hindi ako ang babaeng gusto mong mahalin ako ang babaeng maari mong habulin iyakan, paasahin, hamunin ngunit hindi mo kakayaning mahalin dahil hindi ako ang babae ng mga panaginip mo wala akong katulad; magugulat ka lamang sa iyong makikita at kung sa una man hindi ka na agad maniwala sa akin na hindi ko kaya magmahal, hindi ako magpapakita ng emosyon, hindi ako ang babaeng maari mong mahalin edi sige, tignan natin
simulan mo - makipagkilala ka, tanungin mo ang aking nakaraan dito palang makikita mo na ilang beses na akong nadapa, nasaktan, niloko at kung ang iniisip mo na dahil dito ay hindi na ako makikipaglaban, dito ka unang nagkamali dahil sa bawat pagsubok ko sa buhay sinisigurado ko sa'yo na ako'y laging tatayo nang may prinsipyo at dangal hindi ko babaguhin ang aking paningin upang maintindihan lang nila ang nais kong isigaw at para sa'yo, ang ibig sabihin lamang nito ay isang pagsubok "kaya kong baguhin ang isipan mo"
at tayo'y nagsama - masaya't kinilig ngunit liggo linggo na lamang ay malalaman mong lasing nanaman ako may hinalikan nanaman ako hindi ako umuwi sa piling mo at kada linggo paulit-ulit kong sasabihin na hindi na ito mauulit ngunit alam nating dalawa na ito'y isang kasinungalingan nga naman, ganun din ako noong tayo'y nagkakilala pero kala mo ako'y magbabago "hindi mo kailangan matakot sa pagmamahal"
at ngayon, parehas tayong luhaan at sugatan habang unti-unti ko nanamang itinataas ang aking bakuran gamit ang mga basag na bote ng alak at mga upos ng yosi sa aking bintana ako nanaman ang nagmukhang masama "dahil hindi ka marunong magmahal" ngunit kaya kong tiisin lahat ng sakit na ibinabato mo sa akin "dahil hindi mo kayang magpakita ng emosyon" ngunit kaya ko ibigay ang buong buhay ko sayo
pero sinabi ko na naman hindi ako para sa'yo hindi ako ang babaeng gusto mong mahalin













