga na nag push sa akin para gawin to. Nung time na magkachat pa kami nainggit ako kasi may sarili na siyang lupa at nakapagpagawa na ng sariling bahay. Tapos nireject niya ko. Imbes na madown ako ay dun ko naisip na dapat i lift ko yung sarili ko. Yung kahit papano lumapit man lang ako sa level niya. I need to prove to her at sa sarili ko na kaya ko.
Naisip ko rin na mas maganda rin kung may asawa na ko nung nagpagawa ng bahay para kahit papano may kahati ako sa gastos. Haha. Pero seriously, mas nakaka inspired siguro kung dalawa o marami kasi may anak na kayo na nangangarap ng dream house.
Thanks sa mga taong tumulong sa akin. Kay Lord, para sa guidance and everything that this will happen in His time. Kay mother ko na nung una ay panay kontra pero eventually nung nakikita niya na magiging maganda progress ay todo moral at financial support. Kay father na laging bantay nung ginagawa at feeling taga dun na siya. Sa sister ko, para sa pagpapahiram ng pera. Kay AJ na tumulong sa akin sa pagdesign ng house. Sa mga friends and relatives na todo suporta at excited mapuntahan yung bahay. Salamat J.M., hindi ka sumuko at patuloy na lumaban.














