So if it fails,it was not love yet? ibig sabihin yung inakala kong pagmamahal sa tatlong taon, hindi pagmamahal iyon? because it failed, yung inakala kong nagmahal ako ng pitong beses at iba-ibang forms, hindi pag-ibig yun. eh anong tawag sa mga yun? joke? joke lang mga yun? kung sasabihing “puppy love”, love parin yun. aaahhh, baka infatuation, pero kung infatuation yung mga yun ba’t gabi-gabi ako nun na umiiyak, walang ganang kumain o gumising kaumagahan kasi ang hirap tanggapin, na parang nawalan ka nang ganang ituloy mangarap at mabuhay. hay! san kaya makakahanap nang sagot sa tanong ko? kung magtanong kaya ako kay kuya marcelo? ahaha, hindi naman ako broken hearted ngayon mag-iisang buwan na ata,gusto ko lang malaman kung hindi pag-ibig yung mga inakala ko na pinag-aksayahan pa nang dyamanteng luha ko. ehehe. siguro tatawaging ko nalang na “feelings” muna. it takes time ulit siguro bago ko malaman yung sagot. o kaya hayaan na lang talaga. kung hindi man love yung mga inakala ko noon, kelan ako magkaka-love? grabe ha? gusto kong maradaman yung love, yung totoo.
pero di ko alam kung dadating siya.i stopped praying for it, iginive up ko na ,kasi pagkatapos nang pangpitong pagsubok ko, na inakala kong love pero di pala,eh nafailed ulit. psh! kaya i stopped,kasi parang walang dadating o kaya di nagwo-work out di naman gym, ahaha, drama ba? wala eh, eto yung nasa isip ko. gusto kong ilabas para may pumasok ulit na bagong issue sa utak ko.at may ishare ako ulit, full memory na ko. ahah, di ko naman mai-share sa sblings ko, anong pake naman nung mga yun eh puro dota iniisip o kaya mga sasakyan. yaan na nga. alam ko malalaman ko rin yung sagot. sa ngayon muna, i’ll call it “feelings”.