di ko na kayang hugasin ang dugo na nasa bibig ko pasensya na, masyado nang matagal na nakatira dito sa aking loob sa aking ngipin, aking dila hindi ba ang dugo ay nagbibigay ng buhay sa amin? kahit lasang kamatayan. kaya sana maiintidihan mo na ang pait na natiktikman mo sa aking halik ay patunay na buhay pa ako, malakas ang tibok ng puso ko, at sa kabila ng lahat, kaya kong ibigay sayo ang tamis ng pagmamahal.















