A look back from the Past
Grade 5 tayo noon nung una tayong nagkakilala. Nakakatawa pa nga nung first day of meeting natin kasi inis na inis ako sa’yo dahil ang pangit mo haha sorry masyado akong hypocrite. Tapos ayun nung inarrange yung seating arrangement, tayo pa yung pinagtabi. Akalain mo nga naman diba? Ayaw na ayaw ko talaga sa’yo noon. Hindi ko alam kung bakit.. basta naiinis ako sa’yo noon.
Hanggang sa nag first year high school tayo naging classmates tayo. Parehas tayong nasa Star section. Pero nitong mga panahon na ‘to di na ako naiinis sa’yo. Naging magkaibigan tayo hanggang sa naging seatmates nanaman tayo. Napagsabihan kita non ng secret ko na about sa crush ko na classmate ng Ate mo. Nagalit ako sa’yo non kasi sinabi mo yon sa Ate mo at nalaman ng crush ko kaya iniwasan na ako. Sobrang douchebag lang. Kaya simula nung araw na yon nainis nanaman ako sa’yo. Pero sa end ng SY friends pa rin naman tayo..
Second Year high school. As usual classmates pa din tayo. Magkaiba tayo ng group non. Nasa group ako ng mga “bully” at ikaw naman nasa group ng mga “nerd”. One time naging magka group tayo.. at dahil don naging close tayo as in SUPER CLOSE. Hanggang sa everyday nagkaka text na tayo, nagsasabihan na tayo ng problema at secrets natin ganon. Naging mag Best friends na nga tayo nun eh. Tapos one day may napapansin na ako sa’yo. Sobrang sweet mo sa akin to the point na lagi mo ng binubuhat yung mga books ko, inaakbayan mo na ako na may “malisya” (ramdam kong may malisya haha) at everyday mo ako binibigyan ng kahit anong matamis tapos laging tatlong piraso. Hindi ko muna yon binigyan ng meaning kasi naniniwala ako sa iniisip kong ganyan ka lang talaga. Hanggang sa may nakarating sakin na chismis na gusto mo daw ako at liligawan mo na daw ako. Na shock ako non at hindi ko ineexpect. Na isang tulad mo na magkakagusto sakin. Ang taba taba ko, ang liit ko, hindi naman ako katalinuhan at kagandahan pero na fall ka pa din sakin. Medyo nailang ako non sa’yo. Naguguluhan kasi ako sa nararamdaman ko noon. Ayoko sumabak na hindi ako sigurado. Nagkausap tayo.. tumagal yung panliligaw mo. Hindi pa rin ako sigurado sa feelings ko. Kaya nag decide ako na patigilin ka. Sinabi ko sa’yo na.. “Binibigyan ko ng importance yung Friendship na binuild natin. Mas mabuti siguro kung maging magkaibigan na lang tayo dahil alam kong dito tayo mas tatagal..” Umiyak ka. First time kong ma experience yon, na iyakan ng lalaki. Tapos sinabi mo.. “Hindi ako susuko. Itutuloy ko panliligaw ko..” Hinayaan kita.
Tumagal ng isang taon yung panliligaw mo sakin. Third Year na tayo. Hanggang sa dumating yung 16th birthday ko. Sabi mo sakin nung una hindi ka pupunta kasi kagagaling mo lang ng hospital dahil nagka Hepa B ka. Nadisappoint ako non kasi ineexpect ko na nandon ka. Hanggang sa biglang may kumatok at sinurprise mo ako. Yinakap mo ako at ginreet. Inabot mo sakin yung gift mo at agad ko din naman yun binuksan. Natuwa ako at na touch sobra.. isang stuff toy na multicolored tapos sa gitna may heart na red paper na may nakasulat na.. “PWEDE BANG AKIN NA LANG YAN PUSO MO?” Napangiti ako. Hindi ko alam yung mararamdaman ko. Napaisip ako non. Ilang beses ko tinanong yung sarili ko na, “Handa na ba ako?” sa buong birthday celebration ko yan yung iniisip ko. Tapos lumabas tayo non ng bahay at naglaro ng basketball kasi sa tapat lang naman ng bahay namin yung basketball court. Tapos binulungan kita sabi ko sa’yo.. “Kapag na shoot mo yan sa 3 points, TAYO NA.” Umupo ako non habang kausap iba natin classmates tapos nagulat ako kasi na shoot mo yung bola don sa may 3 points after ilang try. Kinakabahan ako non kasi iniisip ko, “SHET ETO NA. ETO NA YUNG HINIHINTAY KO AT PINAGDADASAL KO.” Nagkatinginan tayo non at parehas ngumiti. Hanggang sa napagod at bumalik