two thumbs for my Accounting Professor. :)
Discussion sa accounting kanina.. nasa likuran kasi kami nakaupo ng mga kaibigan ko so kapag medyo mahina yung boses ni Prof. e hindi namin masyadong maintindihan. Naririnig namin yung bulong pero hindi nga namin maintindihan. Hindi naman ako nagrereklamo dun dahil malakas naman ang boses ni Prof. kapag discussion.. Nagulat lang kasi kami na may pinag-uusapan na pala si Prof. at yung ibang kaklase namin sa bandang unahan. Meron kasi kaming kaklase na once a week atang laging absent, so syempre may epekto sa grades yun. Hindi ko na nalaman yung reason pero yung pangalawa na laging umaabsent e nag-aalaga daw sya ng kapatid kaya minsan absent sya. So? So anong konek? Ano bang gusto kong palabasin? May sense ba to.. depende na saiyo kung gusto mong tapusin ang kwento kong ito dahil kung tutuusin e magsisimula pa lang ako ng kwento.
"May karapatan akong manermon.. dahil.. dahil.." narinig ko na lang bigla na sinabi ni Prof. (inisip ko yung susunod na sasabihin nyan.. dahil concern sya samin? kasi estudyante nya nga kami? yun ba yung reason kaya may karapatan syang manermon? pero nagkamali ako sa hula ko)
"dahil.. naging katulong na ako!" pause -------------------------------.
aa. napa.nganga na lang ako. anong konek? pero seryoso si Prof. so parang napaisip ako at medyo nakuha ko na kung anong gusto nyang palabasin.
"oo. naging katulong ako nung highschool. Every weekends naglalaba, naglilinis ako dun sa mayaman nating kapitbahay" hindi ko na matandaan yung saktong sinabi ni Prof. pero yun nga kahit pumasok sya bilang katulong e hindi naging rason yun para mapabayaan nya yung pag aaral nya. Kaya nga sabi nya hindi rason na idahilan sa kanya nung klasmeyt namin na nag aalaga sya ng kapatid dahil mas mahirap pa yung napagdaanan ni Prof.
"Ang tatay ko karpintero at ipinagmamalaki ko yun.
Ang nanay ko teacher. Pito kaming magkakapatid. Yung panganaya namin mechanical engineer, 8th topnotcher yun. Yung pangalawa teacher, pang 22 sa top board. Yung sumunod nurse.. tapos civil enginnering yung isa. Ako naman CPA. Tapos may dalawa kaming ampon.. yung isa teacher ulit tapos yung isa Seaman."
napa WOW tuloy ako.. antaray nila.
"Sabi nga ng tatay ko e ang tanging maipapamana lang nila sa amin e yung makapagtapos kami ng pag aaral."
Natahimik na naman ang lahat. "Kaya ko ito sinasabi sa inyo e dahil naaawa ako sa mga magulang niyo. Pinaghihirapan nilang mapag aral kayo sa college tapos parang binabalewala nyo lang. Pahalagahan nyo yung effort na binibigay ng mga magulang nyo para sa inyo." Something ganyan yung sinabi ni Prof. but not exactly, as in word by word.
Tama nga si mam. Yung pinambabayad natin sa mga tuition fee e mula sa dugo't pawis nga ating mga magulang, miski yung ibang nagpapaaral sa atin. Ultimo sentimo e nagmula sa pagpaguran nila tapos ang ipapalit lang natin e isang SiNGKO? Pasalamat na lang kung naka TRES ka pa. tsk. Ang mga magulang natin ang dahilan kung bakit tayo nakakapag aral ngayon, kung bakit alam na natin an ideyang debit at credit.. na sa lahat na bagay ay dapat balanse dapat. Ang non current asset nga ay nagdedepreciate pero ang pagmamahal ng mga magulang natin ay hindi bagkus e lalo pa nila tayong minamahal kung kaya't nararapat lang na suklian natin yung pagmamahal at sakripisyo nila para sa atin. Sila rin nawa yung maging dahilan para pagbutihan natin sa pag aaral, Hindi lang si crush.. si boyfrien/girlfrien ang ginagawang inspirasyon.. dapat mga magulang muna natin ang nasa unang listahan ng ating inspirasyon.
"O.. magkano na nga ulit yung binenta?.." Back to topic ulit kami. haha.
Nadagdagan tuloy yung paghanga ko kay Prof.. Alam ko na kasi na isa talaga siya sa magaling na Accounting Prof. sa school namin, as in kapag nagtanong ka kung sino bang Prof. yung magaling sa actg. e pangalan nya kaagad yung maririnig mo. Yun nga lang, kung ano talaga yung grade mo, yun talaga.. walang adjustment factor noh? So, kailangan talagang mag-aral.. >agaling talaga sya at na prove ko naman yun sa isang semester na ipinasok ko sa kanya. Aminado ako na nahirapan talaga akong mag adjust nung nag pa adopt ako sa kanya. Sabi ko nga sa sarili ko, "nabigla ata ako?" Well, wala nang bawian.. andito na ako ee. Patapos na ang semester.. isang quiz at final exam na lang ang itatake ko sa kanya. Aminado ako na hindi kataasan ang mga nakukuha kong marka sa kanya.. tsk. Ako rin naman ang may gawa ng mga grades na iyon so ako lang din ang dapat sisihin. Wish me luck na makakakuha ng mataas na grades sa quiz at finals. Kung pwede lang ma perfect.. gagawin ko na. Kailangan ko na ata ng superhero o kaya fairy god mother para maka 100%. Pero hindi.. kaya ko to. Prayers at faith kay God. Syempre kailangan ko ring gumawa ng move diba? I won't give up. I can do it.. and I'll prove it. Gusto kong habulin kahit hanggang 1.75 grades na lang.. hanggang dun na lang ata? dahil gusto ko sa acctg. 3 e tanggapin pa rin ako ni Prof. kapag nagpa adopt ako sa kanya.. Gusto ko ulit sya maging Prof.. Gusto kong madagdagan pa yung kaalaman na natututunan ko mula sa kanya. Saludo talaga ko kay Accounting Prof., two thumbs up for you Mam Buenafe ng PSBA QC. ikaw na! :)