Noong maliit ako akala ko lagi kaming makakapag laro ni kuya— araw-araw na nasa computer shop, takbo sa labas, taguan don, at pogs.
Kala ko araw-araw na ganon, kala ko panghabambuhay.
Pero habang tumatagal, habang lumilipas yung araw at buwan ay hindi ko namalayang tumatangkad ako, hindi na nagka-kasya yung damit ko sa akin, gano'n din kay kuya.
Noong tumungtong ako ng 12 taong gulang ay saka ko napagtanto.
Lumalaki na kami, hindi na kami makakapag laro nang madalas ni kuya.
Naaabutan na rin ni bunso ang aking tangkad, lumalaki na rin ang pinakamamahal naming prinsesa.
Magiging seryoso na ang buhay para sa nakatatandang kapatid namin.
Totoo nga na mabilis ang takbo ng oras, bawat apak at hakbang mo ay siya ring galaw nito.
Natulog ka na bata at pag-gising mo ay seryoso na ang buhay.
Gusto kong maging 5 taong gulang ulit hahaha.