tayo sa bahay.. sakto nandon buong angkan ko. Pinakilala kita. Nagpaalam ka na din non na uuwi ka na. Habang naglalakad tayo non papunta sa sakayan, hinawakan mo yung kamay ko. NAKARAMDAM AKO NG KILIG AT YUNG MGA PARUPARO SA TIYAN KO NAGWAWALA. Doon pa lang na confirm ko na.. MAHAL NA TALAGA KITA. Kiniss mo ako non sa cheeks at umuwi na.. After ilang days hindi tayo nagkausap, hindi ko na maalala kung bakit. Basta ang naaalala ko lang. Bigla na lang nawala lahat. Hanggang sa may nabasa akong status mo sa facebook. Nag status ka ng name ng isang babae at sinabi mong gusto mo siya. SOBRA AKONG NASAKTAN NON. Nag pm pa nga ako sayo at sobrang sarcastic ng sinabi ko.. “OY PARE KAMUSTA BAGONG GIRLFRIEND?” Nireply mo naman.. “Okay naman. :)” Gustong gusto kitang sapukin ng mga oras na ‘to. Tangina ganyan ba kadali? Simula non hindi na muna kita kinausap. Nag open ako sa bestfriend ko non sa nangyari.. siya yung naging shoulder to lean on ko ng mga oras na yon. Naging sobrang close namin lalo to the point na napagkakamalan na kaming mag on. Naging magulo tong unang relasyon natin. Hindi tayo nagkaintindihan.
Dumating yung pasukan ng Third Year HS. Hindi tayo masyado nagpapansinan non tapos nagulat na lang ako isang araw nagseselos ako sa classmate natin na si Bianca. Crush na crush mo sya non kasi nakakalaro mo sya non sa Ragna ata yon. Di ko na maalala. Basta yon. Tapos balak mo na syang ligawan non. Napeste ko hanggang sa nagselos ako at kinausap kita. Nagkausap tayo non sa phone. Sinabi ko sa’yo yung nararamdaman ko. Natuwa ka at tinanong mo ko ulit.. “SO TAYO NA BA?” Sinagot kita ng matamis kong, “OO”. Sobrang saya mo non at sumigaw ka talaga ng “YES” non at rinig na rinig kong pumapadyak ka pa at tumatalon ata. Hahaha parehas tayong masaya non. Everyday sweet tayo. Nag aadjust tayo parehas ganon. Dumating yung 1st month natin. Nag drawing ako non ng dalawang tao na magka holding hands. Tapos may letter sa likod. Wala kasi akong maisip na ibigay sayo non. Tapos ikaw binigyan mo ako ng piggy bear na may flower pang galing blue magic tapos nakalagay don sa flower na mukhang unan, “I Love You.” Kinilig naman kipay ko haha tapos di lang yan.. may letter ka pa na nakasulat sa 6 yards ng ribbon at naka roll yon. SOBRANG SWEET NG LETTER NA YON. Parang sa araw na yon gusto na kita pakasalan.
After 2 weeks ng first monthsary natin.. Bigla na lang pumasok sa isip ko na naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung nabigla lang ba ako sa nangyari o ano. Sobrang gulo ng isip ko non. Hindi ko na maintindihan. At nakipagbreak ako sa’yo. Alam kong sobra kitang nasaktan non at alam kong wrong timing yung pakikipagbreak ko sa’yo kasi malapit na non yung competition sa Reader’s Theater sa school at ikaw yung main character. Sobra akong nakokonsensya non. Gustong gusto kong bawiin yung katangahan na ginawa ko. Hindi nanaman tayo nagpansinan non. Sobrang nakakalungkot. Gulong gulo nanaman yung isip ko. Nabalitaan ko na may nililigawan ka daw sa lower batch pero di ako naninwala don dahil naniniwala pa din ako na mahal mo pa rin ako.
Tapos after 2 months prom na natin non. Isinayaw mo ako non. Tapos nagpasalamat ka sakin ganon tapos bigla mo na lang sinabi na.. “Nakuha ko na number niya.” Para akong sinaksak ng ilang beses ng mga oras na yon. Umiyak ako dahil halo halo yung nararamdaman ko. Sakit, pagsisisi, selos at inggit. Doon na pumasok lahat ng insecurities sa katawan ko. Mas maputi sya sakin, mas matalino at mas maganda. Doon lang ako sinampal ng realidad na ang tanga tanga ko para pakawalan ka ng basta ganon na lang. Inis na inis ako sa sarili ko. Araw araw ako nagseselos, araw araw ako nasasaktan, araw araw ako nagsisisi. Wala na din akong magawa. Tinry ko noon mag move on. Natapos yung SY ng Third Year na hindi tayo okay.
