Sade Olutola
RMH

Kiana Khansmith

Origami Around

if i look back, i am lost
YOU ARE THE REASON
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
Keni
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH
Not today Justin

titsay
Mike Driver
One Nice Bug Per Day
TVSTRANGERTHINGS
Three Goblin Art

祝日 / Permanent Vacation

blake kathryn
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ

JBB: An Artblog!

izzy's playlists!
seen from United States

seen from United States
seen from Italy

seen from Netherlands

seen from United States
seen from Jordan

seen from Singapore
seen from Ireland
seen from Egypt

seen from United States
seen from United Kingdom
seen from United States
seen from United Kingdom

seen from Malaysia
seen from United States
seen from United States

seen from Hungary
seen from United States

seen from Germany

seen from India
@daaaaamnit-blog
Pagkabukas ko ng Facebook at Tumblr, Aj Perez is dead kagad ang nakita ko. Dafaq! Troll ba 'to o totoo na? Sinearch ko sa Google and I found out it is true. Crush ko kaya 'yan, dati pa. Kahit baguhan pa lang siya do'n sa isang TV Program sa ABS CBN. Patay na patay ako diyan nung nakita ko siya sa 8waves nung nagtaping sila dun ng ASAP. Dang it! Tapos 18 lang siya? Fucking 18. Ang dami pa niyang magagawa sa buhay niya eh. Madami pang projects na darating para sa 'kaniya pero lupet talaga ng tadhana eh. Bahala na lang si God sa 'kaniya kahit ngayon eh alam kong nagdudusa si God.
I fucking hate this feeling.
I'm going to miss Miggy talaga. Magbabakasyon sila sa USA for one month. Samantalang ako trap dito sa bahay, init na init. Haha. Punta ako maya sa kanila para magpayakap.
Fuck you, GSM Blue. Akala ko para ka lang Tanduay Ice na hindi naman masyadong nakakalasing. Kaya ko tinry. Mga naka-tatlong shots pa lang ako, hilong hilo na ako. Gumegewang gewang na rin ako sa paglalakad at hindi ko mapigilang tumawa. Kami lang ni Johan ang naginuman, dapat nga kasama si Paola kaso hindi ubra. Ang pakla pa nung timpla ng Tang at GSM. Nung medyo nahahalata na ni Johan na lasing na ako eh tinapon na niya 'yung GSM. Pinunasan ako ng tubig sa mukha. Hinang hina talaga ako at hindi ako makagalaw ng matino. Binuhat ako ni Johan papunta sa kama tapos inalalayan ako. Nung sabi ko nasusuka ako, dinala niya ako sa banyo at fuck. Fuck, fuck. Sumuka talaga ako. Nahihiya rin ako kay Johan at parang alalay ko talaga siya kanina. Pero nakakatuwa naman na kahit may klase pa siya ng 2pm eh hinintay niya munang makatulog ako tsaka siya umalis. Nung nawala na siya, hirap na hirap akong tumayo. Papunta punta ako sa banyo at suka nga ng suka. Pinipilit ko 'yung sarili kong tumayo at natatawa ako dahil nakuha ko pang ngumiti sa harap ng salamin. Mga 5pm na siguro ako naging okay pero hilong hilo pa rin at nakahiga lang ako sa kama. Mga bandang 6 siguro, pinapunta ko si Paola sa bahay at siya naman ang nag-alaga sa akin. Bangag pa ako no'n pero nakakapagsalita na kahit papano. Mga bandang 7 siguro, pumunta si Johan sa bahay para dalin 'yung Mcdo fries na pinabili ni Paola at para i-check din kung okay na ako. Sa kabutihang palad, medyo ayos ayos na ako. Nakakatayo na ng matino at nakakapagbiro na.
Walang hiya talaga, hinding hindi na ako iinom. Ayoko ng malasing. Ang tindi pa nung impact sa akin dahil nga hindi naman ako umiinom. Ang dali ko nalasing. Fuck. Ayoko na talaga. Kahit ngayon eh medyo mabigat pa rin yung ulo ko na parang anytime pwede ako bumagsak. Katrauma sobra.
Hinahanap hanap na ng dila ko ang lasa ng Tanduay Ice.
Tanduay Ice pa.
Buong umaga para akong praning. Nakakarinig ng kung kani-kaninong boses. Dafaq. Pero kailangan kong umayos, magcecelebrate pa kami ng birthday ni Albert mamaya. May swimming pool sila, hindi ko naman alam kung magsuswimming ako dahil sinisipon ako ngayon. Bahala na. May San Mig at Matador pa do'n mamaya, pero hinding hindi ako iinom. Hindi naman kasi ako umiinom. Kung may Tanduay Ice, why not? Haha. Parang Sprite lang talaga ang lasa no'n eh. Masarap, pramis!
