Sharing this here kase wala lang. Charot. Di ko pa kase sinasabi sa family ko na may latin honors ako hangga't wala pa yung official list saka recognition namin (which is tomorrow) kase di talaga ako sure at ayoko umasa na makasali kahit nakailang compute naman ako ng gwa ko. Hahahaha.
A part of me still doubts if deserve ko ba ito pero syempre a big part of me is soooo proud na nakuha ko pang mag-latins even after everything that I have been through. Kahit pa namatayan ako nang tatlong beses my whole college life, literal na na-juggle ko ang acads at personal life ko. Sobrang laking struggle ng college for me at masaya lang ako na matatapos na rin ako sa wakas. Ayoko na lang muna isipin yung future rin kase wala pa akong plano for next year. Ahahaha.
I dedicate this win to myself because I really worked hard for this. Kahit siguro ilang beses kong i-downplay yung sarili ko, alam ko naman na I really tried my best to survive college kahit na yung best na kaya kong mabigay ay bare minimum lang talaga. Ahahahaha. Ayun lang, sobrang lost pa rin ako sa everything at ang gulo pa rin ng train of thoughts ko pero gusto ko lang talagang ishare!!!!








