Kung kaya mong harapin si MONDAY, kaya mong harapin ang kahit sino man.

#dc#dc comics#batman#bruce wayne#batfam#dick grayson#batfamily#dc universe#tim drake#dc fanart




seen from United Kingdom
seen from Belarus
seen from Russia
seen from China
seen from Sweden

seen from Russia
seen from Mexico

seen from Australia
seen from Yemen

seen from Malaysia

seen from Canada
seen from Russia
seen from United States
seen from China
seen from Yemen

seen from United States

seen from United Kingdom

seen from United States
seen from United States
seen from Malaysia
Kung kaya mong harapin si MONDAY, kaya mong harapin ang kahit sino man.
Aanhin mo pa ang love handles mo kung wala na si love na dating kumakapit sayo?
Got my copies of Rod Marmol's books: "Lahat Tayo May Period at Iba Pang Punctuation Marks" "Walang Love Love Stories na Walang Love Kaya Stories Na Lang" #hearttalk #bookcollection #filipiniana #rodmarmol #pinoyauthor #simplejoy #bookstagram #bookselection #bibliophile #bookofthemonth #personallibrary #homelibrary #personalcollection #summitbooks #lahattayomayperiod #walanglove #readingismypassion #reading #passion
"Baka 'yong akala kong "pangarap", 'yong akala kong destinasyon ay direksyon lang pala. Lugar na kailangang daanan, pero hindi hihintuan." #lahattayomayperiod #rodmarmol @rodmarmol #goodreads
MALI TAYO. TAMA NA.
‘Di ko na kilala ang mga sugat na ‘to. Nandito na tayo sa parte ng giyera na hindi na alam ng sundalo kung nasa hilaga ba o nasa timog ang kampo. Saan gagapang palayo. Saan itatago ang natitirang pulso.
‘Di ko na marinig ang bawat katinig at patinig ng sigawan. Kanino nanggaling ang hinaing. Saan nagsimula ang pasaring. Paano tayo nakarating dito.
Alam mo, dahil sa’yo.
Gusto kong ipako ang sisi sa’yo. Ikaw ‘to e. Kasalanan mo. Sinabi ko naman sa’yo. Ganyan ka. Mali ka. ‘Di mo gets. Ikaw. Ikaw. Ikaw lang ang mali. Alam ko ang bawat kanto nitong pinasok nating pangako. ‘Di tulad mo. Kaya tama ako. Mali ka. Tama ako. Tama ako. Tama ako. Tama ako? Tama na.
Ito ‘yung parte ng giyera na ‘di na tayo pwedeng sumuko. Hindi pwedeng gumapang palayo sa katotohanang narating natin ‘to sa sarili nating mga paa. Dahil magkabuhol na ang mga sintas ng pagkatao natin at imposibleng ipangalan lang sa isa ang kasalanan. Nadapa tayo. Hindi lang ikaw. Hindi lang ako. Tayo. Nagkamali tayo. ‘Yun lang ang tamang hinaing para maitama natin ‘to
BAWAL TAYO
Bawal tayo, pero pwedeng umupo. Pwedeng umupo, pero bawal tumabi. Pwedeng tumabi, pero bawal sa gabi. Pwedeng magpagabi, basta’t ‘wag dadampi. Pwedeng dumampi, basta’t lampasan ang labi. Pwede sa labi, ‘wag lang sanggihin ang puso. Pwede sa puso, pero batid kong ika’y susuko. Pwedeng sumuko, pero ang pagsisisi ay ibaling sa mundo. Pwedeng sisihin ang mundo, dahil sila ang nagsabing bawal tayo.
[ ]
Lagi mong ginagamit na dahilan ang oras para ipagkait sa akin ang oras mo.
Timelimit