Summer na noon pa Fourth year na tayo. Bigla tayong nagkatext ulit. Araw araw nanaman tayo nagkakatext. Bumabalik nanaman tayo sa normal bilang magkaibigan. Pero hindi lang yon naging sobrang sweet mo nanaman sakin at para bang bumalik ulit lahat. Yung feelings ko hindi bumalik kasi nandon pa rin naman talaga. Sinabi mo rin na mahal mo pa din ako. April 22, 2012 nagkasundo tayo na mag MU muna tayo. Kasi gusto natin na pag sigurado na tayo tsaka natin ibalik yung “TAYO”. Hindi rin nagtagal bigla nanaman nawala. Hindi ko nanaman maintindihan kung ano nangyayari sa atin. Kaya madalas ko na lang tanungin ang sarili ko na, “HINDI BA TALAGA KAMI PARA SA ISA’T ISA?”
Pasukan ng Fourth Year. Okay naman tayo. Pero di tayo masyado nag uusap unlike before. Ramdam na ramdam kong may great wall of china sa pagitan natin dalawa. Gustong gusto kita kausapin at tanungin para linawin ang lahat. Pero parang iniiwasan mo naman ako. Ano ba talaga, Mark? Napapagod na ako.
Acquaintance Party ng fourth year. Nagpeperform kayo sa stage non, di ko na maalala yung tinutugtog nyo kasi naggigitara ka non. Nakatingin ka sa akin non. Pero may kakaiba akong nakita sa mata mo. Hindi Love, kundi “Sakit”. At doon ko lang narealize kung bakit. Magkatabi pala kami ng taong pinagseselosan mo. Ano bang magagawa ko kung yung bestfriend ko na pinagseselosan mo ang laging nandiyan sa likod ko para i comfort ako dahil sa nangyayari sa atin dalawa. Hindi lang naman ikaw yung nasasaktan eh. Ako din! Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko nung mga oras na yan kasi sobra akong naging sweet sa bestfriend ko. Yinayakap ko sya lagi at lagi kami magkadikit kasi gusto kong pagselosin kita. Mission Accomplished naman ako diyan at lalo ko lang pinalala yung sitwasyon. Gulong gulo na ako sa nangyayari pero nagpapaka strong lang ako.
After ng Acquaintance dun lang ako nagkaron ng lakas ng loob para makausap ka. Halos ipagkalandakan ko na nga sa buong school kung gaano kita kamahal eh. At kung gaano ko din kagusto na magkabalikan tayo. Araw araw kinukulit kita. Para na ngang ako yung nanligaw sa’yo mapasakin ka lang ulit. Ang tagal tagal kong sinuyo ka. Hanggang sa isang gabi after ng practice natin sa Speech Choir, hinintay kita noon na lumabas para magkasabay tayo palabas ng room. Tagumpay naman at sinabayan mo ako noon at hindi ka umiwas. Nagtaka lang ako kung bakit sa ibang way tayo dumaan papunta sa classroom. Tapos naramdaman ko na lang yung kamay mo na hinahawakan yung kamay ko. Nag holding hands tayo non. Sobra akong nagulat halos di ako makapaniwala sa nangyari. Lutang ako sa sobrang saya at sinisigaw ko sa isip ko na, “THIS IS IT!” Sabay din tayo nun umuwi at naglakad tayo palabas nung Subdivision. Nag usap tayo. Pinagusapan natin yung “TAYO”. Naaalala ko pa nga non na tinanong kita ulit kung, “TAYO NA BA ULIT”. Sumagot ka ng Oo. Akala ko talaga nananaginip lang ako gustong gusto ko non magpasampal. Holding hands while walking din pala tayo non kaya sobrang saya ko non. Hindi mawala yung ngiti sa mga labi ko nung mga oras na yon. Hinatid mo ako hanggang sakayan at nagtext ka din sakin kaagad na, “Hon, ingat pauwi. I love you!” Syempre kinilig nanaman kipay ko haha sobrang saya ko lang na tayo na nung mga oras na yon. Doon ko lang naramdaman na worth it lahat ng dasal, paghihintay, sakripisyo at pagmamahal ko sa’yo. Pakiramdam ko everything is in the right time, legal nako mag boyfriend ,handa na ako at higit sa lahat sure na akong mahal na talaga kita. Araw araw mo akong pinapatawa noon. Everyday may bago, everyday may surprise, everyday nafafall ako sa’yo lalo at everyday mas lalo kitang minamahal. Nakilala na natin ng lubusan yung isa’t isa dahil na rin siguro naging mag bestfriend tayo kaya naging madali na rin sa atin ‘to.
