Hindi ko alam kung paano ko ‘to sisimulan. Siguro sa pinaka “cliche” na lang na paraan..
Ako nga pala si Nicole. 21 taong gulang na. Nagtapos ng BS Psychology sa San Beda College. Mataba ako, oo mataba pero ‘di naman sobra. :D 5′4″ ang height. Kayumanggi ang aking kulay. Singkit.
Ako ‘yung tipo na kayang mamuhay ng KAIN-INTERNET-TULOG lang ang ginagawa. Haha! Pero lumalabas din naman ako, sagittarius ata zodiac sign ko kaya mahilig pa rin akong mag-travel and go na go lang sa adventures ng buhay. Mahilig ako sa aso kaya naman love na love ko si Tytus (beagle), Gustong-gusto kong pinagmamasdan ang mga bituin sa kalawakan at mga ilaw na nagkikislapan pag-gabi lalo na pag nasa siyudad ako, napakaganda kasi. :)
Sa edad kong ‘to, mahilig pa rin akong manood ng Anime o kaya Cartoons. Ganern! haha Ewan ko feeling kid @ heart ako eh. Hilig ko rin ang manood ng k-dramas/movies at thai movies. Jusko! Ilang taon na akong nanonood ng mga movies nila pero hanggang ngayon ‘di pa rin ako marunong mag-Korean or Thai. hahaha ‘Di ata siguro tinatanggap ng sistema ko.
Matamis naman ang hilig kong kainin. Hay nako! Kaya ako tumaba ng ganto eh kasi’yun ang kahinaan ko. hahaha Kaya kong hindi kumain ng rice, ulam, chichirya o kung ano pa man except sa matamis na food. Kaya siguro paborito ko SIYA kasi matamis siyang magmahal. Ay! ang corny :D
Hmm, ayaw? Wala naman masyado. Hindi naman kasi ako maarte sa amoy, hitsura o kaya sa gamit. Pero siguro kung ‘yung tipong ayaw talaga eh siguro sa personalidad ng tao. Ayoko “yung sinungaling (sino ba kasing may gusto diba? :D), paasa (walang hugot ‘to), manhid (insensitive ba), puro sarili lang iniintindi, maiinipin, hindi marunong tumanaw ng utang na loob, hindi mapagpakumbaba, pala-away, ‘yung taong “isang tanong, isang sagot” tapos wala pang kaemo-emosyon, sobrang feeling ‘yung tipong hindi na joke, at lastly, ‘yung taong napakataas ang tingin sa sarili ‘yung kulang na lang bigyan siya ng pakpak para lumipad na siya kasi ang taas taas ng tingin sa sarili. Hahaha! Natatawa ako, sabi ko wala akong masyadong ayaw pero ang dami pala. :D
Siguro sa ngayon, napipicture out mo na kung anong klase akong nilalang. hahaha Ang totoo niyan, matagal na akong sumali dito sa tumblr, sa sobrang tagal ‘di ko na maalala kung kailan ako nagsimula. Binuhay ko ‘to ngayon kasi para may mapaglibangan (dakilang tambay pa rin kasi ako :c), may mapaglagyan ng masasaya at malulungkot na pangyayari sa buhay ko at para hindi naman masayang tumblog ko. Para kasing inaamag na. :D
Hindi ako ‘yung typical na blogger na english language ang gamit kaya asahan niyong Wikang Filipino ang gagamitin ko dito sa blog. Siguro minsan, taglish ganern! hahaha Hindi kasi ako magaling magsulat kapag in English eh. Mas dama ko kapag Filipino. :) *kaway kaway diyan sa mga blogger na tulad ko ang ystilo* hahaha! Minsan naman siguro may photos naman akong ilalagay dito siyempre with captions para bongga naman at hindi dull :D Tapos basta parang ang dating nito eh tungkol sa buhay ko at sa mundong aking ginagalawan. Kumbaga parang daily journal ganern :)
So ‘yun lang naman. Sana lagi akong makapag-update dito. hahaha Abangan niyo ha (feeling nicole para namang may nag-aabang sa posts mo :D) Basta ‘yun. hahaha Hindi ko alam kung paano ko tatapusin kaya..