Room 026 (A Short Story)
Deleted wattpad post under the pseudonym: goldiiblox
Date of Final Revision: April 2, 2018
Languages used: English, Filipino
🦋 angela’s note: I am not a religious person now, but I wrote this during a time where I was very confused of my own spirituality and beliefs. Nonetheless, the message of the story is still the same.
SYNOPSIS:
"They were strangers. All unfamiliar to each other. Until they stopped at Room 026 to rest."
One-shot story of people who saw light, walked to it and revived themselves from dying in the dark.
Trigger Warning: Contains violent scenes and strong language.
--------- → I ← ---------
May ipinangako siya sa atin. Sinabi niyang tayo'y makakarating sa isang paraiso. Ito ay puno ng masaganang halaman, matabang lupain at dalisay na tubig na umaagos ng tahimik. Ito ay isang lugar kung saan sisikat ang araw na tila ba ngumingiti sa bawat sandaling nakikita niya ang ating mga matang gumigising.
Mag-isa ako sa kawalan. Naglalakad habang patuloy na nawawalan ng pag-asa sa tinatahak kong daan na tila ba walang hangganan.
Nasaan na ito? Bakit hindi ko mahanap? Pakiramdam ko ay linulunod lang ako sa mga pangakong hindi natutupad.
Isa akong tangang umaasa.
March 29, 2018
"O, bakit ka umiiyak? Hindi ba't gusto mo 'to? Wag mong sabihing ayaw mo na. Di'ba sanay ka naman sa ganito?"
Hindi kita kilala. Sino ka? Bakit ako nakikipagkita sa'yo? Ano ba talaga ang hinahanap ko?
Nagtanong siya habang naiirita sa biglang pagbuhos ng aking luha. Hindi ko maintindihan ang kanyang mga sinasabi, dahil tanging naririnig ko ang sarili kong mga hikbi.
Ayoko na.
"Ewan ko sayo! Palibhasa kasi ang kati mo, tapos pag dating ng panahon basta basta ka na lang iiyak ng walang dahilan?! Bahala ka nga diyan, nagsayang lang ako ng oras."
Isa kasi talaga akong putang inang babaeng walang hinanap na iba kundi ang piling ng lalaki.
Akala ko pagmamahal iyon. Akala ko sa bawat sandaling halikan niya ang parte ng aking katawan, at hawakan ito ay mahal niya ako.
Lalaki. Isang boses ng lalaking galit at iritado. Ang puso ko'y kumakabog ng walang hinto. Siya naman ay umalis na at namaalam sa marahas na pagsara ng pinto.
Akala ko totoo ang sinabi ng aking ama.
Too bad I got the shitty end of the stick.
Yinakap ko ang kumot at nanatiling mag-isa sa isang kwarto sa hotel.
Room 026
Nakahiga at nagmumukmok. Para akong isang laruan, diba? Yung tipong pinagsasawaan at itinuturing isang 'gamit'. Mga ilang oras din akong nanatili, dahil sinapak na ako ng napakalakas ng buhay.
Ilang oras na katahimikan. Ako at ang katahimikan. Nakakapanibago. Dahil kadalasan, maingay ang kwartong 'to. Kadalasan, kasayaw ko ang demonyo.
"Katahimikan, isa ka rin bang demonyo? Kung oo, pwede bang manatili ka na lamang na ganito? Nahihirapan na pala ako."
Ang dami kong kasalanan. Sa dami nun pakiramdam ko ang hirap na talagang hanapin ang kasiyahan.
Kung mapapangiti ako, siguradong makakaramdam pa rin ako ng pagsisisi.
Addictions are poisonous. They all are. So, in choosing when to be addicted be careful. Sometimes it's hard to heal and sometimes these poisons are too much for you to take.
Pagsisisi sa aking mga kasalanan.
Pagsisisi sa pagsira ng sarili kong buhay.
Sometimes, they can drive you crazy. Once you became a mindless soul, addictions have come to kill you.
It will be hard. You will barely escape.
Pagsisisi dahil binaboy ko ang pinakamagandang handog ng Diyos sa akin.
There is no paradise.
Isinara ko ang isang notebook kung saan ako nagsusulat. Inayos ko ang higaan at ang aking mga gamit.