After natin mag 1 month nagconfess ka sakin. Doon mo sinabi sakin na hindi ka straight. Na Bisexual ka. Wala naman akong naramdaman na iba don, pure Love lang. Tinanggap kita ng buong buo. SInabi mo sakin na tulungan kita magbago. Ginawa ko yung part ko. At nakikita ko rin naman yung progress. Araw araw mo sakin pinapakita kung gaano mo ako kamahal. Proud pa nga ako na kahit di ka straight ibang iba yung pagmamahal mo sakin, walang katulad. Napapagplanuhan na natin yung mga anak at kasal na yan. Nakakakilig lang. Everyday may dose ako ng Kilig para mabuo araw ko. Alam na alam mo kung saan kiliti ko para mapatawa ako especially pag badtrip ako. Natitiis mo kabaliwan ko dahil sobrang moody ko. Pero lagi ka pa rin nandiyan para pasayahin at patawanin ako. Sinasabi ng lahat na ang swerte swerte ko sa’yo. :)
Fast Forward. Graduation Day. Hinding hindi ko ‘to malilimutan. Nagkasakit ako sa mismong araw na ‘to. Inatake ako ng UTI at hindi ako makalakad. Tinetext mo na ako non kung nasan ako kasi magsisimula na mag marcha. Pero sa kasamaang palad hindi ako naka marcha dahil na late ako ng dating dahil sa pesteng UTI ko. Hindi mo tuloy nagawa yung plano mo. Pero after nung Grad Ceremony yung huling march kung saan mag eexit tayo. Sinabayan mo ako non sa paglalakad hanggang dulo tapos kinuha mo yung kamay ko at may nilagay ka sa palad ko na color lavender na box. Nagulat ako. Akala ko non bracelet yon or what. Tapos nung binuksan ko don lang nag sink in na “couple ring” pala natin yon. Matagal ko na yun hinihiling sa’yo pero lagi mo sinasabi sakin na sa Anniversary na lang natin. Sobrang saya ko non. Tapos tinanong kita kung pano mo nalaman yung size nung index finger ko.. sabi mo sinukat mo yon sa pinky finger mo. Sabi kasi nila dati pag daw yung size ng pinky finger ng boyfriend mo kasya sa index finger mo it means soulmate daw kayo. Naniniwala ako don. Kaya sobrang saya ko nung araw na yan. Ikaw pa nga nagsuot sakin nung ring. Tapos bigla kong sinabi, “I do.” haha kwela din talaga tayo eh.
Eto na yung part na kinakabahan na ako. Na napaparanoid na ako. Mag college na kami. Magkahiwalay kami ng school at walang kasiguruhan kung ilang araw kami makakapagkita sa loob ng 1 month. Bago pa magpasukan halos everyday nagkikita na kami para enjoyin na yung natitirang time samin dahil sa pasukan magiging busy na kami parehas.
Dumating yung araw ng 17th birthday ko. Sobra akong nabadtrip, kasi hindi kami nakauwi ng maaga non galing bakasyon. Hindi kasi natuloy yung plan namin dalawa na mag celebrate ng birthday ko. Inis na inis ako non. Tapos ang hindi ko alam may pinaplano ka na rin palang iba. Tumawag ka non sa bahay at sinakto mo na wala ako para makausap mo yung kasambahay para kakuntsabahin. Sinabi mo na pupunta ka bukas ng umaga para isurprise ako. Pero nagkamali ng intindi yung si Ate Tinay kaya sinabi nya sakin nung gabi ng birthday ko na umuwi kami na, “Tumawag boyfriend mo pupunta daw sya dito.” Nagtaka naman ako non kasi gabing gabi na pupunta ka pa. Kaya kinukulit kita non kung pupunta ka ba. Muntikan na masira plan mo non dahil kay Ate Tinay buti na lang talaga hahaha
Kinabukasan ng birthday ko. Nagising ako non kasi parang may gumagalaw sa loob ng kwarto ko. Tapos nung pagdilat ko kasi nakadapa ako na position.. nakita ko na may mga rose petals na nakakalat sa baba ng kama ko. Sinundan ko yung rose petals kung san papunta.. Papunta sa Dining area namin. Tapos magtatago ka dapat non kaso nakita na kita hahaha tapos sobra akong na touch. Naiiyak ako sobra. Tapos pagtingin ko sa dining table pinaghanda mo ko ng breakfast. Yung toasted bread naka shape ng, ” I ♥ U” Tapos may roses sa gilid ng plate at may letter. Tapos pinagluto mo pa ako ng Carbonara :”> Sobrang saya ko talaga non. Sobrang nakumpleto yung araw ko non. Syempre as a reward binigyan kita ng mahigpit na hug at kiss. Napasaya mo nanaman ako. Sobrang memorable ng 17th birthday ko. Tapos inabot mo sakin yung paper bag, laman non yung favorite necklace mo at yung vneck mo na favorite kong isuot mo tapos tadtad ng perfume mo. Request ko kasi yon. Para pag nasa dorm na ako di ako masyado malulungkot kasi isusuot ko sa unan ko yung damit mo tapos ihug ko lagi tapos may scent mo pa. Edi parang katabi na rin kita diba? Hayyy ang sarap mo talaga mahalin. :>
