Paano kung sa sarili n'yong komunidad ay nakatutok kayo? Wala kaya sana ngayong 10Million Peso Pork Barrel Theft? Mapipigilan kaya ang paglaganap ng mga corrupt?
Sa librong Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? nabanggit ang kwentong ito:
May isang bata na lumapit kay Pilosopo Tasyo para pahulaan kung buhay o patay ang hawak nitong ibon na nakatago sa likuran nito. Kapag sinabi ni Pilosopo Tasyo na buhay, pwedeng patayin ito ng bata sa pamamagitan ng pagpisil. Kapag sinabi naman niyang patay, pakakawalan lang ito ng bata. Sa huli ang sinagot ng Pilosopo,
"ANG SAGOT AY NASA INYONG MGA KAMAY."
Para kay Mayor Len and Mayor Chipeco. Ngayon pa lang po, sumasaludo na ko sa inyo.








