Para sa Kaibigan kong Nasa Malayong Lugar
Ikaw, oo, ikaw. Kilala mo kung sino ka. Pasensya na kung hindi ako madalas nakakareply sa mga messages mo. Kung hindi kita masyadong nakakamusta. Busy talaga ako. Alam kong hindi excuse yun. My bad. :( pero sana maintindihan mo muna ako. May pinagdadaanan lang ako. May mga pagkakataong ayokong makipagusap sa mga tao at sobrang pili lang ung kinakausap ko. Ayokong maging pabigat sa iba. At sa tingin ko, habang ganto ako at kakausapin kita, magiging pabigat lang ako sayo. Sana lagi kang magiingat. Usap tayo ulit paghanda na ako. Salamat sa walang sawang paghihintay sa mga reply ko. Bawi ako pagdating ng panahon. :) God bless you!