Nag celebrate tayo ng 9th month natin sa Tagaytay kasama Family natin tsaka yung tatlong makukulit natin na barkada. Masayang masaya din ako non sobra. Kasi dream come true. Okay sa family mo, okay sa family ko. Sabi nga nila.. “Kasal na lang ang kulang”
Start na ng college life. Eto na yun eh. Kailangan namin magpakatatag. Sunday morning non sinurprise kita, pinuntahan kita sa inyo tapos may dala akong statement shirt at letter. Goodluck gift ko sayo para sa first day ng college. Tapos after non hindi ko alam na pupunta pala kayo sa Alabang tapos nagulat na lang din ako na bigla akong inaya ng Mama mo na sumama na lang sa inyo. Sumama na rin ako kasi after sa Alabang ihahatid ka naman sa Dorm mo. Nung nandun na tayo sa Dorm mo, medyo nakakatuwa lang kasi first time ko makakita ng barracks. Yung Dorm niyo kasi as in parang pang military eh. Sabagay seaman course mo kaya di malabo na magkatulad hehe tapos ayun ipinakilala mo ako sa mga kaibigan mo. Tapos pauwi na kami non, binigyan kita ng power hug na super higpit at syempre kiniss mo ko.
Before tayo mag 11 months. Nararamdaman ko na yung kinatatakutan ko. May tiwala ako sa’yo pero iba talaga yung woman instincts no? Nararamdaman ko na non na parang may iba. Parang may mali. Hanggang sa nagpaka Detective ako. Ginawa ko lahat ng paraan para lang malaman ko na may iba. Pero sa pagkakataon na ‘to mahina pang amoy ko kung sino. Nagkakalabuan na tayo non pero ginagawa ko lahat maisave lang. Naging okay naman tayo ulit eh. Hanggang sa nag 1 year tayo.
Naaalala mo pa ba na nung 1 year natin yun yung mga panahon na bumabagyo at talaga bumabaha na? Nakakatuwa lang no? Kasi lahat ginawa natin matuloy lang yung date natin sa araw na yon. Literal na nilusong natin yung baha makapag date lang tayo. Inabot mo din sakin yung anniv gift mo. T shirt na red na customized na may nakasulat na name natin dalawa. Couple shirt haha cute lang. Nakakatawa pa nga non eh. Kasi sobrang pambahay suot natin non tapos kumain tayo sa mamahaling resto. Kaya yung mga tao medyo tinitingnan tayo haha tapos nakita nila ang dami natin inorder. Tapos ayun nanuod din tayo ng Sine. Step Up 2 pa pinanuod natin. Alam kong di mo to gusto pero sinamahan mo pa rin ako manuod non kasi gustong gusto ko. Hehe Tapos ayun habang naglalakad tayo pauwi bigla mo sakin sinabi na, “May isa pa akong gift sa’yo. Nandon sa kwarto mo pinatong ko sa kama mo..” tapos kinukulit kita kung ano yon pero ayaw mo sabihin. Kaya nagmamadali ako umuwi non kasi excited ako makita kung ano yon. Hanggang sa makauwi tayo dali dali ako umakyta sa kwarto at binuksan agad yung gift. Naiyak ako non kasi binigyan mo ako ng necklace. Sobrang gustong gusto ko yung necklace. Hindi ko yon ineexpect kasi ikaw yung tipo ng tao na kuripot. Yung hindi bibili ng ganon kamahal para lang sa isang bagay. Syempre sinuot mo sakin yon tapos kiniss mo ko hanggang sa lumalim na yung kiss. (Hayyy those memories)
Fast forward. After 2 weeks ng Anniversary natin. Medyo nakakahalata na ako. Bumabalik nanaman yung woman instincts ko. Pero hinahayaan ko na lang muna ayoko muna mag conclude. Wala non pasok nagpaalam ka sakin non na aalis ka at babalik kang dorm kasi magpapractice kayo ng sayaw para sa aerobics sa PE exam niyo. 8am nung nagpaalam ka. Buong araw mo ako hindi tinetext kaya nag aalala na ako. Medyo nagtataka na din kasi ako non sa mga sinasabi mo. Tinext mo ako ng 9pm. Sinabi mo na nasa bahay ka na. Sobrang tipid ng mga text mo non sakin. Akala ko may mali. Tinry ko na makipag dirty talk sayo baka maagaw ko attention mo. Pero wala pa din. Inisip ko na lang na pagod ka. Sinabi ko sayo na mag Skype tayo pero sabi mo bukas na lang kasi pagod ka at inaantok ka na tsaka magkikita naman tayo kinabukasan. Nag goodnight ka na sakin. Malamig yung goodnight mo. Ramdam kong may mali.
