Round 3
So we fought again. DAMMIT!
Super bad day talaga ngayon. Highbood kasi ang mga pipolei eh. Ang init na nga sa Pilipinas nagpapasaboy pa sila. Pwede ba? Hinay-hinay lang sa kape. Baka kasi instead na sa makalawa ka pa mastroke eh bukas na.
So sino ba ang may mali? I know. I know. Siyempre mga kaTumblr hindi na ko magmamalinis. May mali din ako pero huuwaaatdaaa! Siya tong may mas malaking mali. Pang round 3 na to at kapag nagkaroon pa ng round 4 sisiguraduhin ko na talagang pupulutin siya sa kangkungan. Kakabanas lang. Wait yung mga veins ko baka pumutok. HAHA.
Anyway, sabi nga ng quote na pinost ko "Don't let your BAD DAY make you feel like you have a BAD LIFE." Kaya nga naman naglabas na ko ng sama ng loob dito (I mean emotions huh, baka kung ano yung isipin niyo.XD) para naman bukas okay na ulit ako. Hindi ko lang alam kung kailan kami magkakaayos pero sa nangyaring to. Mukang hindi na. Masiyado na kasing nawili. Akala ata ako si Pacquiao. XD
Siguro sa mga oras na to pinapiyepiyestahan na ang pangalan ko. Harruu hahayaan ko na lang sila sisikat naman ako sa ginagawa nila baka madaigan ko pa si Anabelle Rama. Nakakahiya naman. HAHAHA

