Aalis na ako. Iiwan ko ang lahat ng alaalang mapait sa kwartong ito.
Muli akong sumilip sa bintana at pinagmasdan ang siyudad.
Ganun pa rin, maingay pa rin.
Parang isang hawlang nagkukulong ng sari saring masasamang tao. Kawawa naman ang mga anghel na nasusunog dito.
Luha. Umaagos ang luha sa aking mata. Sana, pag-alis ko dito...tumigil ka na.
Napatingin ako sa notebook sa mesa ng hotel room.
Marami din akong alaalang naisulat. Patawad, dahil hindi ko na kayang balikan ang mga ito.
Pinunasan ko ang mga luha at naglakad palabas. Patungo sa pinto.
Patungo sa pagbabago.
Mahirap, pero susubukan ko. Kahit hindi ko man mabura ang masasamang alaala, gagawa na lang ako ng mas maraming masasayang alaala. Malayo dito. Malayo sa mga halimaw na kinakain ako.
Kung may makakabasa man ng kwentong iyon, makikilala na lamang nila ako sa pangalang: Erika.
--------- → II ← ---------
Naramdaman ko ang pagngiti niya ng mapait. Tila ba naramdaman niya ang nararamdaman ko ngayon, pero sinasabi niyang:
"Shit!"
"Okay lang. Magiging okay din ang lahat. Huwag kang bibitaw."
Gagong buhay! Bibitaw na ako! Sukong suko na ako sa punyetang buhay na ito! Ang dami kong problema putang ina!!
Sa pagsigaw ko ay bahagyang napalingon ang babaeng kakalabas lang kwarto.
Naglakad ang babae palayo. Nakasuot siya ng jeans at T-shirt na yellow. Ang kanyang buhok ay nakalugay at bagsak na bagsak hanggang sa kanyang tagiliran.
Hindi ko nakita ang kanyang mukha. Wala na akong balak pa. Pumasok ako sa loob ng hotel room.
Para magpalipas. Para magpahinga. Para na rin siguro wag nang bumalik pa.
Gago. Gago ang buhay. Bubugbugin ka, hahampasin, tatadyakan. Minsan, babasagan ka pa ng bote ng Red Horse sa ulo.
Paulit ulit kang sasaktan kasi puta, alam niyang gago ka rin pala. Ang mga tanginang taong walang ibang ginawa kundi magpakasaya ng todo hanggang sa nakalimutan na nilang hindi ito tatagal.
Sa sobrang saya, kumakapit na kaming mga gago sa demonyong tinatawag naming santo.
Ibinagsak ko ang gitara sa kama. Napaka-komportable sa pakiramdam ang lamig ng aircon.
From: Eve❤
Stop. Let's end this here, Adam. Pagod na ako.
To: Eve❤
Can we talk this over? I'm sorry.
From: Eve❤
Knocking on your hotel room now.
Sa sobrang lamig naiiyak na ako. Hindi naman dapat nagpapaiyak ang lamig. Pakiramdam ko andito ang lamig, nasa tabi ko lang. Pero bakit sa tuwing yinayakap ako nito ay nararamdan kong mag-isa ako?
"Eve..E-eve I'm sorry...I-"
Nawalan ako ng sasabihin. Man up! Putang ina nagmumukha kang lampa sa harap niya!
"Adam, I never wanted this to happen. I, we know that that 'us' is ruined. Adam, sorry. Alam kong gusto mo pa itong ipagpabukas pero Adam nasasaktan ako! Naaalala ko ang lahat, at nahihirapan akong tanggapin na hindi mo sinasadya. Hindi ko kayang tiisin ang lahat ng ito! Adam, pakiusap, pakawalan mo na ako."
Yinakap ko siya at sabay kaming umiyak. Sa harap ng kwartong ito ay nangyari ang huli naming pagkikita.
Humupa na ang malalakas na alon ng aming pag-iibigan.
Nang dahil sa pera, nag away kami at ako ay lumayo upang mag-inom ng alak.
Akala ko magkakaayos pa kami. Akala ko, maibabalik ko pa rin ang lahat sa dati.
