2nd Day of School. //06142013
Mejo maaga class ko nun. 8am to 1pm so I suppose wake up earlier. Mga 5:45am ata gising na ko. Pero ayun, Na late pa den :( Dumaan pa kasi ulit kila mac. Sabay ulit kami. Nakakahiya tuloy. Hahahahaha. Kala ko nga ligtas kami sa "Introduce Yourself" Pero ayun, Di pa den ligtas >.<
Ok naman yung takbo ng klase namin simula 8am to 11am. Kaso pagdating ng last subject nag away kami ni mac :( Ganto kasi yun, PE namin yun tapos may sasayawin kami so kelangan namin ng leader and assistant leader. Dancer naman si mac so sya ginawa ko ng leader and yung isa kong classmate na tingin ko mapapagkatiwalaan naman as a assistant leader. Kaso nag inarte si mac. Baket daw sya di namna daw sya magaling sumayaw etc. So para walang gulo pinag palit ko sila ng position nung isa kong classmate, So assistant na lang sya. Then na gagalet pa den sya kasi baket daw sya pa' Bat di na lang daw ako etc.. (Yan lang kasi yung narinig ko na sinabe nya eh) So nag init na yung ulo ko. After ng class namin hinila ko sya sa dulo and then I shouted:
A: Mac!? Ano ba problema mo? M: Wala!! Inaantok na kasi ako (Sabay Walkout)
Pero I feel na there is something na ikinagagalet nya. So mejo BV na kaming dalawa. Nag aantay na kami ng jeep nun pauwi, Still ganun pa den sya. Bakas sa mukha nya yung inis. So para walang gulo pumara na lang ako ng kahit anong jeep para umiwas sa kanila then si sherwin balak pa sana ako pigilan kaso umandar na yung jeep. Naiinis na din kasi ako eh, Ayoko na sabayan yung init ng ulo nya! >.<
Pag uwi ko I realize na mali yung ginawa ko so I texted him.
A: Oyy. Bati na tayo ha? Sorry na :) M: Immature? A: Ndi. Taee ka kase, bigla ka na lang nagagalet. Di kita mainitindihan! *End of Conversation*
Di na sya nag reply. So ayan, Mejo nainis nanaman ako. Nilinok ko na kasi yung pride ko para wala ng gulo tapos ganyan pa di ba? Sino ba di maiinis. Napaka BV talaga ng 2nd day ko. Parang ewan lang >.<











