Ang dami kong gustong sabihin,
mga bagay na gustong aminin.
pero hindi mo nga pala ako kilala.
kahit wala akong karapatan.
Isang babaeng sa pagkakahulog ay napako.
pero hindi mo ko nakikita.
Hanggang dito nalang tayo,
Mali, wala nga pa lang 'tayo'.
Sa malayo ako'y nakatayo,
Nakatingin kung paano mo siya sunsuyo.
Hahaha Hindi nga ako marunong gumawa ng tula. May nabasa lang kasi ako sa blog ng kaklase ko, nalungkot at nadala ako, kaya hindi na ako makapagconcetrate sa pagrereview ko. At may force sa aking puso (naks!) na gumawa nitong walang kwentang tula na 'to. Pasensya na nababaliw lang talaga ako tapos hindi ko na tinapos kasi nga walang patutunguhan. Hahaha Hindi ko na sana ipupublish kaso naisip ko may pagtatawanan nanaman ako pagdating ng panahon. Hahaha