Nang dahil sa alak, nakahalik ako ng babaeng hindi ko kilala.
Mahigpit ang aming pagyayakapan. Mahal ko siya. Mahal niya ako.
Bakit kailangan niya akong iwan?
"Eve..Eve hindi mo ito kailangang gawin."
"Adam, ilang beses na nangyayari ito. Hindi ko na kaya. I'm sorry I have to let go. Patawad kung hindi natin napuntahan ang simbahan na gusto mong ikasal tayo. Adam, patawad kung nasaktan kita ngayon, para maramdaman mo rin ang mga nararamdaman ko tuwing nagkakaganito ang lahat."
Nang dahil sa isang halik, nasira kong muli ang aming relasyon. Ngayon, wala ng pag-asang mabalik ang lahat sa dati.
Hindi niya pala ako yinakap pabalik. Worse, she started to step away. She wants to walk away.
"Eve, stay with me. Please! Hindi ko kayang wala ka. Eve, pakiusap. Maaayos pa natin ito. M-marami pang paraan. Eve-"
Ang malambot niyang palad ay kanyang pinunas sa aking luha. Inabot ko rin ang mga palad ko para hawakan ang kanyang pisngi.
Natahan ako sa pagiyak, at narinig ko ang pagbuhos ng ulan sa labas.
"I love you."
Yun na lamang ang tangi kong nasabi.
Humakbang na siya palayo. Nadudurog ulit ang aking puso.
"I know. I'm sorry."
Namuo ang huling papatak na luha sa aming mga mata. Ang mga huling luha na nagsara sa kwento ng aming pag-iibigan.
Gusto ko siyang pigilan. Halikan at sabihing 'hindi ako ang nakita mo', pero wala na. Alam kong hindi niya na kaya. Hindi niya na kayang pag-awayin ang pagmamahal at lungkot para sa akin. Ako ang dahilan ng kanyang paghihirap. Pero napako lang ako sa kinatatayuan ko. Nakatitig sa paglaho ng babaeng unang minahal ko. Nakatitig sa babaeng nagpakawala sa akin.
Putang ina! Gago na ako! Ano na namang mangyayari sa akin?! Wala na. Putang ina wala na akong pag-asa!
Bakit ba lahat ng babaeng mahal ko'y iniiwan din lang naman ako?!
Sana hindi na ako nagmahal!
Sana hindi na lang ako nabubay!
Punyetang buhay ito, grabe sino pa?!
"SINO PA ANG MAWAWALA SA AKIN? ANG NANAY KO? ANO?! PUTANG INA KA! BINABALIW MO NA AKO!"
Dinuro ko ang langit na umiiyak ng malalakas na ulan.
Tahimik kong kinuha ang cellphone kong nagri-ring. Hinahanda ang aking sarili upang marinig ang mga salitang magpapaguho ng aking mundo.
Mama...kung nasaan ka man ngayon...magkikita na tayong muli.
"Ate? K-kumusta na si mama?"
Nauutal kong tanong. Hindi ko kaya. Alam kong walang kwentang tanong 'yun, pero hindi ko alam! Puta hindi ko alam! Sa sobrang panggagago sakin ng mundo, hindi ko na alam!
Hinintay ko ang sagot niya, habang hawak ang isang baril na nakatutok sa aking ulo.
"Adam! Si m-mama... Adam si mama gising na siya! Adam please pumunta ka dito. Hinahanap ka niya."
Nanlaki ang mga mata ako at napaluha. Tuluyan kong nabitawan ang baril. Hindi ko alam ang mga sunod na nangyari. Nahanap ko na lamang ang sarili kong nagmamadaling makalabas dito. Narinig ko ang malakas na kulog at kidlat sa labas.
Hindi ako makapagsalita. Parang nabunutan ako ng isang malaking tinik, kahit alam kong marami pa akong matatalim na bagay na nakatusok sa likod ko. Wala na akong pakialam. Halos mabaliw na ako sa saya. Sa pagbuhos ng aking luha ay nagbalik ang mga alaalang sinabi ko sa sarili kong 'ayoko na'. Hindi ko 'yun dapat isipin. Mas importante ang makita ang aking inang gising at mabuong muli ang aming pamilyang naghiwalay dahil lamang sa kalagayan niya.
