Salamat at Paalam
Kilala mo pa kayo ako? Matapos ang ilang araw Na walang pansinan Maalala mo pa ako O tuluyan mo ng makakalimutan Makakalimutan ang mga masasayang alaala Ang mga ala ala ng ating pagkakaibigan Kahit tila ako'y sadyang nahulog Sa patibong ng mukha ng pagibig Pilit kong pinigilan Pero ang pangalan mo ang tanging sigaw ng aking bibig Sa mga sandaling ika'y nasusulyapan Ang tanging naiisip Okay ba tayo? Okay ka lang ba? Kamusta ka kaya? Kilala mo pa ba ako? Teka wala nga palang tayo Hanggang dito lang ang lugar ko Isang araw mawawala din naman ang pagtibok Tatangayin kasama ng nga alikabok May mga oras na hindi maligaga Sa kakaisip kung Kumain ka na, Kakausapin mo pa ba ako Okay ka lang kaya Kamusta ang araw mo Kamusta pakiramdam mo Ingat ka Minsan gusto ng makipagusap Pero sa bawat katanungan ng minsan Ay wala akong naririnig na kasagutan Tila ba'y ako'y isang multo Na para bang walang nakikita Na para bang balewala lang Ganun naman ata eh Sanayan lang Nasanay na ako sa mga sakit at mga luha Nasanay na ako sa bawat iyakan Nasanay na ako na umasa Nasanay na ako na laging bigo Nasanay na akong maiwan Nasanay na ako na unti unti ka ng naglalaho Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ka Na kahit kailanma'y di mo ko pinahalagahan Na kahit kailanma'y di mo man lang naramdaman Kung gaano ko ipinagsisigawan Ang pagmamahal na matagal ko ng ipinaglalaban Siguro nga'y ako'y isang hamak na kaibigan lamang Pero sana nakita mo rin ang halaga ng isang tulad ko sa buhay mo Hindi ko alam kung manhid ka bang talaga O sadyang nagbibingihan O nagbubulag bulagan O ang tanging paraan na lang ang iyong paglayo aking mahal Mahal maging masaya ka na Salamat at Paalam







