Batang 90s
Ang batang 90s bow……
" ‘kita kita sa isang magasin dilaw ang iyong suot at buhok mo’y green…" Paulit ulit parang sirang plaka.. Ay hindi cassette tape pala. Walkman pa nun ang astig mo kapag meron ka nun. Cool! Sikat ka na! lahat sayo ngingiti lahat mambabati syempre para makahiram, makalasap ng dagungdong na sabog na tunog ng earphone mo. Lalo na kapag nakita mo crush mo, sabay hawi ng buhok. Siyet! Ang dami mong puntos dun! Teka teka!!! Pabaliktad ng tape sa side B tapos na ang side A!
Ang vanilla sundae cone sa mcdo 3.50 lang isama mo na din ang pamasahe sa jeep 3.50 estudyante. Saktong pitong piso makakauwi ka na nakapanghimagas ka pa! May panghulog pa sa video games sa tabing tindahan. Sisigawan ng ina at uutusang bumili ng sardinas na sampung piso kada lata. Wag na tumambay umuwi na ng maaga.
Pagbuklat ng school bag may nakasingit na sulat. “hi! Hello! How are you? How’s your day? I hope your fine. ( kahit ang sumulat e katabi mo ng buong araw) babanatan sa closing ng J- ust A- lways P-ray A-t N-ight. At nang saggradong 7Bs na hindi naman natutupad. Kukunin ang mongol na may kagat da may pambura at gagantihan ng isang matinding sagot sa sulat “Im fine how about you?………………(nawalan na ng sasabihing ingles kaya dinaan na lang sa bonggang pagtiklop ng papel)
Ang saya noon! May bazooka, may dragon ball, piko, patintero, taguan, taguang lata, moro moro, champoy, batibot, hiraya manawari, bayani, mathtinik atbp. Dumaan, lumipas… Sana hindi makalimutan… Ikukwento ko sa magiging anak ko ang mga karanasan ko noong bata ako dahil baka sa paglipas ng madami pang panahon isa na lang itong istorya… Istoryang imiimahe na lang ng mga bata ng kinabukasan.
Ang sayang balikan ng 90s, ang sarap bumalik sa pagkabata. Makapag flames ka muna.











