Ang Sining ng Pagkukwento
2018 naggagather ako ng mga bata sa kalsada ng Kalaw. Hindi ko akalain na mas lalaki pa ito at marami pa kaming mapupuntahan na mga komunidad kasama ang Titik Poetry. Tulad ng lagi kong sinasabi, hindi ako mahilig magbasa noong bata ako dahil hindi ako privileged na magkaroon ng access sa mga libro. Lalo na nababad ako sa computer games at larong kalsada.
Kaya hinanap ko at binalikan ang pagkabata ko para hanapin ang kwento na magbibigay ng sigya o inspirasyon sa akin ngayon. Ngayon ko lang din na-realize ang element ng laro. Hanggang noong 2019 sunod-sunod na disaster response ang naging inatsyatibo namin sa mga nagdaan na sakuna.
Kaya naiisipan kong i-formalize ito bilang Pyscholocial first aid program para sa mga bata, gayun din ang pagpapalawig ng pagmamahal sa pagbabasa Ang program na ito at patuloy na tutugon sa mga komunidad. Dahil natutuhanan naming hindi lang natatapos sa pagpunta at pagbibigay sa komunidad ang responsibilad natin, ito ay Karapatan ng mga bata.
Ang bata ang pangunahing apektado sa mga panahon ng sakuna.Importanteng ma-proseso ang kanilang mga karanasan. Siguro mas magiging epektibo at makabuluhan kung kasama sila sa proseso.Mula, Luzon, Visayas at Mindanao, dadalhin namin ito.
Maraming Salamat sa mga batang nakilala namin at yung mga napalapit sa akin at buong team ng Project Sigya at BooklatJuan: A Storyteller's Journey.
Magkaisa. Maglakabay. Magkwento.
Maraming Salamat sa mga Volunteers! Isa itong komunidad ng mga artista, guro, individual na nais makapagkwento.
Sa 2021 muli? Tara!