Nabuhay ako. Nabuhay ang pag-asa ko.
Masakit man, pero sana masaya siya kung nasaan man siya ngayon. Mahihilom din ang mga sugat namin.
Nagtatakbo ako at nagsabing mag-checheck out na. Nakita ko namang nalaglag ang isang notebook.
Gusto ko man itong ipaalam kay Eve, pero wala ng 'kami'. Naputol na ang ugnayan namin sa isa't-isa at ipinagdarasal ko na maayos siya.
"Mabuti naman, maglilista ako ng mga bibilhin para kay mama."
Pero, wala ng blangkong pahina. Mukhang naiwan ata ito ng isang babaeng nagngangalang "Erika". Diary niya ata ito. Gusto ko mang basahin ay alam kong wala na akong oras. Masyadong malungkot ang kwartong ito.
At gusto ko ng pakawalan ang mga demonyong nandito.
Nakita ko rin ang isang lingerie sa may sahig. Siguro kay Erika din ang mga iyon. Siya ang babaeng gumamit ng kwartong ito bago ako manatili dito.
Room 026, paalam.
Sabik na akong makitang muli ang ngiti nila mama at ng aking buong pamilya.
--------- → III ← ---------
He cried. I saw him cry. I saw a man cry. I wish I can wipe his tears. I hate to see people cry.
"P-pakawalan mo ako...S-sarah...m-maawa..."
Umubo ng dugo ang nakahandusay na babaeng duguan sa likod ko. Nakatanaw ako sa bintana, hawak ang isang kutsilyong naliligo sa dugo ng tao. Sa tapat ko ang isang lalaking nakadungaw sa labas ng bintana at sinisisi ang langit sa kung anong bagay.
Humakbang ako sa kanya. Nanginginig ang mga kamay ko sa sobrang galit.
"S-sarah...p-patawad..."
Pabulong niyang sinabi, at nalagutan na siya ng hininga.
"HAYOP KA! WALA KANG KARAPATANG MABUHAY SA MUNDONG ITO! YOU DESERVE ALL OF THIS, YOU BITCH! YOU DESERVE THIS!"
Tumayo ako at kumuha ng panulat. Punong puno ng dugo ang madilim na kwarto. Masangsang ang amoy at kasama ko ang mga nabubulok na bangkay ng mga makasalanan.
Binuklat ko ang pahina ng isang kwaderno. Isang kwadernong ginagamit ko upang isulat ang pangalan ng mga taong pinapatay ko. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa. Hindi ko alam kung bakit gusto ko ba silang dalhin bilang alaala.
Pinaulanan ko pa ng saksak ang patay na katawan ng isang babae. Napuno ng sigaw ang isang madilim na kwarto. Wala sa sariling pumatay ako ng tao. Sawang sawa na akong makita ang mga taong nagkakasala, lalo na sa mga walang muwang na bata! Isa man siyang ina, hindi ko pa rin mapapatawad ang ginawa niya sa kanyang anak.
Nanginginig na mga kamay. Malakas na ulan, ang mga iyak na matagal tumahan. Ang panulat ay nabalot ng dugo, na siyang naging tinta upang maisulat ko na naman ang kamatayan ng isang taong kilala ko, hindi ko kilala at mga taong hindi ko namalayang pinapatay ko na pala.
"35.) Anna Salazar. 27. 04/01/2018"
Napatitig ako sa kutsilyo, sunod naman sa kawawang bangkay ni Anna. Kanina, kaklase ko lang siya sa Biology. Sabi niya, isang karangalan sa kanya ang makapag-aral ulit. Sabi niya, ang anak niya ay isang biyaya. Pero, iba ang sinasabi ng aking mga nakita.
Akala niya ba maloloko niya ako? Akala niya tama ang ginawa niya? Wala siyang kwentang ina!
"Karangalan? Ibenta ang sarili mong anak? Isa na ba 'yung karangalan?! Hindi ka kasi nagtrabaho para mabayaran ang tuition mo. Sayang...patay ka na eh."
Ngumiti ako at nanggigigil na ibinaon ang kutsilyo sa puso niya. Tumayo ako upang linisin ang aking mga-
Dugo.
