Kay tagal kong hinintay ang ganitong pag-ibig,
Sa iyo ko lang pala mararamdaman.
Bawat hipo, hawak, ngiti, at titig,
Abot sa langit ang iyong pagmamahal,
Na maski ako hindi maabot-abot.
Ganito pala ang pakiramdam nang minamahal?
Ganito pala ang pakiramdam nang pinapahalagahan?
Ganito pala ang pakiramdam nang may taong takot na mawala ka?
Naalala ko ‘yung isang palabas na ating pinanood,
Na sa tuwing pakiramdam ko,
Baka hindi totoo ang nararamdaman ko para sayo,
Ngunit mayroong isang linyang tumatak sa akin,
“Kaya sigurado akong mahal kita, kasi araw-araw kitang pinipili.”
Kaya heto, napagtanto ko na..
Oo nga, mahal na mahal kita at totoo itong nararamdaman ko sayo.
Pakiramdam mo man na hindi ka kagwapuhan,
Sa aking mga mata tulad ka ng buwan,
Na kahit anong anyo, hugis ay sobrang kagandahan para sa akin.
Kaya lagi mong tatandaaan,
Na labis ang galak sa aking puso,
Ni walang pagsisisi na naging tayo at naging parte ka na ng buhay ko...
Matatapos man itong tula o liham ko para sayo,
Pero hindi magtatapos ang kwento ng ating pagmamahalan kasama ang Maykapal.
Mahal kita at hanggang dito nalang muna...