Heterogeneous Society
Natawa ako sa isang post sa facebook about sa pagmamahal ng lalake sa mga babae. Kesyo, nasasaktan din daw sila, nahihirapan, hassle magmagmahal, mas madami kung magbigay at laging mas nagmumukhang tanga.
Inisip ko lang, masyado namang nageneralize yung mga babae. Tulad nila na laging din namang nahuhusgahan sa panghalahatang aspeto. Oo, nakakita nako ng mag lalaking tunay na nagmahal at tunay na nasaktan. Nag-iba din naman ang tingin ko sa lalaki dahil dun. Natutunan ko na din naman na hindi gawing tulad ng ibang lalaki ang lahat ng lalaki. Hmm. Gets mo? For the past years, I've learned individuals' differences at ang katotohanan na lahat ng tao, at some point, nagmahal ng totoo. Pero katulad ng lalaki, ganon din naman ang punto ng mga babae diba? Hindi lahat ng babae ay katulad ng mga iilan lang na nakikita ng iba. I always say, "I'm not like most girls" kasi aminado naman ako na may pagkaweirdo akong babae. Minsan talaga mas pinipili ko ring gawin kung ano yung kakaiba, yung hindi normal na gagawin ng isang babae. Pero wala ngang normal, kasi iba-iba naman tayo eh. Babae o lalaki. Ang pagkakapareho lang naman natin eh yung lahat tayo marunong magmahal, natutong magmahal, magmamahal, nasaktan, at masasaktan. Pero kung paano tayo maghawak ng sitwasyon, depende nalang yun sa kung anong klaseng tao tayo. Hindi naman mahirap intindihin yun eh. Madalas lang talaga nating makita yung malng iba kaya kapag sinabi na natin ang nararamdaman natin, madalas ring wala nang utak at puro kung ano nalang yung masakit. At the end of all the stories, we lose the happy ones, bakit? Nasaktan tayo eh.
Hindi naman ako nagpapaka-righteous eh. Maraming beses narin akong nasaktan at alam ko sa sarili ko na masama akong kapag ako nasasaktan. Pessimistic ako at sobrang lugmok. Pero ako lang yun. Yung iba dyan magiging man hater, yung iba maghahanap ulit ng mamahalin, at yung iba, titigil na sa pagramdam ng kahit ano. Kapag nagmahal, may iba na okay na basta kasama nila, may lalaban, may susuko at may magmamahal lang kahit malayo, kahit bawal, o kahit hindi pwede. Madami pang iba dahil ilang bilyong tao nga naman tayo diba?
Parang cause and effect lang naman lahat. Sabi nga nila, "behind every asshole is a bitch who made him that way" ireverse mo ang kwento para sa mga babae. Sa tingin ko ganon naman talaga. Lagi ko sinasabi dati na ang first love ng lalakia t babae ang magdedetermine ng kung anong klase nagmamahal sila sa future. A love story, whether a man or a woman's, can either make or break a person's future. Kung madaming emo sa mundo, dahil na rin siguro yun sa kung anong klaseng istorya meron sila. Kailangan pa ba natin ang personalidad na meron sila? Kung may mga bitch and jerks na nagkalat sa mundo, mabuti rin siguro na minsan tignan natin sila sa anggulo na may parte ng buhay nila naging dahilan kung bakit naging ganyan sila. Masasaktan ka pero depende nalang sa'yo kung pano ka babangon at haharap ulit sa mundo.
Hindi ako matalino sa usapang pag-ibig. Madalas na rin akong nasabihang tanga. Nasaktan ako, bumangon ako. Kung ano ako ngayon, salamat sa kung ano mang nangyari sakin dati. Pero hindi ako tulad ng iba at ang ibang yun ay hindi tulad ng pangkalahatan. Sa kahit anong karanasan at sa kung sino man na maging tayo pagakatapos nun, ang akin lang, sana matuto tayo. Hindi man natin maperpekto ang susunod na kabanata, sana hindi na natin ulitina ang pagkakamali na nagawa.











