Sa bawat oras na naiisip ko na, “paano kung hindi pala tayo ang para sa isa’t-isa?”
Biglang papasok sa aking isipan, bakit ko pa ba iniisip iyon kung ang puso ko’y siguradong sigurado na sa iyo?
Cosmic Funnies
Lint Roller? I Barely Know Her
sheepfilms
Stranger Things
d e v o n
$LAYYYTER
TVSTRANGERTHINGS
NASA
Three Goblin Art
i don't do bad sauce passes

pixel skylines

Kiana Khansmith

shark vs the universe
Peter Solarz
h

No title available
Misplaced Lens Cap
2025 on Tumblr: Trends That Defined the Year

⁂

oozey mess

seen from United Kingdom

seen from China
seen from Germany
seen from United States

seen from United States
seen from Canada
seen from United Kingdom
seen from Brazil
seen from United States

seen from Poland
seen from Belgium
seen from Türkiye

seen from Malaysia

seen from Canada
seen from United States

seen from Malaysia

seen from United States
seen from United States

seen from Malaysia
seen from United States
@uriahvincent
Sa bawat oras na naiisip ko na, “paano kung hindi pala tayo ang para sa isa’t-isa?”
Biglang papasok sa aking isipan, bakit ko pa ba iniisip iyon kung ang puso ko’y siguradong sigurado na sa iyo?
Tsokolate
Mga mata mong kulay tsokolate kahit hindi sinagan ng araw, Hindi ko man mapansin ang kagandahan nito dati, Ngunit alam mo ba mahal na natutuliro ako, Sa tuwing tinitignan ang mga ito?
Liham sa aking irog
Oh irog ko,
Kay tagal kong hinintay ang ganitong pag-ibig,
Sa iyo ko lang pala mararamdaman.
Bawat hipo, hawak, ngiti, at titig,
Tila ba ako’y nalulusaw.
Abot sa langit ang iyong pagmamahal,
Na maski ako hindi maabot-abot.
Ganito pala ang pakiramdam nang minamahal?
Ganito pala ang pakiramdam nang pinapahalagahan?
Ganito pala ang pakiramdam nang may taong takot na mawala ka?
Naalala ko ‘yung isang palabas na ating pinanood,
Na sa tuwing pakiramdam ko,
Baka hindi totoo ang nararamdaman ko para sayo,
Ngunit mayroong isang linyang tumatak sa akin,
“Kaya sigurado akong mahal kita, kasi araw-araw kitang pinipili.”
Kaya heto, napagtanto ko na..
Oo nga, mahal na mahal kita at totoo itong nararamdaman ko sayo.
Pakiramdam mo man na hindi ka kagwapuhan,
Sa aking mga mata tulad ka ng buwan,
Na kahit anong anyo, hugis ay sobrang kagandahan para sa akin.
Kaya lagi mong tatandaaan,
Na labis ang galak sa aking puso,
Ni walang pagsisisi na naging tayo at naging parte ka na ng buhay ko...
Matatapos man itong tula o liham ko para sayo,
Pero hindi magtatapos ang kwento ng ating pagmamahalan kasama ang Maykapal.
Mahal kita at hanggang dito nalang muna...
Teka Lang inspired by Emman Nimedez
Hindi ko akalain na bigla ka na lamang mawawala, Mga tawanan, kantahan, at kasiyahan na nasubaybayan ng karamihan. Isa ka din sa naging inspirasyon naming mga kabataan. Alam kong masaya kana sa taas, Wala ng mararamdaman na sakit at kahirapan. Naging matapang ka sa laban mo, Lumaban ka hanggang sa huling hininga mo, Napakatapang mo! Masaya kami na nakilala namin ang isang Emman Nimedez, Na kinagiliwan ang iyong mga gawa, At hinangaan ng husto. Nakakalungkot lang isipin, Na ‘di mo na kayanan ang gyera. Pero ayos lang ‘yan, Sapagkat ipinaglaban mo rin hanggang dulo.
Hiling lang naming mga sumusuporta sa’yo na, Pabagalin muna ang ikot ng mundo, Pahintuin mga kamay ng oras sa relo...
Liham para sa aking dating iniibig
Kumusta kana?
Wala na akong balita sayo.
Ngunit alam mo bang nais kong magpasalamat sayo?
Siguro kung hindi mo ako iniwanan noon,
Hindi ko makikilala yung minamahal ko ngayon.
Hindi ko mararanasan na mahalin ng ganito,
Kung kaya’t salamat dahil ginawa mo iyon.
Marami akong mga bagay na natutunan sa iyo.
Mga bagay na dapat kong baunin,
Mga bagay na dapat pakatandaan,
Marahil mayroon akong pagsisisi
Sa mga nangyari sa atin,
Ngunit hanggang doon nalang iyon,
At hindi na mababalikan ang mga oras na nasayang.
Maraming pagkakamali,
Ngunit hindi ako nagsisisi,
Hindi ako nagsisisi na minahal kita,
Na nakilala kita,
Salamat dahil dumaan ka sa buhay ko,
At naging isa kang aral na lagi kong aalahanin.
Patawarin mo kung ika’y nasaktan ko,
Ikaw nga ang nang-iwan,
Ngunit alam kong masakit rin iyon para sayo.
Hindi ko naisip yung nararamdaman mo,
At lagi nalang ako.
Tama talaga na iniwan mo ako,
Tama kasi nalaman ko yung halaga ko.
Nalaman ko yung tunay na pag-ibig na akala ko mahahanap ko sayo.
Masakit nung iniwan mo ako,
Ngunit alam mo bang wala ng katumbas ang kasiyahan ko ngayon?
Hindi ito mangyayari kundi dahil sayo.
Kaya nagpapapasalamat ako sayo,
At hinihiling ko ang iyong kasiyahan.
Na sana maramdaman mo rin ito,
Na hindi puro sakit tulad ng ipinaranas ko sayo.
Paalam.
Liham para sa una kong minahal
Hindi ko na alam kung naasan ka man ngayon,
Sa silangan, timog, o kanluran.
Labis akong nananabik sa presensya mo,
At pangako sayo na hindi ka kakalimutan.
May nagawa ka mang pagkakamali,
Lagi mong papakatandaan na minamahal pa rin kita.
Ikaw ang kauna-unahang lalaki na nagmahal sa akin,
Na tinanggap ang buong pagkatao ko,
Mula ulo hanggang paa.
Hindi ko man masabi sayo ang mga salitang ito,
Ngunit mahal kita kahit ano pa man ang mangyari sa mundo.
Masakit man isipin na hindi kita kasa-kasama,
Na hindi ko alam kung ano na nangyayari sa iyo ngayon,
Ngunit nananalangin ako palagi sa Maykapal na ingatan ka.
Kumusta kana kaya? Nasa mabuting kalagayan ka lang ba?
Marami akong katanungan,
Ngunit hindi ko alam kung paano masasagutan.
Mahal kita, pa.
Hindi ko kakalimutan,
Kung paano mo ipinapakita ang iyong pagmamahal.
Kung saang lupalop ka man ng mundo ngayon,
Sana nararamdaman mo ang pagmamahal kong ito.
Marahil hindi ko masabi ngunit sobra pa sa sobra,
Ang paghahanap ko sa kalinga mo.
Maging matatatag ka lang,
Dahil alam kong nahihirapan ka rin.
Hanggang dito nalang aking ama.
Salamat dahil napakalakas mo.
Padayon.
Gihigugma tika.