Kasama ko si Johan halos buong araw. Hindi ko makalimutan eh 'yung nag-uusap kami sa may lamesa. Napag-usapan namin 'yung tungkol sa mga ex namin. Sa 'kaniya, 'yung kay Chelsea. Sa akin, 'yung kay Jayvee. Masyado akong nadadala ng galit ko eh. Naiyak na lang ako sa harap niya.
Johan: Hindi mo na naman mahal, diba? Eh bakit ka umiiyak?
Ivy: Gago kasi si Jayvee eh. Iniwan niya ako.
Johan: Eh 'wag kang umiyak.
Hanggang sa dumating na si Paola, may dalang dalawang bote ng Tanduay Ice. Nagulat pa nung nakita akong umiiyak. Sabi ko gago kasi si Johan. Hinaharas ako. Haha. Pero biro lang, nagtawanan na lang kami. Naubos ko 'yung isang bote at nakiinom pa ako ulit. Hindi naman nakakalasing eh, lasang sprite lang. Pero sabi nila namumula mukha ko at tawa ako ng tawa. Hallerrr. Hindi nga nakakalasing eh. Kulit pala. Haha.















