hassle.saya.hassle.saya--ang aking araw
Ang kulet lang ng cycle.
Masakit man sa baga e pinilit kong gumising at maligo ng maaga (nanlameeeg ng tubig huhu) dahil papasok ako sa nagiisa kong klase ngayong araw na ito, yun ay 8:30-10am lang. Nagmamadali akong pumasok dahil ayaw ko malate baka hindi makapagquiz at kumanta sa klase (baka bumagsak ako lalo haha). Ayun, at wala naman palang quiz parang nasayang pagmamadali ko, joke lang, hehe. Habang nasa gitna ng pagkaklase tinanong ako ng teacher kung me topic na ako para sa researc paper at ambongga ng pag-iling ko, haha. E wala pa ko naiisip na study, grr. Ayun. Napagod na ako non.
Pagkatapos ng klase e mineet ko si thea, at kung anu ano nang napagkuwentuhan namin ng bruha. Umakyat sa taas at nagpacheckuo kami. Mineet din namin si arvin at ang kapatid niya. Tapos ay naglunch. Tapos ay sabay sabay na sumakay papuntang crossing. Tas ayun, buhbye na sa isa't isa. Masaya naman parang saglit na bondingan lang.
Ako ay tumuloy na sa SSS. Oo, nagaaply ako ng E1. OMG! Sandamakmak ang tao dun. Kairita, tas wala pang magandang sistema. Tas napakainit pa. GRR. Super hassle. Ilang oras din ako dun.
Bago mag alas singko ng hapon ay nakabalik na ako ng UPLB at tinagpo si rhe. As usual may ilang kalandian kaming pinagusapan haha ALAAAM~. Namiss ko din ang bruha. Konting lakad dito, lakad doon. Tigil sa McDo. Tas babuu na!
(For the record limang tawag ang hindi ko sinagot?/nasagot?)
Umuwi na ako ng bahay, movie trippings kasama si insan at ayun hello tumblr naman.