Nanlaki ang mga mata ko at pakiramdam ko ay binuhusan ako ng isang timba ng malamig na tubig. Ang kwarto ko ay puno ng bangkay.
Isa...Dalawa....Tatlo..............Apat.....Lima......Anim.....
Mas lalo akong natakot. Takot na ako. Bakit ba ito nangyayari? Bakit ako pumapatay?!
Tatlumpu't-lima. Itinambak ko ng walang pagdadalawang isip ang mga bangkay na ito sa madilim na kwarto.
"AAAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!!"
Hindi ka namin iiwan.
Nawawala na ako sa sarili. Hindi ko na maramdaman ang tibok ng puso ko. Tiningnan ko ang mga kamay kong duguan.
Hindi ka namin iiwan.
"Tahan na Sarah. Shh....magiging okay din ang lahat. Makakakita ka na ng magandang sikat ng araw, at mararamdaman mo ang pagtibok ng mga puso. Huwag ka ng papatay ng tao, pakiusap."
--------- → IV ← ---------
Napagtanto ko na, naligo ako sa dugo ng ibang tao at wala ako sa katinuan. Ang sama, sama ko. Isa akong makasalanan. Tumatakbo ako palayo, tinatakasan ko ang mga humahabol sa akin.
March 23, 2018
March 28, 2018
"Tulip. Listen to me. Walang forever. Tatanda tayong lahat, at mabubulok sa paglipas ng panahon. Matanong ko lang, ah? Ka-ano ano mo ang tita mo? Diba pamilya? Sapat na ba 'yang alam mo para mabuhay ng mag-isa? Tulip, you're just 16 years old, like me, like every other 16 year old human being in the world. Huwag ka namang sumuko sa mga taong hindi dapat sinususukuan. Tulip, can't you see? They love you! Look at yourself, you have almost everything that people who aren't financially stable need and want. Binibigay nila ang lahat ng gusto mo. Please, wag mo silang kakalabanin. They're not demons. They're not the villains. They won't kill you. Are those enough to prove that you don't have to fight your parents? Please, huwag mong pahirapan ang mga magulang mo gaya ng ginawa ni Ate Sarah sa sarili niya."
Tumango ako at ngumiti pabalik. Ngiti niya pa lang, gumagaan na ang loob ko. I feel safe when I'm with him.
Si Ate Sarah, killer on the loose. Nasasaktan ako para sa kaniya, they don't deserve this. She doesn't deserve the title of being a 'serial killer'. Ate Sarah's in sorrow. Naghihirap siya, and she badly needs help. Nasaktan ako sa sinabi niya. But, no, this does not change my mind.
Lumayo ako.
"Come back home, Tulip. Hatid na kita."
Tumakbo.
Bakit ba lagi na lang ganito? Bakit lagi na lang akong lumalayo?
"Tulip makonsensya ka naman pakiusap!"
April 01, 2018
"Ahh, ma'am, ilang oras na lang po ba ako pwede hanggang check out?"
"Hindi muna po, ma'am. Paki-notify na lang po kung kailangan ko ng magcheck out."
"Ma'am, about three hours na lang po ang natitira. Magche-check out na po ba kayo?"
Kinakabahan ako. Hindi ko pa kaya. Ayokong malungkot din sila. Hindi rin naman ito tama.
Sapat nga ang dahilan na ibinigay ni JC. Hindi pa huli ang lahat. Gagawin ko ulit ang lahat.
Dapat hindi ko hinayaang humantong sa ganito. Tanga ako eh. Bigla biglang gagalaw ng hindi nag-iisip.
"Happy Easter Sunday.."
Tinawagan ko si JC.
"Balik ka na. Pasko ng pagkabuhay ngayon. A chance to change."
"I know."
"Smile ka na. Gusto mo next week mag-meet tayo ng squad?"
"Uhm..kasi.."
"Sabi na eh. Ay! Tulip, may inuutos sakin si Mama. Sige ah, mag-ayos ka na. Batukan kita diyan hahaha."
"Oh?"
"Thank you. For everything."
"Got it. Happy Easter, Tulip. Love you."
"JC, wait!"
