Dec. 21, 2012. Friday. 1:47pm.
"Kapag naaalala ka, wala naman akong magawa."
Sobra talaga akong tinatamaan ng lyrics ng kantang "Hanggang Kailan" by Orange and Lemons. Eto na siguro yung pinakaperfect na kanta na tumutugma sa nararamdaman ko sa araw-araw. Iba talaga kasi yung feeling na namimiss kita araw-araw. As in literal na araw-araw!
Haaaaay. I just hate this one.
Today, I woke up longing for you. Just like the first day when you left. Ganun. Ganun katindi. Di ko nga rin maintindihan sarili ko bakit bigla ko 'tong naramdaman eh. Parang back to square one na naman ako. Ewan, parang bigla na lang sumulpot yung ganoong feeling na sobrang hinahanap kita. Naiiyak pa nga ako. Bakit kaya?! Bakit?!
Hay Lex. Sobrang gulo ng mga bagay-bagay sa buhay ko ngayon. Maraming mga taong bigla na lang dumating simula nung mawala ka. Gusto ko man na hindi na sila isipin, hindi pwede. Kasi kahit paano, part na sila ng life ko dahil sayo.
Kung may wish man akong mangyari sa Pasko, yon eh sana, tawagan mo man lang ako. Kahit 2-minute conversation lang okay na sakin. Miss na miss ko na yung boses mo. :'(