Pwera Biro
Madalas hindi napapansin ng tao na hindi basehan ang kapal ng bulsa para sabihing mayaman ka. Kasi kung tutuusin, habang dumarami ang pera, mas lumalabo rin kung ano ba talaga ang kailangan.
Mas madali kang gumastos kapag pakiramdam mo may pambili ka, pero mas mahirap matulog kapag alam mong lahat ng iyon babayaran mo rin sa ibang paraan: oras, antok, o sarili.
Minsan iniisip ko, paano ba kinikita ng mga tao yung pera nila. Yung iba, parang hindi nila kailangang lumaban araw-araw. Yung iba naman, parang bawat kembot ng segundo may kapalit na pagod.
Sabi nila, work smart daw. Pero paano kung hindi ka pinanganak na may smart na connection, diploma, o diskarte na may puhunan? Eh di work hard. Kahit minsan, work tired. Basta gumagalaw. Basta may ambag.
Ang problema, hindi laging kita ang bunga ng ginagawa mo. May mga araw na para kang nagtatanim sa semento paulit-ulit, walang usbong pero umaasa pa rin.
Hindi dahil sigurado kang may aanihin, kundi dahil wala kang ibang alam kundi magpatuloy.
At doon mo marerealize, hindi pala pera ang tunay na yaman.
Yung kakayahan mong hindi bumitaw kahit ubos ka na, iyon ang puhunan na hindi kayang bilhin ng kahit sinong mayaman.
Kasi ang tunay na yaman hindi laging halata. Minsan tahimik lang. Tulad mo. --///-- May kwento ako. Basta sagot mo ang kape ko. Click mo lang yung link. ☕ coff.ee/kwentoniblack