Kinabukasan. Nagkita kita na yung barkada. Nasa inyo na kami. Masayang masaya tayo kasi don lang tayo ulit nagkita kita. Tapos out of nowhere bigla mo na lang sinabi na, “Kilala niyo ba yung number na ‘to? 09XXXXXXXXX?” Tapos tinype namin sa contacts wala naman. Tapos sabi mo, “May nantitrip kasi sakin eh.” Kaya sinabi ko na, “Akin na, ako magrereply.” Binigay mo naman phone mo ng walang anu ano. Maya maya pa may nagreply. Mahabang mahaba yung reply. Habang binabasa ko yon natutulala ako. Naiiyak ako. Nagagalit ako. Nagreply yung kabit niya. Nagpapasalamat sa kanya dahil cinelebrate nila yung 1st monthsary nila kahapon. Kahapon yung ipinaalam niya sakin na may “practice” daw sila para sa PE exam. Tinawag ko noon yung girl bestfriend ko sa barkada. Nilapitan niya ako agad at pinabasa ko sa kanya yung text. Unang sinabi niya sakin, “Kailangan niyo mag usap. Wag niyo na patagalin yan.” Tinabihan ko sya non tapos sabi ko sakanya na mag usap kami. Pumunta kami sa ibang pwesto kung san kaming dalawa lang. Nung umupo kami sabi niya sakin, “Oh ano paguusapan natin?” tinanong ko sya, “Mahal mo ba talaga ako?” tapos tumango lang sya. Tapos sabi ko habang nanginginig yung boses ko.. “Eh ano ‘to?” sabay abot nung phone nya para basahin yung text ng kabit niya. Ramdam ko yung bigat ng paghinga niya. Ako naman tulala. Hanggang sa sinabi niya na, “Matagal ko na rin pinagiisipan na sabihin sa’yo ‘to.” Pinipilit ko na wag umiyak para ipakita na malakas ako. Pero di ko kinaya. Umiyak na ako. Isang word lang sinagot ko sakanya, “Bakit?” Puro Bakit lang yung sinasabi ko sakanya nong mga oras na yon. Ang sakit sakit. Sobra. Hindi pa nagsisink in sa isip ko yung nangyayari. Tinanong ko kung sino.. sinabi niya na yung “Sir” niya. DIba nga Bisexual siya? Punong puno ng galit yung puso ko nung mga oras na yon pero kahit na ganon yung nararamdaman ko. Eto pa rin yung sinabi ko, “Bakit hindi mo agad sinabi sakin? Papayagan naman kita eh. Papayagan naman kita kung maging kayo habang tayo pa.” Sinabi ko yan ng daretso sa abot ng makakaya ko. Nagpapaka martyr na ako. Hindi ko siya kayang pakawalan. Ang dami dami niya sinasabi sakin, sabi niya na. Naguguluhan pa din daw sya hanggang ngayon. Hindi daw ako yung nawalan kundi siya. Parehas niya daw kaming hihiwalayan gusto daw niya makapag isip. Tapos nilalaro ko non yung couple ring namin, hinuhubad ko tapos sinusuot ko. Tapos bigla niya sinabi, “Huwag mo itatapon yan. Gusto ko pag balik ko nandiyan pa din yan.” Sabi niya sakin na babalik daw siya kapag okay na siya kung kailan sigurado na siya sa feelings niya. “Mahal na mahal niya daw ako.” Oo lang ako ng Oo pero di ko talaga alam kung ano nararamdaman ko nung mga oras na yon. Nagbreak din kami ng araw na yon. Pero nangako siya na babalik siya someday kung kailan ready na siya at sigurado na siya.
Lahat naman siguro tayo dumaan sa proseso ng break up kung saan para na tayong patay na nabubuhay. Nabubuhay ng walang saysay. O drama ko lang talaga ‘to? Haha pero eto yung nakakatawang part diyan, after 3 days ng break up namin tinext ako nung kabit tapos inaway away pa ako. Lakas ng loob. Ayoko na sana patulan pero sinagad niya ko sa mga sinasabi niya.
