“One lie can ruin a thousand truths.”
Kasinungalingan ang sisira sa bawat pagkakaibigan.Hindi ito basta nakakalimutan, parang isang basong may warak sa labi na hindi mo na puwedeng inuman. Parang may lamat ng cd na hindi na puwedeng gamitin. Ang pagsasabi ng katotohanan ay hindi nakakamatay. Ito ang salamin ng pagkatao nino man. Hindi kailangan magsakripisyo upang matakpan ang isang kamalian.
Best friend keeper. Maraming mayroong ganito. Puwede itong kaklase, katrabaho, boyfriend,girlfriend. gayfriend, magulang, kapatid. maaari din ilevel up ang isang kaibigan at gawaran ng titulong Best. Hindi ito dumadaan sa eleksyon o kahit na anumang machine na bumibilang ng boto. Ito ay natural phenomenon na kusang nararamdaman ng dalawang tao. Tulad ng dalawang taong nag-iibigan at bigla nalang nakaramdam ng kislap o magic na sinasabi ng iba. Hindi ito sinasabi o pinaguusapan ng direkta. Malalim ito, saggrado. Ang pagdedeklara nito ay hindi basta basta kailangang malaman na pareho ang nararamdan ng taong paglalabasan nito. Kung hindi, better luck next time, hindi ka nya trip.
May mga taong ginagamit ang salitang ito upang makapang loko. makapagpabaliktad ng sitwasyon at magpaikot ng tao. Hindi ito madaling suriin dahil nag iiba sila ng anyo at ugali. Parang may maskara na dala palagi. Kapag gipitan ilalaglag ka sa bangin. Magingat.
Upang madagdagan ang inyong pag-iingat narito ang ilan sa the moves ng mga taong ito.
1.(ang unang pagkikita ay kritikal dapat mabangis na ang iyong mata) lalapitan ka’t kunwari’y masayang magkakasama kayo. ***tignan ang mata kung itoy may kislap ng kulay pula
2. ngingiti at sasabihing mayroon kayong pagkakatugma. (sabay sabing magkapareho tayo gusto ko din nyan!)
3. mapapalagay ang loob mo dahil ikukwento nya ang talambuhay na gawa gawa lang nya.
4. bibigyan ka ng bagay na alam nyang gusto mo. (halimbawa tsokolate, kotse kung bigtime sya)
5. kakausapin ka magdamag at walang humpay ang ngiti at tawa (tignan kung naka braces mag-ingat hindi kaaya aya ang amoy)
6. magpiprisintang gagawin kung ano man ang ginagawa mo (pampalubag loob sa maitim na balak)
7. sasabihing ikaw ang best friend nya at taga tago (ng kasinungalingan) ng sikreto nya. ***hindi mo ito dapat pagkatiwalaan mag-isip at makiramdam
8. iiyak at magdadrama (kunwari) dahil nasasaktan sa kanyang pinag dadaanan. manghihingi ng advice habang humahagulgol pa ***wag masyadong magpadala deadly ang pag iyak at pagdadrama
9. kung ginagaya ang lahat sayo magingat ka na ito ang pambatong moves nya. mapakulot ng buhok,pose sa picture, exercise, pagkain, atbp. ***mag-isip ka na hindi na normal yan.
10. at higit sa lahat wag na wag kukuha ng bagay na pag aari nya dahil puwede nyang gawan ng kwento ang bawat bagay sa mundo. ***kumausap ng ibang tao o kaya professional sa ganitong sitwasyon malalaman mo sirang sira ka na sa lahat ng tao :-)
Ang totoo sinungaling ang mga ganitong tao, mag-ingat kayo upang hindi malinlang. kung nakaranas o nakakaranas ng ganitong pangyayari maaari lamang ipagbigay alam lamang sa malapit na psychologist.