Kasama ko si Johan halos buong araw. Hindi ko makalimutan eh 'yung nag-uusap kami sa may lamesa. Napag-usapan namin 'yung tungkol sa mga ex namin. Sa 'kaniya, 'yung kay Chelsea. Sa akin, 'yung kay Jayvee. Masyado akong nadadala ng galit ko eh. Naiyak na lang ako sa harap niya.
Johan: Hindi mo na naman mahal, diba? Eh bakit ka umiiyak?
Ivy: Gago kasi si Jayvee eh. Iniwan niya ako.
Johan: Eh 'wag kang umiyak.
Hanggang sa dumating na si Paola, may dalang dalawang bote ng Tanduay Ice. Nagulat pa nung nakita akong umiiyak. Sabi ko gago kasi si Johan. Hinaharas ako. Haha. Pero biro lang, nagtawanan na lang kami. Naubos ko 'yung isang bote at nakiinom pa ako ulit. Hindi naman nakakalasing eh, lasang sprite lang. Pero sabi nila namumula mukha ko at tawa ako ng tawa. Hallerrr. Hindi nga nakakalasing eh. Kulit pala. Haha.
Yesterday was fun. Mga 2 hours kaming nag-usap ni Paolo sa bahay tapos nagkayayaan pumunta sa phase 5. Nagpalit ako ng damit, as in buong damit. Nakashirt, pantalon pero sa phase 5 lang naman ang punta. Haha. Sinundo namin si Kuya Maikel. Kumain at naggaguhan lang. Punta ulit kami sa bahay, tumambay. Pinapunta ko si Joven. Saktong pagpunta ni Joven, nasa bahay din si Johan. Eh hindi sila masyadong cool dahil 'yung ex ni Joven na close friend ko eh naging girfriend ni Johan pero ex na rin niya ngayon. Haha. Umalis na lang si Johan. Kaming apat, nagjajamming. Naggigitara sila at ako ang dakilang panira ng kanta, ako kasi kumakanta. Haha. Mga 7pm nagkayayaan tumambay kela Kuya Maikel. Pinagpaalam ako ni Kuya Maikel kay Ate Rumi, natakot si Kuya bigla eh. Haha! Ayun, pinapapasok kami sa loob eh ayaw nila, nagstay na lang rin ako sa labas. Gamit nila 'yung bike ko, paikot ikot lang do'n tas palitan sila. Napag-usapan 'yung tungkol sa mga anime, tawa ako ng tawa. Ginagaya kasi nila 'yung boses. Basta, masaya. Dapat nga nakabike ako tas magjojogging sila sa Memorial Park eh sobrang aga, hindi na ako nakasama. Antok na antok ako eh.
Napaka-fail nung picture pero 'yan lang kasi 'yung only picture na kumpleto kaming apat.
Super katuwa 'yung pagkikita namin ni Mart at Aya kahapon. Tutal, may kwento na sila sa blog nila. Eh 'yun na lang, basta masaya. Haha. Pagkaalis nila ng bahay namin, naglinis ako tapos dumiretso sa kama, tulog kagad. Nagising na naman ako ng 6:30 ng umaga. Grabe ha! Anyayare sa akin. Hindi na ako makapagpuyat.
Fucking life.
Like ko picture mo, like mo picture ko.
Na-observe ko lang sa Facebook. Kapag umaabot ng 100+ 'yung likes nung profile picture ng isa it's either pinalike or maganda lang talaga. Pero meron pang isa eh. 'Yung maglalike ka nang pictures ng iba o kaya 'buong picture ng isang album, syempre mahihiya 'yun sa'yo at maglalike din ng picture mo. Kaya ayo'n, ang dami namang kumakagat. Letse.
Inaantok ako na nasusuka na nahihilo na sinisipon.
Ang usapan kanina eh pupunta si Macy sa Rocka ng 2pm hanggang sa naging 4pm na. Well, unexpected, hindi ko siya nakita. Sinundo ako nila Ate Rika before 5. Sakto 5pm nasa Cabanas na kami at kumain muna sandali. Nag-aaway pa si Kuya Christian at Julius kung anong papanoorin. Catch me, I'm fallin eh 5:20 ang simula. World Invasion: Battle in Los Angeles naman eh 5:30. Hanggang sa napili na 'yung world invasion. Buti na nga 'yun dahil ayoko naman mapanood si Gerald Anderson, 'di ko siya type. K. Nabitin ako sa movie, hindi ko magets 'yung ending. Baka may part II pa 'yun. 7:15 umalis na kami ng Cabanas at umuwi. Nagstay muna ako sa bahay ni Ate Rika, kumain ng dinner at binisita 'yung beybi. Katuwa.
So, eto talaga 'yun eh. Inaantok na ako kasi mga ganitong oras, 9pm, natutulog na talaga ako. Nasusuka ako dahil nasakay ako sa sasakyan, mahina ako sa mga ganun. Nahihilo ako dahil.. siguro nasusuka nga ako. Sinisipon ako kasi, ewan ko din eh? Ang sakit pa din ng ilong ko, three days na. Sige, goodnight.
