A GIRLFRIEND? A WIFE?
What am I?
A girlfriend?
A wife?
I don't know.
Maybe, I'm in between. I can't call myself now neither a "girlfriend" nor am I a wife.
Hindi ko talaga alam! For me, masasabi ko lang na wife na ang isang babae if may wedding ring na siyang suot.
So, basically, partner niya lang ako. Partner niya lang ako! Char! Eventually, magiging wife rin naman ako. Well, malas niya nga lang sa akin.
First of all, I can't cook well. Since magkasama na kami sa iisang bahay, mostly, siya talaga ang naghahanda ng meal namin. Breakfast, lunch, dinner.. as in lahat. Masarap siyang magluto, in fairness naman! Marunong naman akong magluto kung may guide at kung hindi prito. Uulitin ko, hindi prito! Ayaw kong nagpiprito ng chicken at lalung-lalo na ang isda! Ayaw ko sa tumatalsik na mantika. Paglutuin na ako ng kahit ano, huwag lang magprito!
Second, mabagal akong maglaba. Hindi rin siya naglalaba. Well, hindi naman masyadong problema sa aming dalawa 'yon dahil magara ang washing machine nilang awtomatik na tig-te-10k! Thanks, Lord! Kayang-kaya ko namang maglaba, huwag lang sana puro maong, kumot at kung anong makakapal na tela dahil ang hirap banlawan. Hindi pa man ako nakakapag-asawa, laspag na ang mga kamay ko.
Third, hindi ako marunong magplantsa! Huhuhu. Sadly, napakawalang-kuwenta ng kabataan ko dahil hindi man lang ako natutong mamalantsa. Lord, nagsisisi na po ako. If I could turn back the time, susunod na lang po ako at hindi na mag-iinarte kapag inuutusan ako ng nanay ko sa mga gawaing bahay! Nakapagplantsa naman na ako, success naman kahit 'di ganu'n ka-pulido. Natatakot nga lang talaga ako kapag uniforms na ang paplantsahin tapos ang nipis-nipis pa ng tela. Ay, juskolord!
Fourth, sobrang tamad ko. Hindi na ako mag-eexplain. Nakakatamad.
Though, marunong naman akong maghugas ng pinggan. Masasabi kong dito naman ako nag-eexcel, sa paghuhugas ng pinagkainan. Ito na yata ang pinakapaborito kong gawin magmula nu'ng lockdown at mabuntis ako. Napapangiwi nga lang ako nang madalas sa mga tupperware at kawaling mamantika.
Marunong din ako ng mga techniques sa pagtutupi, though I prefer the basic ways dahil sabi ko nga, tamad ako.
Lumaki ako sa probinsya kaya naman kaya ko ring mag-igib ng tubig though 'di naman kailangan dahil de-gripo naman tayo rito sa Pasig, ano po? Kaya ko ring magpaningas ng kalang de-uling, though 'di naman nga kailangan dahil de-gas naman ang lutuang gamit namin.
So, 'yon. Tamad pa rin naman ako kahit anong explain ko. Hehez. Tapos imagine, magiging mommy na ako in a few months hindi pa man ako nakakapag-umpisa sa HOW-TO-101 kung paano maging wife at maging isang "asawa" haaaays!
So, dapat, ang title nito, e:
A GIRLFRIEND? A WIFE? OR A MOTHER?
Tanong: Well, matututo rin naman siguro ako, 'no?
Sagot: Hindi siguro, dapat!
Hindi na ako mag-isa ngayon, kaya dapat mas maging mature na ako sa pagkilos ko, mas maging responsable na dapat namang talaga.
Hindi na lang sarili ko ang iisipin ko ngayon. May partner na ako, soon to be husband—sana. Magkaka-baby na rin ako! Good luck talaga sa akin at lalung-lalo na sa kanila!
May nabasa rin naman ako about maturity. "Maturity doesn't come with age, it comes with experience." Something like that. So, maniniwala na lang ako na habang tumatanda ako at nakakaexperience ng kung anu-anong bagay whether mahirap o hindi, magmamature ako.
It's a bit scary and tough to be a wife and a mother, but I know I would eventually learn to be both. I may not be perfect, but I will grow and will do my best.