Ilang months din ang nakalipas at bitter pa din ako. Anong magagawa ko eh Mahal na mahal ko. Pinilit ko yung sarili ko na maka move on. Hanggang sa dumating yung day nung birthday niya. Hindi ko sya natiis. Ginawan ko sya ng video. Nag effort ako. Nasa Taft ako tapos pumupunta pa ako sa South para lang puntahan yung mga taong importante sa kanya para videohan at hingan ng birthday message para sa kanya. EVEN YUNG KABIT NIYA VINIDEOHAN KO. Nagkaharap kami at nagbigay sya ng message nya. Kasi iniisip ko na, mapapasaya ko sya kapag nakita niya yung pinakamamahal niyang kabit don sa video na gagawin ko. Napaka martyr ko ba? Oo. Natuwa sya don sa video na ginawa ko kasi nandon yung papa niya which is hindi sya makapaniwala na pumayag sa pakulo ko ganon. Masaya siya. Tapos tinugtugan ko pa sya ng violin sa gitna nung mall na yon. Kahit na alam kong nakakahiya ginawa ko pa rin. 1 week ako nag aral ng violin non matugtog ko lang yung I won’t give up ni Jason Mraz. Iniisip ko na sa ganoon paraan baka bumalik na sya sa akin. Pero hindi pa rin pala. Dahil dun sa last hug bago kami umuwi, naramdaman kong wala na yung love nya sakin. Sobra akong nasaktan non.
Fast forward. January 2013, nag message ako sayo ng mahaba at sinabi ko sayo kung gaano kita kamiss at kung gaano kita kamahal. BUT, wala ka man lang nireply kahit “ok” man lang. ANG SAKIT SAKIT NON. Asa pa kasi ako ng asa eh.
PERO, Isang araw nagtaka ako. Padilat ko pa lang kasi nagbasa na agad ako kung may text ba sa phone ko. Nakita ko name mo don tapos binasa ko agad text mo. Nagulat ako kasi ba naman sobrang haba ng text mo. Sabi mo nanaginip ka. Napanaginipan mo daw na may trabaho ka na maayos na buhay mo ganon. Tapos inaya ka daw ng mga barkada mo na mag inom pero tumanggi ka at sinabi mo na, “Hinihintay na ako ng misis ko at ng anak ko.” Tapos umalis ka na daw at nag drive pauwi. Pagkauwi mo daw sa bahay mo, malaki daw yung bahay tapos nung pumunta ka sa living room, nakita mo ako don nakaupo habang nilalaro yung anak natin na babae. Tapos inabot ko daw sayo yung anak natin at kinarga mo yung baby. Ramdam na ramdam mo daw don yung saya ng pagiging isang ama. Pero di mo daw nakikita yung mukha nung baby. Pero maputi at babae.
Simula niyang panaginip mo lagi mo na ako tinetext. Naging okay ulit tayo. Hanggang sa kung anu ano na ulit sinasabi mo sakin. Nagkita nga tayo non eh before mag valentines. Nanuod pa nga tayo nun ng sine sa SM Calamba. Imagine galing pa ako ng Taft tapos dinayo pa kita sa school mo para sunduin ka at manuod ng sine sa SM Calamba pero kasama naman natin yung isa natin friend pero okay lang kasi hinahayaan niya lang tayo mag usap. Tapos ayun nag usap nga tayo. Sinabi mo sakin na babalik ka din sakin sa tamang oras. Ineenjoy mo pa ngayon yung buhay mo, yung buhay binata ba ganon. Tapos sabi mo pag may Bahay, Lupa at kotse ka na papakasalan mo na ako. Edi syempre kilig nanaman kipay ko don haha pero alam mo kung ano nararamdaman ko sa mga oras na yan? Hindi ko alam. Oo siguro kasi masaya ako na babalikan mo na ako. Dream come true nanaman. Pero may part sakin na nagdadoubt ako kung seryoso ka ba. Natatakot kasi ako na masaktan mo nanaman ako. Pero sa huli yung puso ko pa rin yung nagtagumpay. Kayo pa rin pala nung kabit mo nung mga panahon na to. Nagkabalikan nga kasi kayo diba? Pero nauntog ka at nagising kaya bumalik ka ulit sakin. MU MU na tayo nitong mga panahon na ‘to eh. Humahanap ka lang ng tiyempo para makipag break sa kabit mo. Nag break kayo at halos magtatalon ako sa tuwa. Kasi may part sakin na para bang gustong gusto kong maramdaman nung kabit yung sakit na dinanas ko noon sa pang aagaw niya. Pero di lang yan, inayaw nanaman ako nung kabit. Tibay no? Eh ano magagawa ko kung uuwi at uuwi sakin diba?
