Ang pabebe ay nagsimula sa salitang pa-baby o pagpapa cute. Noon pa man ay marami nang pabebe, ngunit ngayon lang nauso yung term.
Sa ngayon nag labasan na ang iba’t-ibang mga pabebe:
Nauna na dyan si Mamon girl na nagpapabebe habang kumakain ng mamon sa isang mall, naging viral ito online at nagkaroon ng maraming parody:
Nandyan din ang babaeng naiinis naman kay mamon girl na naging viral din at pinangalan itong pabebe brown, paalala po sa mga batang makapanood po nito, rated SPG po siya dahil sa mga language na maririnig ninyo dito:
Syempre, hindi naman mawawala ang kakampi ng mga pabebe na tinaguriang Pabebe Warriors starring Babaeng Utal, Babaeng Multo at ang Babaeng Walang Kilay na sikat na sikat na ngayon, nagkaroon pa sila ng mga tv guestings at mga parody online. Kaya din kinagiliwan ito ay dahil sa babaeng walang kilay kung saan marami ang naloka. Sa ngayon ay may part 2 and 3 na sila:
At ang pinakabagong pabebe, hindi sa salita, kundi sa gawa naman. Ang sikat na sikat na Pabebe Wave ng ALDUB:
Syempre, marami ang natuwa sa pabebe ngunit hindi din mawawala ang mga nainis at nadismaya siguro dahil na din sa pananalita. Hindi talaga natin maiiwasan ang pagbabago ng panahon. Ngayon, may mga using term, bukas makalawa, makakalimutan na din yan ngunit hindi na ito mawawala sa kamalayan nating mga Pilipino na minsan ang Pabebe ay naging bahagi ng ating kultura.