'Yung feeling na araw araw mo siya nakakasama.
Kahapon, halos buong araw lang akong nasa bahay. Sinasamahan si Ma dahil bilang na 'yung oras na magkakasama kami kasi nga flight niya na papuntang Japan. Iniwan na niya talaga ako dito sa Pilipinas. Dumating 'yung anak ni Ate Rika. Angkyot kyot. Iyak lang ng iyak tapos natulog din. Halos dalawang oras din siyang nakahiga sa tiyan ni Ate Rumi. Ako lang talaga 'yung ayaw nung bata, eh. Haha. Tinatabihan ko lang 'yung baby tapos bigla niya akong hinawakan. Hinawakan nung buong kamay niya 'yung isang daliri ko. :"> Kyot! Bago kuhanin 'yung bata, binugbog ko muna ng halik. Haha. Tapos hindi ko alam kung bakit super hyper ko. Nagpatugtog ako tapos sumayaw na naman sa harap ng salamin. After ilang minutes, napagod kagad at natulog na. Sabi nga ni @martsingson, eh ang aga ko daw matulog. Ngayon naman ang aga ko nagising. 5am nagising ako, umiiyak ako at hinahanap ko si mama. Umalis na pala sila, pumunta na sa airport. Umiiyak talaga ako tas nung alibadbaran, nakatulog ulit. Eh mamimiss ko talaga si ma, 'di man lang nakapagpaalam.
Dinner to overnight.
Inaya ako ni Johan na magdinner sa PFC. Nagpaalam ako kay Ma at himalang pinayagan ako. (Siguro dahil kilala naman niya si Johan.) Ayo'n, naghahanapan kami sa PFC. 'Yun pala nasa harap ko lang siya, may kotse lang talagang nakaharang. May dala siyang parang icecream na muffin at isang malaking envelope.
Ako: Oh, ano 'to?
Johan: Maya mo na buksan, ano order mo?
Sabi ko siya na lang ang bahala. Umorder siya, nakatayo lang ako sa parking lot dahil hinihintay ko naman si Marianne. Muntikan na akong amagin do'n. Exaggeration~ Ando'n na 'yung order kaya umupo na muna ako. Kumain kami, nagusap. Nakalimutan ko pinagusapan namin. Tapos nagulat ako may dumagan sa akin. Tumama 'yung ulo ko sa lamesa. Oh, ang saket~ Si Marianne nga. Tumabi siya kay Johan at nag-usap usap kami. After ng ilang minutes, pinabili ni Johan si Marianne ng inumin. At si Johan ay tumabi sa akin. Okay, dumadamubs~ Binuksan ko na 'yung envelope at binasa ang mga nakalagay do'n. Nando'n 'yung mga drawings niya para sa akin at letters. 'Yung mga drawings at letters na isinulat niya nung nasa Japan ako at sabi ko dapat pag-uwi ko ng Pinas eh maibigay niya sa akin. Natuwa naman ako. Pagbalik ni Marianne, sakto namang nakita ko si Ate Hazell na nakapangC.A.T. Nagyakapan kami at ilang beses niya ako natapakan ng sapatos niya, nakatsinelas lang ako. Ukeh. Masakit~ Apat na kami do'n sa table hanggang sa napunta ang usapan sa sleep over. May kumalabit sa likod ko, si Paola. Eh madalas kami tumambay sa kanila. Ininvite din nila si Paola. Umalis na kami sa PFC. Hinatid pa ako ni Johan sa bahay at umalis na kagad siya.
Ako: Ma, bigay ni Johan oh. *abot ng ice cream na parang muffin*
Ma: Bait naman.
Nagpaalam akong magoovernight ako kela Marianne. Pinayagan ako. Overnight lang ako pero hindi ako sasama sa sleep over. Akala ko sila Ate Hazell eh nasa bahay na nila Paola dahil nga pumunta pa nga ako sa bahay. Pagpunta ko sa bahay nila Paola, ando'n si Johan at mag-isa. Hindi kami makakakatok dahil nakakahiya kaya nagtiis kami sa labas nang nilalamok. Eh loko si Johan, sumigaw ng Paola. Napansin kami nung mom ni Paola at pinapasok kami sa loob. Madaming nakakatawang nangyari. haha. At sobrang nainip ako dahil ilang minutes din kaming naghintay ni Johan sa pagdating nila Paola. Pagdating nila dumiretso na kami kela Marianne. Nagstay lang sandali si Johan at umalis din siya. Kaming apat na babae na lang ang nag-usap usap. Bago mag12 nakauwi na ako. Ang daming kong nalaman! Iba talaga kapag usapang babae eh.
Nagkita kami ni JB. Winelcome ko siya as a friend lang, walang labis, walang kulang. Iniinis kami ng mga nasa paligid namin, magbabalikan na yan oh. Which is one thing na imposible nang mangyari. Past is past na nga. Nung nagbreak kami, kasabay no'n 'yung paglimot ko unti unti sa mga ala-alang mahirap pakawalan. Masaya na ako ngayon. Sobra.