Pakiramdam ko bumilis ang tibok ng puso ko. Panandalian lang pero, nagpapasalamat pa rin ako na may kaibigan akong kagaya ni JC. Sana hindi namin makalimutan ang isa't isa.
Nagcheck out ako palabas sa hotel. Sana, ma-meet ko rin si Erika. Gusto ko siyang makausap, dahil pakiramdam ko maraming malulungkot na bagay ang nangyari sa kwartong ito.
Sabi ko sa sarili ko habang yakap yakap ang journal ng isang babaeng nagngangalang Erika. Ipapangako ko sa sarili kong ibibigay ko ito sa kanya.
Room 026. Hinding hindi kita kakalimutan.
Natigil ako sa paglalakad at lumingon sa brasong hawak ang kaliwang balikat ko.
"Bakit po?"
"Ang diary na 'yan, wag mong itago ha? Sunugin mo na."
Ngumiti ako at tumango. To be honest, hindi ko gusto ang kwentong ito. But, I hope she's in a happy place. I strongly believe that she will grow into a better woman.
"Anong pangalan mo?"
"Ako si Rose. Kambal ako ni Erika. Nice to meet you."
"Tulip."
Nakipag kamay ako sa kanya. Tulip and Rose. Dalawang bulaklak na napagkakamalang parehas sa malayo. Tulips are shy, but they are pleasing and pretty to look at. Roses are brave and their petals are falling off with intimate grace. They have thorns, if not careful, picking an innocent rose makes us feel a little sin which these Tulips never give us.
Sana, maipakilala niya rin sa akin si Ate Erika.
Nagtitigan kaming saglit at ngumiti ng parang tanga ng ma-realize na nahahati ang mga atensyon ng mga dumadaang tao sa aming paligid. Hindi ko alam pero parang gusto ko siyang sundan. Parang yinayaya niya ako sa isang lugar na puno ng magagandang tanawin at dalisay na tubig na umaagos ng tahimik. Gusto ko siyang sundan...
"Ate Rose... I may be an idiot for asking this, but will we meet again?"
She nodded.
"Then, see you there."
For a moment, I think I saw her cry. She wiped her tears and walked away.
Kinakabahan akong nag-door bell sa bahay. Nagdadalawang isip na bumalik sa hotel room.
"Tulip makonsensya ka naman pakiusap!"
Oo nga Tulip. Andito ka na. No turning back!
"Jusko! Tulip? Ikaw nga!"
Huminga ako ng malalim.
Halos hindi na makahinga ng maayos si Ate nang makita niya ako. Nakasuot na siya ngayon ng pang madre at halos maiyak na. Tinupad niya na ang pangarap niya, at sana magtagumpay siya sa misyong ito.
Nagyakapan kami. Mahigpit na mahigpit.
Agad niyang hinawakan ang kamay ko at pumasok sa loob.
"Happy Easter, Sister Eve."
Maya-maya ay nakita ko sila Mom and Dad. Handang handa para sa isang business trip. Parang walang emosyon sa kanilang mga mukha pero sa sandaling mahagip nila ako sa paningin
"Mom! Dad! Andito na siya!"
"Anak? Anak!"
"Mom! I'm so sorry! I can't believe I left you. I'm so sorry, I won't do it again. Mom, Dad I'm really sorry."
Buo na ulit kami. Masaya. Hindi na kagaya ng dati.
"Ate, saan tayo pupunta?"
Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya.
"I'm a liar, aren't I?"
"Bakit naman? Ate, ano pong nangyari?"
Inabot niya sa akin ang isang wallet. Binuksan ko ito at nakita ang mga picture niya at iba't ibang ID sa kung ano anong mga school at iba pang mga lugar na di ko alam. Grabe, mukhang haggard ang kambal niya kumpara sa kanya. Kung tutuusin, pati rin naman si Ate Rose ay may mga eyebags sa mata niya pero hindi naman masyadong halata kasi ang siglang tingnan ng mukha niya. Nakakapanibago nga kasi bigla siyang lumungkot?
Nagulat ako ng makita ang isang pangalang nakasulat sa mga ito.
-- Wakas --
"Erika Valdemoro"















