Happy New Year. .but still inlove with the same girl!
Hindi ko ba malaman, sobrang bilis ng panahon!
Ang tagal mo na palang pinapasaya ang aking puso.
Parang kelan lang, kaibigan mo lang ako.
Pagkurap lang ng aking mga mata, boyfriend mo na pala ako?! (Ang pogi ko talaga!=])
Yung mga panahong tayo’y nag-aaway, umiinit ang ulo.
Never sumagi sa isip mong sumuko; na iwanan ako.
Eh ilang beses na ba kita napaluha; nasaktan?
Wala talaga akong masasabi Bhie, mahal mo talaga ako.
Yaan mo Bhie, mananatili akong loyal sa’yo.
Eh sayo lang naman nahulog ang puso ko nang tuluyan.
Ang kinabukasan, pangakong haharapin nating magkasama!
Rivera, Joangela! Mahal na mahal kita!