Tumagal yung set up natin na ganito tayo. Na MU MU. Para bang tayo na ulit pero magulo. Pero sa pagkakataon na ‘to. Masyado na akong nagbulagbulagan at nagpapaka martyr. Harap harapan nakikipaglandian ka sa ibang lalaki sa Tagged at sa PR. Hindi ko magawang magalit kasi unang una wala naman akong karapatan dahil hindi naman tayo. Ikinikimkim ko lang yung galit ko sa’yo dahil alam kong diyan ka masaya kasi mahal kita kaya kita pinapayagan sa mga ginagawa mo kahit na nasasaktan mo na ako ng sobra. 3rd week ng May 2013, nararamdaman kong may nag iba. Hindi ka nanaman tulad ng dati. Nag iba ka nanaman. 1 week mo akong hindi tinetext non. Nag aalala na ako at syempre di ko naman maiiwasan na di maparanoid. Woman instincts kumbaga. Gabi ng May 24, 2013 nagtext ka sakin. Sinabi mo na yung tunay na nararamdaman mo. Nagsosorry nga kasi sabi mo hindi mo na ako kayang mahalin bilang girlfriend, na hindi mo na ako kayang halikan, na hindi mo na akong kayang yakapin, na hindi mo na kayang hawakan ako. Pakiramdam ko ng mga oras nay an pinandidirihan mo na ako kasi babae ako. Na hindi na ako yung gusto mo. Kasi iba na gusto mo, lalaki. Ang sakit sakit. Eto nanaman eh. Bumabalik nanaman tayo sa problema natin noon. Lagi na lang ba ganito? Pagod na pagod na din ako eh. Pero di kita kayang bitiwan kasi mahal na mahal kita. Nag uusap din tayo sa phone non dahil dito. Sinasabi mo sakin na pasasalamatan din kita someday kasi ni let go mo ako. Na hindi kita deserve kasi gago ka, na wala kang ibang gawin kundi paasahin at saktan ako. Pero hindi ako naniniwala don. Sinabi ko pa din sayo na if ever magbago isip mo nandito pa rin ako bukas ang pintuan ko sa’yo. Sinabi mo non na hindi mo alam, na naguguluhan ka. Sinabi mo rin na kalimutan ko na lahat ng pinangako mo sakin noon na may babalik pang Mark pa sa buhay ko. Kalimutan ko na din daw yung Bahay, Lupa at Kotse na sinabi nya sa akin noon. At sinabi mo rin sa akin na, “TULAD NGA NG SABI MO SA AKIN NUNG 2ND YEAR, MAS MABUTI KUNG MAGIGING MAGKAIBIGAN NA LANG TAYO DAHIL SA GANOON NA PARAAN MAS DOON TAYO MAGTATAGAL.” Masakit para sa akin na kalimutan lahat ng yan. Masakit na masakit. At sa gabing yan diyan na rin natapos ang relasyon natin. Diyan na rin naglaho lahat ng plano natin sa 18th birthday ko 2 weeks after ng May 24,2013. Diyan na rin natapos lahat ng pangarap ko sa ating dalawa. At sa gabing yan, diyan din naging kayo ng bagong boyfriend mo.
18th Birthday. Pumunta ka kasi ikaw yung pinili kong emcee. It’s a little bit awkward for me but I’m trying to act normal. You know that this is my dream, to celebrate my legality with you and my loved ones. I know that you’re trying too, pinagbigyan mo lang talaga ako sa hiling ko. And that night while we are dancing on the 18 Roses part, that was the first time that I heard you say “Sorry” to me after all. You did that “Makalaglag panty look” that I always wanted you to look at me. You gave me that incredible gift you personally made which I really appreciate. In fact I enjoyed it. And for the last time you hugged me and pinaramdam mo sakin na Minahal mo ako. Hindi ko napigilan sarili ko kaya naiyak ako. Because I know and I feel that a part of you is still here, in my heart. And I feel it too, na I still have that space in your heart even though you already let me go and say goodbye.
Ngayon, we’re trying to remain as friends because we’re just in the same circle of friends. I’m trying to move on. I know na hindi ‘to ganun kadali. Almost 9 months pa lang ako na nagmomove on. Nawalan na rin ako ng gana sa love. Wala pa din akong balak sa ngayon. Ang goal ko lang ngayon ay makatapos ng college with flying honors lalo na’t 3rd year na ako next sem.
Natutunan ko lang sa love story na ‘to. Hindi lahat ng bagay na akala mo eh ayun na. Minsan pinapa experience lang talaga sa atin ni God yung mga bagay na ‘to para maging matatag tayo. Para sa susunod alam na natin kung ano yung gagawin natin. At dadating din sa tamang panahon yung tamang tao sa tamang oras. Hindi mo kailangan hanapan, kusa yon dadating sa’yo. Kaya wag ka mawawalan ng pag-asa kung iniwan ka niya.. ang mahalaga may natutunan ka. At lagi mo din tatandaan na lahat ng bagay kaya nangyayari kasi may purpose si God. Maybe hindi lang better yung dumating sa’yo kundi yung “best”.