Klase ng Pasahero sa Jeep
“Ops konting usog lang po.. kasya pa tatlo! Isa sa kanan, dalawa sa kaliwa. Konting ipit lang po, usog usog lang oh.. sampuan yan!! ( kahit waluhan lang talaga!) usog usog para makaalis na oh.” - pangkaraniwang linya ni manong barker pag twing sasakay ako sa may ilalim ng tulay sa quezon ave.. madalas meron pa syang piso na kinakalampag nya sa jeep para pausugin lang yung mga pasahero.
Sa araw araw nating pagbyahe sigurado ako pamilyar ka sa mga klase ng pasahero na babanggitin ko. :)
SI ATENG PIKIT
Hindi ko alam pero mga puyat ba sila? Hindi naman sila mukang ngtatrabaho sa call center pero madalas ko mapansin lage sila nakapikit. Hindi naman mukang tulog, di rin naman nagdadasal tapos ang malupit pa nakaupo sila malapit sa likod ng driver, kaya pagiaabot mo na ang bayad mo hindi nya makikita. Ngalay ka na, di pa rin nya alam. TIP: Lakasan mo boses mo, kung sinuswerte ka baka dumilat sya pero kung hindi.. Goodluck sayo ate.. Do-it-yourself.
DEDMA-KERS
Eto yung hindi naman nakapikit pero dedma sya sa bayad mo. Kahit makisuyo ka na, di nya aabutin. Hindi sya natitinag. Dedma kung dedma talaga. Bahala-ka-face. Sarap batukan! Pak ganern!!
THE SHAMPOO COMMERCIAL GIRL
Sila naman yung halos kainin mo na buhok dahil natakpan na nya yung buong muka mo. Ano to teh, ipapahula mo sakin kung anung shampoo ginamit mo naun? sunod sa galaw??? Buti kung bagong ligo medyo ok ok pa.. eh pano kung hindi?! eeewww
UPONG BENTE
Ito na yata ang pinaka isa sa mga nakakainis sa lahat. Yung halos kalahati lang ng pisngi ng pwet mo ang nakakaupo kasi si upong bente eh ayaw makisama. Sila yung syete pesos lang naman ang binayad pero kung makaupo eh kala mo bente ang binayad! Yung totoo?? Hindi sila umuusog. Untouchable. Sa babae, patagilid naman. Pahinhin kahit hindi naman. Kaloka! Madalas sa lalake nakabukaka kala mo napakabigat at napakalaki ng....
MALAYO ANG TINGIN AWARD
Sila yung feeling nasa music video hahaha.. palagi nakatingin sa bintana. Ewan ko kung takot ba silang maligaw o kinakabisado nila yung bawat kalsada at gagawa ata ng mapa. Minsan may background music talaga sila.. nakaheadset kumakanta kanta habang hinahawi ng hangin ung buhok nila papunta sa muka ko.
GADGET KING/QUEEN
Lahat ng latest gadgets meron sila. tablet, iphone, samsung phone, ipod.. name it. Sila ung labas ng labas ng cellphone tapos kahit maalog eh hindi patitinag. Panay scroll sa FB, pag umalog.. o may lubak sa daan.. makikita mo yung eyeballs nila umaalog din. hahaha
Hindi sila takot sa snatcher, wa pakels.. bandera kung bandera lang ang peg.
USOG KING/QUEEN
Eto yung nagsimula sa likod ng driver hanggang makarating sa dulong pintuan kakausog. Yung halos ipunas na yung pwet nila kakausog. Useful sila in fairness pag umuulan.. kasi madali nilang natutuyo ung upuan. Heheheh
TAMAD TAMARAN AWARD
eto yung dalawa lang kayong nakasakay sa jeep tapos umupo sya sa malapit sa pinto, tapos biglang ipapaabot yung bayad nyang napakalayo. eh di wow diba? ok lang kung senior pede pa pero juskolord ikaw kaya magabot.. TIP: pag alam mo ng magbabayad na sya.. magpikit pikitan ka na girl!! heheh
BONUS:
Photo credit to the owner. (Nakuha ko lang sa google)









