Signal Rock, 2018
Signal Rock: Mukhang Simple Pero Rak
Oha di na tayo natutulog pare. Bilisan lang natin to kasi mamaya lalaban na Gilas e, kailangan pa natin magprepare ng prayers . Hindi 'to review, notes lang kaya wala gaanong emosyon.
OW-MAYGAHHHD! i hate dragz!!!! Iwas bato, iwas tokhang!!!! Pero easy lang tayo pare kasi 'yung bato hindi illegal. Kung gaano kalaki yung bato rito, ganun din kalaki yung simbolismo nito. No spoilers pero sa buong isla pare sa rock formation lang na 'yun may signal pare. Imagine! Wala kang mobile phone signal! *heavy breathing* Sabi ng Globe, Abot mo ang mundo. Pero dito pare abot lang nila bato. As in sa rock formation lang na 'yan sila may nasasagap na signal. Isipin mo yun di sila nakakapagtweet ng "just got home sobrang trapik" o kaya ng "new year, new me" o ng "salamat po sa mga bumati" para malaman ng lahat na kakatapos lang ng birthday nila.
Sabi ng teacher ko dati ang isang kwento ay may limang basic elements. Character, Setting, Conflict, Plot, Theme. Wala lang, sinusubukan ko lang yung epekto ng memory plus gold na ininom ko.
Pero yung mga characters dito pare makulay. Yan lang masasabi ko kasi kailangan talaga mapanood mo para maintindihan mo na lahat ng kwento may kwenta.
Support local!


















